Radio interview with Karen Davila & Vic de Leon Lima on DZMM

gmanewsonline_logo

Sen. Bongbong: Magandang hapon Karen, magandang hapon Vic at sa lahat ng mga nakikinig, magandang hapon po.

Q: Senator, siguro ganito ano, yung BBL hearing suspendido sa ngayon, nais nyo ba na mag-resume ito ulit muna?

Sen. Bongbong: Yun naman talaga ang balak namin. Mula sa simula’t simula ay sinabi ko na inaantay lang natin ang report ng MILF at saka ng PNP. Marami pang ibang report pero palagay ko sapat na yung dalawang yun—we were in fact….nagbubuo pa kami ng truth commission noon.

Pero ngayon inaasahan nga namin na ang pag-uusapan natin ngayong hapon ay tungkol ng dito sa report ng PNP pero sa ngayon ay wala pa kaming nakikitang kopya. Alam kong napirmahan na at sana naman maibigay na para naman mapag-aralan na namin dahil sa titingnan namin kung ano ba talaga ang naging epekto nito.

Kaya naman itong mga… hindi na naman nakakatulong ito… dahil nagsalita ang Presidente at sinisi niya si Napenas biglang nagkaroon ng extension ng three days. Hindi mo masisisi ang tao na magsususpetsa, sasabihing inaayos ngayon ito para tumugma sa sinabi ng Pangulo, kaya titingnan natin.

Ako naman ay malakas ang kumpyansa ko sa ating kapulisan na talagang gusto nilang mailabas at maipakita kung ano ba talaga ang nangyari. So we will just have to wait.

On the other side naman, nakakalungkot na ang MILF ayaw magbigay ng kopya ng report sa atin kundi sa Malaysia. Kaya, bakit naman ganun e nung nasa senado si Chairman Iqbal…bibiyan ng kopya…sinasabi pa nga nya at that time it was 90 percent complete…[signal deteriorated]

Q: Senator, ayusin lang natin ang signal Sen. Bongbong… [Gap of a few minutes during which radio station tried to contact the senator again]… Alright Senator, sinabi ng Malacanang gusto nila by June pasado na ang BBL. So siguro sa mababang kapulungan kinausap na yan lahat ng mga kakampi, ipapasa yan na hindi na binabasa o hindi na binabago, ganun ba sa Senado sir?

Sen. Bongbong: Ay hindi dahil talagang kami ay nagkaisa na kami, sinasabi namin—syempre ayaw naman naming i-delay—pero kailangan naming ayusin ang BBL. Dahil unang-una kailangang maunawaan ng lahat na yung draft BBL na ibinigay sa amin was incomplete—hindi pa kumpleto.

Q: Naku!

Sen. Bongbong: Dahil merong mga ibang bagay na hindi mapag-agreehan ng Government of the Philippines at saka MILF, para magkaroon na ng draft BBL, iniwan nilang silent. Kaya tinanong ko nga, e bakit, papanong mangyayari dyan? E sabi yan ang trabaho ng Kongreso, lalagyan yan ng detalye at liliwanagin ninyo kung ano yung mga proseso, ano yung mga mekanismo.

And that still has to be done. And that is why critical itong mga report dito sa Mamasapano because those mechanisms are precisely tungkol nga dito sa ceasefire, sa mga encounter na ganito. Kaya importanteng-importanteng malaman sa magkabilang panig—sa PNP at saka sa MILF—kung ano sa kanilang pananaw ang nangyari, kung anong naging problema, at sa ganung paraan ay malalaman natin kung papano aayusin.

Q: Okay, senator I think naimbitahan ninyo noon sa Senado si retired Associate Justice Vicente Mendoza, no? Tama ba yun sir?

Sen. Bongbong: That’s right, I heard what you were saying earlier in your report. Oo nga yun ang kanyang mga salaysay sa amin, it is the committee on constitutional amendment chaired by Sen. Miriam. At yang mga bagay-bagay na yan ay napag-usapan lahat yan.

Q: So pano po yun, itong constitutionality issue? Kasi ang sabi nga nya, with all the effort pag binasura lang ng Korte Suprema, it is counter-productive. Like, ito basic question: na parliamentary sila doon. Hindi po ba Senado ang dapat sumagot noon? Papasa ba ang BBL Senator Bongbong na parliamentary sila doon?

