Radio interview with Kabayan Noli de Castro on DZMM Teleradyo

Kabayan: …even wala pa kayong kopya ng BOI, o me kopya na kayo ng BOI?

Sen. Bongbong:  Well meron nang lumalabas ng mga kopya ng BOI, inaantay pa rin namin yung official copy. Ang nakita pa lang namin ay yung lumabas sa pahayagan na mga picture, na nakunan habang pinipirmahan. Pero marami na ring mga conclusion, marami na ring lumabas dun sa mga pahayagan, sa nakita namin sa website ng ilang pahayagan.

Kabayan: Pero yung mga lumalabas hindi masyadong…parang alam na natin yun e?

Sen. Bongbong: Well, ganun nga. Unang-una dapat namang pagbigyan natin ng pansin yung ating mga kapulisan, dahil pinagsususpetsahan sila nung humingi sila ng 3 days extension, na ginagawan nila ng cover up yun report. Pero mukhang hindi naman nila ginawa yun dahil yung kanilang conclusion ay kagaya ng nung aking sinasabi mula nung natapos yung hearing namin, na talagang nagkaroon ng ibang chain of command, na informal, na si Purisima saka si Napenas ang kausap lang ng Pangulo.

But they go further, dahil sinasabi nila na talagang alam ng Pangulo lahat mula simula at siya ang nagbigay ng approval para sa mission na maituloy, at ang ginamit nila ay ang mismong salita ng Pangulo tungkol dito sa kanyang mga speech at sa kanyang mga statement. Kaya’t ganun na nga ang nangyari.E kailangan talaga nating mapakinggan ang Pangulo kung bakit yan ang ginawa?

Kabayan: May lumabas pong report dun daw po sa position paper na insinumite, insinubmit ni dating PNP chief Allan Purisima, e binabanggit daw dun na alam nina Sec. Roxas at saka Gen. Espina. Nabasa ho ba ninyo itong position paper daw ni Purisima?

Sen. Bongbong: Wala pa. Iyan ay ibinigay sa BOI, wala namang ibinibigay sa amin na ganyang klaseng paper.

Kabayan: Ito daw ay isinubmit sa Senado? Wala kayong nababasang ganyan?

Sen. Bongbong: Wala kaming nakikitang ganun na sinasabing si Espina saka si SILG, Secretary Mar ay kasama sa planning. Wala kaming nakitang ganun, yun lamang yung mga testimonya nya. Ang ibinigay ninya sa amin ay yung testimonya nya sa public hearing saka yung mga text message, walang position paper na ganun.

Kabayan: Senator, sa imbestigasyon nyo at maging sa imbestigasyon ng BOI ay lumalabas po na hindi na-interview si Pangulong Noynoy Aquino, papano yun?

Sen. Bongbong: Ay yun na nga, kayat kailangan nating malaman kung ano ang mga naging dahilan kung bakit ganito ang naging sistema nun sa Mamasapano, dito sa Oplan Exodus.  At dahil nga ay binago nga yung chain of command kaya nga nagkagulo-gulo. Kaya’t yan, ganun din ang findings, ganun din ang conclusion ng BOI report ng PNP.

Eto’y malaking bagay na ito—marami na tayong nakukuhang mga detalye. Yun lamang e yung inaantay namin sana na galing sa MILF na BOI report din ay ayaw yatang ibigay sa atin, hindi ko malaman kung bakit. E Malaysia lang daw ang makakakuha ng kopya at hihingi daw tayo sa Malaysia.

Kabayan: E hindi ba parang insulto yun senator, katulad nyong isang senador?

Sen. Bongbong: E palagay ko dahil….nakakapagtaka naman dahil ipinangako sa amin nung nandun si Chairman Iqbal dun sa Senado sabi pa nga nya malapit nang matapos, 90 percent finished, etc. etc. Pero nung natapos ay dinala naman ito naman sa Malaysia.

E nagtataka naman kami kung bakit sa Malaysia dadalhin? Sinasasabi nya dahil ganun daw ang procedure e. Pero kahit ganun ang procedure e ano ba namang mawawala sa kanila na maibigay sa amin yung report para magamit na namin at matingnan na namin kung ano ba talaga ang naging problema

Doon sa side ng MILF kung bakit nagkaroon ng encounter, pano nagkaroon ng massacre?

Kabayan: Ano sa akala po nyo senator, sa mga nakukuha ninyong impormasyon—BOI, Senate, House of Representatives, MILF, DOJ—e ang pinangangambahan nga dito baka magkaiba-iba ang mga resulta ng report ay sino ang paniniwalaan, parang ganun?

