Transparency sa pagsira sa nasamsam na droga iginiit ni Sen. Marcos

Read the English version.

Nasaan ang mga iligal na droga na nakumpiska ng Philippine National Police (PNP)?

Ito ang tanong ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. dahil napapansin umano nito na ang mga nasasamsam na droga na nawawala sa paningin ng publiko matapos itong iprisinta sa media bilang accomplishments.

“Where are the illegal drugs confiscated by the police? How are these stored and destroyed?” The public should know,” pahayag ni Marcos sa isang kalatas.

Sa kasalukuyang proseso, ang narekober na iligal na droga ay itinatago at ginagawang ebidensiya sa husgado laban sa mga nahulihan nito.

Pero iginiit ni Marcos na dapat umanong sirain ang mga droga sa harap mismo ng publiko matapos iprisinta sa korte at hindi na kailangan pa sa kaso.

“Whether they incinerate or use other methods in destroying the drugs, the process should be done in public view or, at least, covered by the media,” ayon dito.

Sinabi ni Marcos na kailangan ang ganitong proseso upang mawala ang hinala at masiguro sa taumbayan na ang mga droga, o kahit bahagi lang nito, ay hindi narere-cycle o na-ibebentang muli sa kalye ng mga “tulak” na protektado ng mga tiwaling pulis.

Itinutulak ni Marcos ang transparency sa pagsira sa mga nasamsam na droga kasabay ng panawagan sa PNP na paigtingin ang kampanya laban sa drug trafficking at lambatin ang mga big time drug traders at hindi lang ang pipitsuging street pushers.

Naalarma si Marcos sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang krimen sa mahigit na 20 porsiyento ng 42,029 na mga barangay sa buong bansa ay drug-related at 92 porsyento ng mga barangay sa National Capital Region ay drug-affected.

Back to Blog