Sen. Bongbong: Well, ito ay malaking bagay dahil nga ang definition ng ating pamahalaan ay unitary and republican, yan ang ating sistema. Biglang sa Bangsamoro it is ministerial and parliamentary—e papano naman magbabago yun, dahil papano magtutugma ngayon yung ating mga sistema ng pamahalaan, yung sistema ng eleksyon, yung sistema ng administration—all of those things. That’s why there are these constitutional questions.

Yun daw, tungkol ng sa difference ng sistema ay sinasabi nila na pwede pang ipaglaban yan, me pagka gray area. Pero yung mga pinagbasehan nungg MOA-AD na sinabing unconstitutional—yung nabanggit mo nga yung apat na bagay that comes from the Montevideo protocol, the definition of a state, e nandun lahat sa BBL. And those are the grounds kung bakit na strike down ng Supreme Court ang MOA AD.

Kaya’t kami sa Senado ay hindi kami papasa, at hindi kami maglalabas ng isang batas na alam naming unconstitutional, alam naming illegal, at alam namin na unenforceable. Kaya’t sa aming panig ay gagawin naming lahat para ayusin yung BBL para naman talagang maging productive, hindi na yung counter-productive kagaya ng sinasabi ni Justice Mendoza.

Q: Okay, that is a very good point. What you were saying is meron na ini-strike down ang Supreme Court na nasa MOA AD, naulit pa sa BBL and more?

Sen. Bongbong: And more. Because there are other elements, ngayon meron pang ginagalaw pa yung mga constitutional bodies, the COA, the Comelec, the Civil Service, the Ombudsman’s Office. Lahat ito ay parang hindi mo pwedeng gawin dahil it is a constitutional body—hindi mo pwedeng palitan yung function nyan, yung powers nya. You cannot diminish the powers of a constitutional body except by a constitutional amendment—hindi kayang gawin ng batas yan. So yun ang problema na hinaharap namin para ayusin itong BBL.

Q: How can that be finished by June? You are talking about unconstitutionality, merong kulang dun sa BBL, na me sinabi kayong ini-strike out, ibinalik—andami nyo hong gagawin?

Sen. Bongbong: Talaga namang napakaraming kailangang ayusin. And again yan ang mga malalaking bagay,  mga constitutional questions. Marami pang administrative questions, me mga questions sa power sharing, me questions sa shares in national wealth, me question pati sa territory, yung nabanggit ninyo kanina yung 10 percent of the voting population can petition na magkaroon ng plebisito.

Isa pa yun. E ang tanong naman ng iba, kung kami na nasa loob ng Bangsamoro, pwede rin kami sa 10 percent mag plebisito para lumabas sa Bangsamoro?

Q: Pwede ba?

Sen. Bongbong: E hindi. Wala. Kailangan nating pag-aralan na mabuti yan dahil dapat naman kung me mekanismong ganon na makapasok after the creation of the Bangsamoro government, na after na makapasok ay pwede ring lumabas.

Ang tanong din ng ibang governor nung sa hearing namin sa Marawi—I remember—ang tanong sa amin, meron bang time limit yung pagpasok sa Bangsamoro? Dahil bilang isang governor, hindi ko na isasama ang isang bayan na alam ko na pupunta sa Bangsamoro. So pagplano ko ng development plan ko ng probinsya, hindi ko na sila isasama—dahil aalis din naman yun masisira ang plano ko.

Andami pa nilang ganitong klaseng problema that really have to be attended to.  Kaya’t hindi simple ang ipinapagawa  sa amin.

Q: Okay, now senator, kapag may binago kayo sa main points—like kunyari sa parliamentary system, yung chief minister nila ay voted by a parliamentary, yung mga kung ano-anuman—papayag ba ang MILF dito e parang yun ang foundation nung BBL nila?

Sen. Bongbong: Wala tayong magagawa dahil kung sa aming palagay ay unconstitutional, at kung sa aming palagay ay hindi tama ang pagkasulat sa draft BBL, ay kailangan nating palitan yan—yan ang trabaho namin e, para sumulat ng magandang batas, at yan ang aming gagawin.

