Radio interview with Sen. Orly Mercado on Radyo 5

Orly: Good morning Senator Bongbong, magandang umaga sa iyo.

Sen. Bongbong: Magandang umaga Sen. Orly at magandang umaga sa mga nakikinig. Magandang umaga sa inyong lahat.

Orly: Ano ba ang reaksyon mo dito sa—well, at least nag-submit na ang BOI ng PNP ng kanilang report. Ano bang magiging impact nito sa ginagawa ng Senado at may ripple effect din ba ito dun sa Bangsamoro Basic Law, ano ba ang nakikita mong magiging implication nito?

Sen. Bongbong: Well, sa ngayon ay hindi pa ako nakakakita ng isang buong kopya at ang mga nakita pa lang natin yung mga nailagay sa ibang pahayagan na nakunan habang pinipirmahan yung report. Pero meron na ring mga conclusions na lumabas sa report ng pulis.

At unang-una gusto ko lang na sabihin na kilalanin natin yung ginagawa ng pulis. Dahil nung nag-extension sila ng tatlong araw meron nagsasabi, naku nagko-cover up na, wina –whitewash na. Pero mukhang maliwanag naman hindi naman ganun ang nangyari at talagang ginawa lang nila ang kanilang trabaho—yung BOI—at talagang kung ano ang nalalaman nila ay inilagay nila sa report.

At dun sa mga nakita kong ilang pahina ay ganun din, pareho dun sa aming sinasabi na nagkagulo dahil yung chain of command ay na-bypass e, at gumamit ng ibang chain of command.

Tapos yung salaysay ng ating Pangulo hindi maliwanag dahil pabago-bago ang kanyang sinasabi. Sinasabi nya na walang kinalaman si Gen. Purisima, yun ang una nyang statement. Tapos si Gen. Purisima napaamin naman sa hearing namin na mula sa umpisa hanggang sa katapusan ay nandun sya at kasama sya sa planning and implementation ng Oplan Exodus.

Siguro ang inaantay na lang natin—kagaya ng aking sinabi mula nung simula—kailangan nating malaman kung ano yung report sa panig ng pulis, sa panig ng AFP, at kung ano yung report nung sa MILF. Kaya’t nagtataka kami ba’t …ipinadala sa Malaysia.

Orly: Ayaw magbigay di ba? At saka sabi nila hindi raw magbibigay, maghanap kayo, dun kayo sa Malaysia kumuha. Ba’t ganun?

Sen. Bongbong: E sinasabi nila ganun daw talaga ang procedure. Kahit totoo yun e ano ba naman ang mawawala sa kanila para maging mas mabilis ang proseso—ano bang mawawala sa kanila na ibigay sa amin yung report nila?

Pero umaasa kami na kahit papano makakakuha kami ng kopya ng MILF report ng sa ganun mabuo na yung picture, mabuo na nating lahat kung ano ang nangyari sa panig ng MILF, kung ano ang nangyari sa panig ng pulis—ngayon alam na natin paglabas ng report—yung AFP.  Tapos pag lumabas yung committee report, pag nabuo na lahat yun, ay pwede nang ilabas yung committee report dun sa inquiry na yan dun sa Senado.

Pero maraming lumabas na isyu…

Orly: Nanganganak pa e?

Sen. Bongbong: When it comes dito sa BBL. At talagang yung sinasabi mong ripple effect, meron talagang ripple effect. Dahil ito mismo, etong ganitong pangyayari na kagaya sa Mamasapano, yan ang iniiwasan natin at kailangan nating ayusin na mabuti yung BBL para yung nangyari sa Mamasapano ay hindi na maulit.

Kaya naman natin inaantay ang lahat ng mga board of inquiry, kaya natin inaantay lahat ng sagot, para nga malaman kung papano natin aayusin yung BBL ng sa ganun ay hindi na mangyari yung Mamasapano.

Orly: Yes. Ang pinaka-aabangan natin—dahil tutal pahupa na rin yung level, nama-manage na yung level ng emotion dito, we have to focus now on the lessons that can be learned from this. Peroyou cannot do this kung walang empirical evidence—yung talagang pinagbabasehang ebidensya—at we can establish the facts. Kaya maganda itong first step na ito.

Kayo naman sa Senado, inaantabayanan din namin ang magiging report at legislative recommendations din ano, hindi ba?

Sen. Bongbong: Yun, maraming magiging legislative recommendations. Siguro makikita natin naman kahit bago pa nangyari yung Mamasapano ay marami na talagang kailangang pag-usapan, maraming detalye na kailangang ayusin at liwanagin sa BBL. At ito ay nasimulan nang pag-usapan.

Pero nung nangyari yung Mamasapano ay kailangan nating matingnan kung ano ba talaga ang—kayaga ng sinabi mo—lessons learned.

Kaya’t importanteng-importante—ako para sa akin ang isang talagang binibigyan ko ng pansin itong proseso, na yung encounter, kung papano ang mag-ceasefire ng encouter.

Orly: Yeah…

Sen. Bongbong: Kaya importante malaman natin kung ano ang pananaw ng MILF sa mga pangyayari nung 25 ng January sa Mamasapano. Kailangan nating makita kung ano ang naging reaksyon nila dun sa naging encounter, at kung bakit tumagal ng halos 11 hours bago natigil ang putukan mula nung nasabihan ang MILF na ang kaharap nila ay tropa ng gobyerno, hangga’t nagkaroon ng ceasefire—halos 11 hours. E gusto kong ayusin na mabuti yang prosesong yan para sa ganun yung 11 hours gawin nating 11 minutes dahil marami tayong masasalba na buhay.

Orly: Very well said. Thank you very much Senator Bongbong, very well said tungkol dito sa BOI report. Maraming salamat po.

Sen. Bongbong: Thank you very much, maraming salamat Sen. Orly at maraming salamat sa inyong lahat.

Back to Blog