Transcript: Radio interview with former Senator Orly Mercado on Radyo 5

Orly Mercado: Ano bang nangyari dito sa election ng SK? Ito ba ay tuloy o hindi tuloy?

Sen. Bongbong: Ang talagang pinagusapan namin hindi naman yun ang issue ung meeting ng mga members sa Senate at tsaka yung mga ibang Congressman. Ang pinagmeetingan naming ay talaga yung SK Reform Bill. Yung postponement is only in case kailangan dahil kung talagang magkakaroon ng SK Reform Bill baka mangangailangan din ng postponement because if we are going to reform the system of SK, ibang sistema ng pati paghalal and everything because which is the change in the structure. So, ang pinaguusapan namin, ang talagang pinagmimeetingan namin is about kung papano namin gagawin para magkaroon ng SK Reform Bill. If you remember pinostpone na namin ang SK Election since last, dapat October of 2013, pero pinostpone natin para nga magkaroon ng SK Reform Bill dahil ang daming nagrereklamo na hindi maganda ang patakbo ng SK. So yung Senado ay natapos na namin ang aming version ng SK Reform at hinihintay lang naming ang version naman ng House. We will proceed from then. Depende yan kung anong mangyari sa Reform Bill namin, titignan namin kung mangangailangan ng postponement.

Mercado: Pero in the meantime, papalit ng papalapit dahil itong Pebrero na yata ito ‘di ba?

Sen. Bongbong: Ang unang nakaschedule is February 21, but if we can come into an agreement about the version that acceptable in both Houses, palagay ko sandali lang naman iyon. It will take a week…a week and a half, before we have now, kaya nating tapusin. At the very reason magsecond reading man lang which is to say na pasado na sa Committee.

Mercado: Kailangan ba daw na magkaroon kayo ng staff draft measure na mayroon isang Joint Resolution para masuspinde man lang ang SK Election.

Sen. Bongbong: Mayroong pinasa sa Lower House na Postponement Bill. Ngayon kaka-transmit lang galing sa House papunta sa Senado. So ito’y naging independent ngayon sa kung anong maging resulta ng aming mga usapan tungkol nga dito sa SK Reform Bill. Kung magtuloy tuloy yan hanggang sa SK Reform Bill, mukhang kailangan nga ng postponement, ‘yon ang gagawin namin

Mercado: Can you give us an inkling dito sa trinatrabaho mo sa Reform Bill, alin ang mga pagbabagong gusto mong mangyari para yang pagpapatakbo ng mga organisasyon sa Sangguniang Pangkabataan para mapaganda at maging meaningful at masagot ang mga kritisismo?

Sen. Bongbong: One of the main features na aming prinoproposed ay pagbago ang age range dahil sa ngayon 15 to 17. Pagdating mo ng 18, wala ka na sa youth sector, ika nga di ka na kasama sa SK. Binago namin ang age, there are several proposals. Ang version ng House ngayon ay 15 to 21, ang version naman ng Senado ay 15 to 30. So gusto naming i-align yung ating definition dito sa Pilipinas ng youth para ipareho dun sa definition ng youth sa iba’t ibang bansa, that is one big feature. The other big feature is the training. Pinapatibay naming yung training dahil sa tingin namin ay kahit naman sino na papasok ay dapat naman maging maliwanag na sila’y handa na. Training is the very important part. Ang ginawa namin, hindi lamang yung mga tactical na requirement kagaya ng bookkeeping, mga liquidation, kung hindi pati mga ideology, history mga ganun, para malalim lalim ang pagkaunawa ng ating mga magiging SK sa kanilang trabaho. And another aspect from it, one of the things that we’ve discussed is the Anti-Dynasty at the Barangay Level. Dahil kung titignan natin yung Anti-Dynasty Law na nasa House of Representatives ngayon, ay hindi kasama ang Barangay. Dito, sinama namin ang Barangay to 2nd Degree of Consanguinity of Barangay and Municipal Officials. Halimbawa, anak ng Mayor, anak ng Board member, anak ng nakaupo na Barangay Captain, is not allowed to run because of this Anti-Dynasty provision. So those are the main elements na aming pinaguusapan.

Mercado: Pero palagay mo lulusot?

Sen. Bongbong: Palagay ko rin, palagay ko lulusot. Palagay ko naman papasa. Dahil agreed naman ata kaming lahat, kasi ang mangyayari nito kung wala tayong Reform Bill, magkakaroon ng halalan. Ang halalan is on the basis ng old law, kahit naman sino ayaw yun. So we are trying our best na magkaroon ng magandang SK Reform Bill para maging maayos naman ang patakbo ng SK. Bigyan naman natin ng pagkakataon ang kabataan na ipakita nila, yung sistemang binigay natin sakanila hindi maganda, kaya hindi rin maganda ang performance nila, at least dito maipakita ng mga kabataan ang kanilang galing.

Mercado: Sumatutal, inaantabayanan kasi, pinapanuod ko pati si Chairman Brillantes na sinasabing, you know, that getting ready just in case hindi mapostpone but at the same time he is hoping for a quick postponement.

Sen. Bongbong: What we are going to do dito sa Senado, ipapasa na namin siguro on second, we will try to pass on from committee ipasa na namin yung Reform Bill version ng SK ng Senado. Isasabay na din namin yung postponement… kung sakaling mangangailangan. It is conditional sa kung anong mabuo na SK Reform Bill.

Mercado: Yun ang prejudicial issue na kinakailangang malutas muna.

Sen. Bongbong: The central issue is not the postponement, the central issue as you identified, kagaya ng sabi mo ay hindi yung postponement kung hindi, kailangang magkaroon ng SK Reform Bill.

Mercado: Very well said Senator Bongbong Marcos, maraming salamat po!

Sen. Bongbong: Salamat, Magandang umaga sayo!

Back to Blog