Sen. Bongbong: Well, so far yung masasabi ko sa Senado at saka sa PNP ay tumutugma naman yung mga findings—yun na nga yung nagkagulo dahil sa chain of command. Tapos yung coordination sa AFP nangyari nga dahil wala yung chain of command at yung paggamit kay Gen. Purisima at pagkasama nya dun sa planning at saka sa implementation nung Oplan Exodus—eto ay pare-pareho.

Pero hindi pa natin nakita lahat e. Dahil ang nakita ko lamang yun na nga yung mga nakunan ng picture habang pinipirmahan. Inaantay nga namin, inaabangan nga namin buong araw kahapon pero panay ang delay so hanggang ngayon wala pa. Although unofficial ay yun na mismo ang nakalagay dun sa mga ilang pahina ng report ng BOI ng PNP.

Kabayan: Okay. So pag natanggap po ninyo ang report ng BOI—yung 120 pages daw na ito—ano ho ang susunod na gagawin ninyo?

Sen. Bongbong: Well, titingnan namin at siguro ay makakakuha rin kami….gagawa pa ng committee report sa Senado tungkol nga dun sa inquiry na ginawa namin at yung pagdinig dito sa Mamasapano incident. Ako, umaasa pa rin ako na makakakuha tayo ng MILF na report ng sa ganun ay siguro masasabi natin bawat panig makikita na natin kung ano talaga ang nangyari.

Pero habang tumatagal ay lumiliwanag naman na mukhang, yun na nga….

Kabayan: Nagkakapareho-pareho kayo?

Sen. Bongbong: Oo, mukha namang halos pare-pareho dahil pare-pareho naman yung pinakinggan namin e. At sa palagay ko e magtutugma ding lahat yun. Kaya paulit-ulit ko ngang sinasabi dapat naman bigyan naman natin ng…. pansinin naman natin ang ating kapulisan. Dahil nung nag-antay nga tayo ng tatlong araw ay maraming nagsasabi na baka inaayos na yung report para mag –cover up e hindi naman nila ginawa yun.

Kabayan: Oo. Malalaman ho natin yan kapag nabasa na talaga at naisapubliko yung 120 pages na report ng Board of Inquiry. Pero Senator ano na ang kinabukasan ng BBL dyan sa Senado?

Sen. Bongbong: Well, dahil nga dito sa nangyari sa Mamasapano e mahirap talaga. At titingnan kung ano ang naging role ng MILF. Ang problema dito ay kung ano ba talaga ang balak ng MILF—sila ba talaga ay para sa kapayapaan? Yan ang tiwala na nawala dito sa peace process sa taong bayan kayat yan ang kailangang ibalik. Pero hindi natin maibabalik yun kung hindi natin malaman kung ano ba talaga sa kanilang panig, ano ang pananaw nila sa mga pangyayari sa Mamasapano.

Kaya’t siguro umaasa pa rin ako na makakakuha tayo ng kopya para mabuo  ang istorya—makita natin nun eto yung nangyari sa Army, eto yung nangyari sa MILF, at kung ano ba ang nangyari dun sa iba’t-ibang opisyal, pati na ang Pangulo. Pero yung Pangulo hindi naman natin kayang pwersahin—meron syang executive privilege.

Kaya’t sana naman paglabas nitong BOI report e buuin na niya ang istorya dahil sa report ng PNP e marami silang tiningnan na mga salita ni Pangulong Aquino na pabago-bago nga ang istorya doon sa kung anong nangyari sa Mamasapano, kung anong ginawa niya, kung anong parte nya. E lahat ito kailangang mailiwanag.

Palagay ko  pagka nakuha na natin yung sa MILF na report, pagka nakuha na natin yung committee report dun sa Senado, pati na rin yung sa House kasi baka ituloy naman nila yung kanilang inquiry—e palagay ko makukuha na natin lahat ng mga detalye.

Kabayan: And then tuloy na uli yung hearing?

Sen. Bongbong: Oo, pwede na sigurong ituloy yung mga hearing. Pero yung mga hearing ay nadagdagan dahil sa mga lumabas dito sa mga inquiry. At palagay ko merong mga lalabas na detalye sa BOI ng pulis, siguro me mga detalyeng lalabas na kailangan ding i-hearing. Pero hindi ko masasabi hanggat mabasas ko yung buong report.

Kabayan: Okay, maraming salamat po sa inyo Senator at magandang umaga.

Sen. Bongbong: Thank you Kabayan. Magandang umaga po sa inyong lahat.

Back to Blog