Transcript: Radio interview with Karen Davila & Vic de Leon Lima on DZMM

Sen. Bongbong: So hopefully pati na rin yung isyu ngayong araw na to, kung ano ba talagang nangyari kay General Purisima, siya ba talaga’y nag resign, hindi nag resign o kung nagresign man e bakit. Itong ganitong klaseng gulo nga cause confusion that can’t help. Papaano ba natin malalaman talaga kung ano ba ang naging chain of command at nabubulilyaso nang ganito. We hope that first, makausap hindi lamang ang ating mga opisyal hindi lang yung mga commander kundi pati na yung mga na involve yung talagang mga tropa na nainvolve sa pagpatay sa ating mga pulis at hopefully pati mga dokumento na aming hiningi ay makuha rin ng committee ng sa ganun Makita natin talaga kung what happened, sinong responsible, sinong dapat managot at ano ngayon ang gagawin natin para tiyakin na hindi na mauulit.

Vic Lima: So itutuon nyo muna yung hearing on Monday and Tuesday more on what happened? What about the ins and outs of the agreement, kalian nyo hihimayin yon?

Sen. Bongbong: Well yung BBL, siyempre interesting sa mga tao ngayon ay yung mga tactics na nangyari. Ako I am also interested pero para sa committee (on local govt.) e, para sa BBL, ito ba ay talagang sapat na para sa kapayapaan natin sa Muslim Mindanao upang mapasa. That is the strategic level because maraming pinaguusapan that there is a mechanism, dapat maging maayos, maguugnay. O so what happened, ano naging problema at kung may magkamali, kung meron pagkukulang or may kahinaan yung ating Sistema, dapat gawan ng paraan para hindi na mangyari muli itong Mamasapano incident.  That is my main purpose for my point of view.

Karen Davila:  Sen Bongbong, para sa inyo ba ay may pagasa pang maipasa ang BBL at maisabatas ito bago umalis sa posisyon ang Pangulong Aquino?

Sen. Bongbong: Siguro kung nasunod yung ating dating timetable na maipasa bilang batas ang BBL by March baka maihabol sana dahil doon sa timetable naming ginawa ang hard deadline na ginagamit namin ay yung halalan sa Mayo 2016 dahil pinipilit ng executive na dapat magkaroon ng halalan for the Bangsamoro govt. kasabay ng national election. Pero kinareer natin hantayin lahat ng resulta ng mga imbestigasyon dahil walang bisa siguro ang ating BBL kundi natin palitan para nga sa mga amendments, provisions para nga lessons learned dito sa Mamasapano. Ewan ko hindi ko masasabi sa iyo kung ano (ngayon) ang timetable. All I can say is that the sooner we get all the information that we are asking for, di masmabilis ang magiging proseso. If you think about it, it’s been two weeks sa pangyayari, malabo pa rin at saka yung hinihiling natin e alam natin nandyan bakit hindi pa natin nakikita.

Lima: Senador, dito sa nangyari sa Mamasapano, I’m sorry to say, kung ito’y di nangyari at naaprubahan ang BBL, meron mga gray areas na nakalusot sa agreement? Kung hindi nangyari ito?

Sen. Bongbong: Palagay ko ang nangyari dito ay hindi na nasundan ang mga standard procedures at yan ang ngayoy tinitingnan natin, kung ang mga standard procedure ay sapat. Kasi kung halimbawa sabihin natin may nagkamali na isang opisyal o MILF dapat ganung katibay yung ating magiging Sistema para kahit may magkamali, hindi magkakaroon ng ganito. Palagay yun ang feeling ng marami may nalusutan doon sa ating usapan. Kailangan natin ayusin yung loophole, yung weakness na yon. The point is highlighted na may kakulangan pa yung BBL.

Davila. Binanggit nyo noon Sen Bongbong na ang isang major concern sa BBL ay ang Sistema ng police force?

Sen. Bongbong: Well, talagang that’s one of the big questions sa aming mga hearing at kung maalala ninyo ang Sistema na dapat mangyari pag napasa ang BBL at nabuo na ang Bangsamoro govt ay magkakaroon ng Bangsamoro police ang pinakanamumuno sa Bangsamoro police ay ang Chief minister. Hindi maliwanag sa amin ng naghearing kami kung anong relasyon nung chief minister in terms of his authority sa police at ang PNP. Yun tinanong simple lang, kapag may utos ang chief minister sa tao niya pwede bang I counterman o pawiin ng PNP yung order ng chief minister? Ang sabi ba naman sa akin ay pwedeng I negotiate yan. Pag police order disorder. Kailangan sundan.

Lima: So they cannot counter-order? The PNP cannot counter order?

Davila: No, the fact that the PNP chief needs to negotiate with the chief minister means they are equal in footing!

Sen. Bongbong: Parang ganun na yan kasi pag nagnenegotiate ka ang katapat mo sa negotiation ay isang sovereign republic, e parang magkapantay na kayo. Dapat e nasa ilalim.

Davila: You have my support on that, Senator Bongbong, I agree.  Then go on.