Pero kung anong reaksyon ng MILF—-siguro naman dahil okay naman, palagay ko may pag-asa naman na tatanggapin nila. Dahil mula sa simula ay nagsasabi na ang MILF kahit isang comma, kahit isang period, kailangang hindi papalitan. Pero parang ngayon nagbabago na ang kanilang salita at siguro naman kung maipaliwanag naming mabuti kung bakit namin pinapalitan yung iba’t-ibang probisyon, siguro naman ay tatanggapin nila dahil lahat naman tayo ay tinatrabaho natin ang kapayapaan.

Q: Saka senator tanong, bakit daw tinanggal yung sa ARMM, yung sa autonomous region of Muslim Mindanao, nakalagay dun sa batas na yun they are an integral part of the Philippines, they swear allegiance to the Philippine government as one nation, tinanggal daw lahat yun sir sa BBL?

Sen. Bongbong: Oo, natanggal lahat yun. In fact nag-propose ako ng amendment sa hearing pa lang namin, na sabihin na (bawal) gamitin ang Bangsamoro government na para maging unang hakbang sa cessation, o separatist, na ihihiwalay ng Bangsamoro government ang Bangsamoro sa Philippines. Ayaw nilang tanggapin nun. Sabi ko bakit ayaw, ano naman ang mawawala dun? Dahil importante na malaman ng taong bayan na hindi ito gagamitin para humiwalay ang Bangsamoro sa Pilipinas.

E ang sabi bakit pa raw kailangang gawin yun dahil nangako na raw sila na hindi nila gagawin yun. It is another point that we need to clarify. Simple lang naman yung amendment: that the Bangsamoro government will not be used as a first step to separate the Bangsamoro territory from the Republic of the Philippines.

And that is one of the proposed amendment that sa palagay ko is useful, dahil malaking bagay yan e. Dahil maraming natatakot, sinasabi nila ay naku ang mangyayari dyan e, pag nagkaroon na ng Bangsamoro government dahan dahan na yan hihiwalay, palayo na ng palayo yan, hanggang one day boboto ang parliament humiwalay na tayo. Ano ngayon ang gagawin ng Pilipinas?

Q: Too late the hero. Alright on that note senator Bongbong me nais pa kayong gustong sabihin? Eto isang tanong lang kasi we don’t have enough time pero anong reaksyon ninyo dun sa naging pahayag ni Pangulong Aquino dun sa Malacanang na yun na nga, ikinuwento nya his version of the Mamasapano incident before the BOI report came out. And clearly ang mensahe lang nya si Napenas ang me kasalanan ng lahat?

Sen. Bongbong: Well, ang naging epekto nyan ay nalito kaming lahat ulit. Dahil akala namin alam na namin yung naging pangyayari. E pero me bago na naman, si Napenas na naman. Kasi nung una nyang salaysay ang kanyang sinabi nagsinungaling daw si Purisima sa kanya, ngayon si Napenas ang kanyang sininisi. Pero sa hearing namn namin, wala naman kaming nakikitang ganun.

So we have to go back again. Kaya importanteng-importante itong PNP report para makita talaga namin sa kanila—from the inside—kung ano ang kanilang nakikita at sa palagay nila ano talagang nangyari.

Q: So no need to wait for the MILF report, just the PNP-BOI okay lang sa inyo sir?

Sen. Bongbong: No, I need to see that MILF report. Dahil importanteng importante is the mechanism para mag ceasefire kapag nagkaroon ng engkwentro kagaya ng Mamasapano. We have to know kung anong nangyari sa kanila. At ang tanong ay bakit napakatagal, na pagkatapos ipaliwanag sa MILF na ang kaharap ninyo, ang kalaban ninyo, ay tropa ng gobyerno, it took almost 11 hours bago nagkaroon ng ceasefire?

Yun ang gustong-gusto kong ayusin, at hindi ko maaayos yun hanggang malaman ko kung anong nangyari sa panig ng MILF, kung ano yung magagawa natin para maging mas mabilis yang prosesong yan, instead of 11 hours maganda sana kung 11 minutes nating magawa.

Q: Okay on that note, Senator Bongbong Marcos, maraming salamat  sir.

Sen. Bongbong: Maraming salamat at magandang hapon sa inyong lahat.

Back to Blog