Ambush interview with Senate Media (Part 2)

[If the media player does not display, you may listen to the audio here.]

Q: Doon sa Sultan Kudarat, andun yung mukha ninyong tatlo  (sa tarpaulin), anti–BBL daw kayo?

Sen. Bongbong: Oo, matagal na yun. Ewan ko kung bakit nasama ako dun.

Q: Anti-peace daw kayo, kasi anti-BBL daw kayo?

Sen. Bongbong: Medyo magtatampo ako sa kanila kasi lahat ng pwede kong gawin ginagawa ko para maayos yung BBL. But I guess they are just expressing their opinion. Yung kay Sen. JV naman at kay Senator Allan ay dahil nag-withdraw sila. I don’t know why I was included among the anti-BBL senators?

Q: Dahil siguro sinuspend nyo yung hearings?

Sen. Bongbong: Siguro. Pero…that is a misinterpretation ng aking intentions dahil hindi ko naman kinokontra ito. Gusto ko ngang gawing perfect yung BBL kaya’t pinag-aaralan na mabuti ito kaya’t ayaw ko namadaliin ang proseso.

Q: Sir hindi ba parang harassment ito sa inyo?

Sen. Bongbong: Alam mo, lalo na sa South, the passions are running high tungkol dito. So hindi mo naman masisi yung tao na sinasabi lang nila anti ako. Pero sana kung makausap ko sila sasabihin ko sa kanila hindi ako anti at lahat ng maaaring gawin ginagawa ko para maging maganda, matibay at maayos ang BBL para talagang yung patakbo ng Bangsamoro government ay maganda.

Q: Sir anong implication pagka hindi naging acceptable sa MILF yung ma-approve na BBL?

Sen. Bongbong: Di wala tayong BBL, wala tayong Bangsamoro. Kung hindi ma-approve ay back to the drawing board na naman tayo at kailangang mag-negotiate ang MILF at saka ang GRP.

Pero hindi naman siguro. Palagay ko mapapasa yan basta maayos natin lahat lalo na yung naku-kwestyon na constitutionality, yung mga administrative and political questions, power-sharing, share in national wealth—na ngayon tinatanong ng mga ibang LGU.

So kahit na wala yung Mamasapano marami pa rin talagang pag-aaralan dito e. Kumplikadong bagay ito dahil nagtatayo tayo ng gobyerno e, so it’s not a simple thing.

Q: Sir, so sa dami ng pag-aaralan na yun aabot pa ba by June?

Sen. Bongbong: Siguro. Baka kakayanin. Oo. Basta makapag-hearing na tayo sa Sulu at saka sa …..Inaantay na lang natin yung mga report. Basta’t matapos na yun pwede nang simulang yung mga hearing sa South, pagkatapos yung mga hearing dito, tapos yan na yung isusulat namin yung mga amendments.

Baka pwede pa siguro. Ano ba ngayon, beginning pa lang ng March? As usual gipit sa oras pero gawin natin ang lahat pero gawin natin ang lahat para abutin yung end of session.

Q: Pero sir di ba hinihintay nyo pa rin yung report ng MILF e hindi ata ibibigay?

Sen. Bongbong: Hindi ko nga maintindihan yun dahil ipinadala sa Malaysia, hindi sa atin ibinigay. Nagtataka nga kami kung bakit ganun ang naging reaksyon nila. No, we have to wait for that.

Yung isang kritikal na area, para sa akin, yung mechanism for ceasefire pagka nagka-encounter. Kasi nakita natin kung mas mabilis ang naging proseso dito sa Mamasapano, baka hindi ganun karami ang namatay, at marami tayong nasalba na buhay. Kaya’t yun ang gusto kong malaman.

Pero hindi natin magagawa yun kung hindi malaman kung anong nangyari sa MILF side—kaya’t yun ang inaabangan ko dun sa report nila. Ano ba ang nangyari sa kanila: bakit nagkagulo, bakit matagal?

Dun sa side natin, bakit matagal, bakit hindi kayo makapag-kontak, all of those things?

Q:  Saka sir, bakit sa Malaysia?

Sen. Bongbong: Yun isa pang dapat din nating itanong. Ang gulat ko nga nung makita ko sa television e, na ipinadala na raw yung report ng MILF sa Malaysia. Dapat dito sa amin.

Well, antayin natin, baka naman sakali pag na-approve na sa Malaysia, ipinadala na dito.

Q: Sir, hindi ba it’s a sign na talagang hindi sila mapagkakatiwalaan? Kasi nung hinihingi nyo yung report sabi nila hindi pa nila tapos?

Sen. Bongbong: Ninety percent tapos ang sabi ni Chairman Iqbal dito.

Q: Yun pala meron pala silang balak na ipadala pala sa Malaysia hindi lang sinasabi sa inyo; sinasabi lang sa inyo hindi pa tapos?

Sen. Bongbong: Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ganyan yung nangyari.

Q: Pinapaikot ba tayo?

Sen. Bongbong: Wala, walangnagpapaikot. Patas-patas lang—ano lang talaga ito, maganda basta’t diretsuhan lang ang usapan. All I can say is that ipinadala nila sa Malaysia—that will be another delay. That’s another delay—sana hindi nila ginawa yun. Umaasa pa rin kami na papadalhan din kami ng kopya.

Q: Sir, hindi ba sampal sa gobyerno yun, sa atin, na ginawa nila yung ganun? E kayo ang kausap hindi naman yung Malaysia, bakit dun sila nagsusumbong?

Sen. Bongbong: Kaya nga nakakapagtaka,hindi ko maintindihan kung anong motive behind that e.

Q: Sir yung ginawa nila another delay as approval ng BBL?

Sen. Bongbong: Oo, dahil sana binabasa ko na ngayon at lahat nung mga kailangang gawin ay nasimulan na ngayon. Ngayon, imbes na ganun inaantay natin sila.

Q: Pero sir hindi ka pa ba kinakausap ni SP Drilon para sabihing o…?

Sen. Bongbong: Wala naman, wala naman syang sinasabi. Pero talaga naman, may usapan naman kami noon pa e. Hindi naman mamadaliin, pero meron kaming mga time table, so susubukan nating bumalik sa bagong time table.

Q: Sir would you be willing to sit down and hold a dialogue, just like President Aquino did with the House of Representatives? For senators to have a…..

Sen. Bongbong: Of course. Hindi kami iniimbita. Kahit yung Ad Hoc committee—nagtanong nga ako—yung Ad Hoc Committee sa House hindi rin sila kumpleto. So hindi ko alam kung paano namili yung Palasyo kung sinong iimbitahin.

That would be very useful. Because there’s only one remaining question on the government side: why did the President chose to violate the chain of command and to create another informal chain of command?

I’m sure he has a reason, I don’t know what it is.

Q: Yung demand ng BBL for no conditions, anong effect nun sa deliberations ng BBL?

Sen. Bongbong: There are no conditions; we are not putting any conditions. What we were asking the MILF were for those confidence-building measures that I keep calling about as “gestures of good faith”, yun lang naman.  Well, it’s too bad, mas maganda sana ang takbo ng proseso kung nagawa nila yun. Pero itutuloy pa rin natin kahit na hindi nila kayang gawin.

Back to Blog