Sen. Bongbong: These are some of the things we are trying to fix dahil nakikita na nga namin na magkakaproblema ito at ginagawa naming maliwanag. That’s why nang bandang huli, maririnig ninyo na sa panig namin at sa mga negotiators na pinalalagay namin ang Bangsamoro police ay nasa ilalim ng PNP. Pero hindi pa rin maliwanag. Ngayon, ito na noong nangyari ang Mamasapano, ang mga magiging Bangsamoro police ay yung kanilang fighters na nakasama sa engkwentro sa Mamasapano, gagawing police ngayon yan. Mahirap sigurong gawin yan. What happens now with our police. Napahirap naman siguro, kailangan silipin natin yun.

Davila: Totoo ba Senator Bongbong na kapag binasa mo ang Bangsamoro Basic Law, angdami doon na ginagamit puro coordinate, coordinate, coordinate?

Sen. Bongbong: Marami ngang ganun. Itong power sharing na pinaguusapan, this means that the republic, or the Philippine government at saka the Bangsamoro government, yun ang isa sa pinakamahirap mapansin itong BBL dahil hindi nga maliwanag kung papaano ba ang power sharing. Ang mamumuno sa ganitong entity ay yan mga ganyang klaseng bagay. Isa yun sa mga constitutional questions dahil parang binabawasan mo ang papel ng national govt in certain instances dahil may interpretation na ganoon. Tama yung sinabi niyo na na highlight lahat nito dahil sa Mamasapano. Noon e kami kami lang ang naguusap. Ngayon ang buong bansa ay marami nang tanong.

Davila: Ang sabi nga ni Senator TG Guingona this morning Sir, noong una, boring ang BBL para sa tao. Ngayon hindi na, everybody wants to know. Ang hirap to engage everyone sa BBL.

Sen. Bongbong: Tama ‘yon! Ang feeling ko nga doon, ako nagiisa ako umiikiot. Kami kami lang at saka yung mga kaibigan naming mga Muslim, mga MI lahat ng iba’t ibang grupo. Ang interesado lamang ay yung mga taga Muslim Mindanao, yung Mindanao. Ngayon at least engaged na ang buong bansa sa usapan na ito at ganyan naman dapat. This affects the entire country kung ano ang gagawin natin sa Muslim Mindanao, kung maitutuloy natin itong Bangsamoro apektado ang buong bansa.

Lima: So the hearings should be open to the public, hindi ba Senator?

Davila: Open! Senator, nakita ko yung photos nyo sa Twitter. Your hearings are open, lalo na when you travel.

Sen. Bongbong: Oo, yung aming out of town hearings are all public hearings.

Lima: So ngayon it is the chance of the public to give their suggestions. Is there a way that they can do that?

Sen. Bongbong: Certainly. They can write to us, they can ask us to be invited if they have any suggestions. Kasi pagkatapos nyan, at nabuo na ang proseso na maipasa natin, sapat na ang mga information natin and we can move forward itutuloy natin ang mga hearing. If there is anyone who’d like to be invited or has something to say sulatan niyo ako sa office ko sa Senado and we will invite you and we will give you a chance to speak.

However, dito sa hearings sa Monday and Tuesday, ako open ako na kung nais na maging resource persons sa executive session, private meeting or whatever it is, kung ano mang paraan para nga lang makuha natin ang impormasyon ay dapat handa tayong gawin.

Davila: Senator Bongbong, I know that suspended ngayon ang hearings sa BBL.  Kailan po ito didinggin ulit?

Sen. Bongbong: As soon as we have the sufficient, siguro naman hindi kailangang perfect information, but if we have sufficient information that we have something to base the changes that we have to make and include in the BBL , something factual that we can believe in, for example a narrative of what really happened in Mamasapano, who is involved and who is answerable and accountable, from all sides, I am talking about the MILF, the BIFF, the government, pag alam na natin ‘yan, meron na tayong pagbabasehan at itutuloy na natin at ipapasok na natin yung mga natutunan natin dito sa terrible event na ito, that will be the time.

Medyo nalungkot na ako ng sinabi ng PNP Board of Inquiry, isang bwan pa yata sila so that is the minimum. And then we are still forming a truth commission so kailangan natin talagang hantayin. Yung isang tanong niyo kanina papaano yung schedule it’s certainly been delayed but by how much I couldn’t tell you.

Davila: On that note, ito lang, Senator Bongbong, are you still hopeful na ang BBL ay mapapasa, sir?

Sen. Bongbong: Certainly. The ideal is still we will be able to pass a strong and effective BBL so that we can find actual peace in Muslim Mindanao. I am not going to stop working because this is something that is important and necessary for Muslim Mindanao.

Davila: Senator Bongbong, you are not for all-out war anymore?

Sen. Bongbong: No, we are still here, wala pa ring pinagbago. That is the reaction mauunawaan mo naman dahil dito sa nangyari. Kayat may mga nagsasabi ibasura niyo (ang BBL), huwag na natin gawin yan. But we have to continue working for peace.

Lima: Siguro sa akin lang is, I don’t know kung ito’y matatapos nitong 2015?

Sen. Bongbong: Susubukan pa rin namin dahil isyu pa rin dati yan e, parang kulang sa oras e. Kung mapu push back yung schedule, mapu push back din yung transitional commission baka hindi talaga mahabol ng 2016 election.

Davila: On that note, Senator Bongbong, thank you Sir for taking time with us po.

Sen. Bongbong: Thank you, Karen. Thank you, Vic. Magandang hapon po sa inyong lahat.

Back to Blog