Transcript: Radio Interview with Joe Taruc on DZRH

Joe Taruc: Mukhang matindi ang magiging epekto sa pagdining ng BBL sa Senado tungkol dito sa nangyaring insidente sa Maguindanao?

Sen. Bongbong: Yun na nga dahil kaya naman tayo nagdedeliberate at pinaguusapan ang BBL para nga walang ganitong mangyari at katakataka dahil tayo’y nasa gitna ng isang ceasefire agreement na nalagdaan na nang bawat panig ng MILF side at pati na gobyerno e papaano naman nangyari ito e dapat e nasa ceasefire tayo ngayon. Kaya’t ang ginawa ko ay sinuspindi ko muna yung mga hearing dahil hindi maaaring magkaroon ng peace process pagnagpuputukan, pag may gyera pa dapat ang unahin natin itigil lahat yan, alamin natin lahat kung anong nangyari at gawin lahat ng maari nating gawin para hindi na mauulit.

Taruc: Meron pong nagsasabi Senator “Bongbong” na ayusin muna natin ang disarmament provision nayan sapagkat habang tayo’y naguusap ng kapayapaan pagkatapos armado naman ang ating mga kausap e hindi maiiwasan ang ganyang uri ng mga insidente?

Sen. Bongbong: Siguro nga. Pero dahil ang unang proseso na napag-agreehan ng magkabilang panig sa peace agreement ay pagka naayos na yung BBL, pagkanagka plebisito na at pagka umupo na yung tinatawag nilang Transition Committee ay saka magsimula ang disarmament. E nasa proseso pa lang tayo ng pagpasa sa BBL. Pero dapat may mechanism dito na hindi mangyari ito. Ngayon sinasabi sa panig ng MILF-BIFF na walang coordination at meron daw proseso o mekanismo ito para magkaalam ang magkabila na may ginagawa o may papasok o may pupuntahan pero ang sabi ng PNP papaano kami magpapaalam doong sa aming huhulihin. Pagpinaalam naming sa kanila ay tatakbo yon. In fact, mukhang sa mga report na dumarating yung hinahanap nila yung bomb maker na Malaysian si Marwani na tinatawag ay mukhang namatay din sa putukan. The point is anong dapat nating gawin na hindi na maulit ito. Kaya naman may BBL, kaya naman may peace process. Pero kahit anong gawin natin hindi maaaring tumuloy ang peace process kapag nagpuputukan pa at may gyera pa.

Taruc: Maraming nagtetext Senator BBM. Pakitanong naman kay Senator na kung maaaring alamin sa Awtoridad kung anong ginagawa noong dalawang high value terrorists doon sa comunidad ng MILF at anong ginagawa ng MILF at bakit hindi sila tumulong sa gobyerno na mahuli ito? Pati rin ang BIFF?

Sen. Bongbong: Tama yung tanong na yon, kailangan nating malaman kung bakit nandoon yung mga taong yon? Ito ba’y tinatago nila. Alam ba nila kung sino ito. Sino ba talaga ang tumutulong sa kanya, anong grupo ito. Kasi isang lumalabas doon sa aming mga hearing ng BBL ang kausap ng gobyerno ay MILF. Ngayon alam naman natin sa Mindanao ay marami pang ibang mga grupo, nandyan ang MNLF, BIFF, meron pang Abu Sayyaf. Lahat nito ay kailangan nating isama sa proseso dahil kung may mga armadong grupo na hindi natin isama sa proseso ay ganito ang mangyayari dahil hindi nga naguugnay. So marami pa tayong kailangang alamin. Ang aking hinahanap ay isang executive session (kung may mga military or state secret na kailangang pagusapan) or hearing. Sa PNP command, anong nangyari. Sino ang nag issue ng order para itong tropang ito ay doon pumunta doon at hulihin si Marwan. At sa MILF naman, kailangan natin malaman sa kanilang mga lider anong nangyari bakit pinaputukan ang ating mga sundalo. Dapat natin tingnan ng mabuti ang magkabilang panig para talaga in aid of legislation ito. Para kung kailangang may madagdagan sa aming BBL sa version na yan, kung merong kailangan palitan dahil sa pangyayaring ito para hindi na maulit ay kailangan nating malaman at nasa gitna tayo ng proseso ng pagpasa dito sa batas na ito. Marami tayong kailangang gawin, ang habol ko lang lagi at lagi kong iniisip ay kailangan nating malaman unang una kung ano ba talgang nangyari, pangalawa, kailangan natin gawan nang paraan na hindi na mangyari ulit at kung ano yung paraan na iyon palagay ko isasama natin yung mga bagay bagay na yun, mga bagong provision, bagong amendment, ilalagay natin sa BBL para ang pangyayaring ito ay hindi na mauulit.

Taruc: Ano po ang hihintayin natin bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa BBL? Hihintayin po ba muna natin matapos yung report ng Board of Inquiry na kanilang itinatag?

Sen. Bongbong: Palagay ko yun ang unang una, dahil yung impormasyon na yan ay mahalaga at hindi natin malaman kung ano ang susunod nating gagawin kung ano ba ang epekto sa ating BBL sa ating batas. Kailangan natin malaman kung ano ang nangyari. Pag nalaman na natin anong nangyari alam na natin kung ano ang dapat iwasan.

Taruc: Pero Senator di ba may deadline ka to submit the committee report by March so ibig sabihin e baka maantala ang pagpapatibay natin sa BBL?

Sen. Bongbong: Natanung na sa akin yan at ang sagot ko ay hindi talaga nakakatulong ito. Nakausap ko nga si Sec. Deles at sabi namin e wala na kaming maiiisip na mas masama pang pangyayari kesa nito dahil maganda naman ang takbo sa pagpasa ng BBL, maganda naman ang usapan sa lahat pero ito talaga hindi natin basta pwedeng pabayaan hindi naman natin pwedeng sabihin na parang walang nangyari? Dahil sinasabi ng iba ipagpatuloy na lang kahit na ano. Hindi mo masasabi walang nangyari kasi may nangyari kaya kailangan nating pagaralan para hindi mangyari ulit.

Taruc: Ito po bang nangyari sa Maguindanao ay magiging daan para suspindihin muna hindi lang ang pagsalakay ng BBL kundi pati yung peace negotiation with the MILF?

Sen. Bongbong: Kaya nga tayo nakikipagusap at pumasok na sa framework agreement ay para nga walang ganito. Palagay ko ay ito ay paalala sa atin na kailangang kailangan na magkaroon na ng kapayapaan sa Mindanao at sa ating mga kapatid na Muslim. This is just a perfect illustration kung bakit kailangang kailangang maayos na ito.

Taruc: Alam po ninyo hindi pa po natatapos itong BBL marami ng nagpapahayag ng alinlangan ukol dito baka daw mapares lang sa Peace agreement ng ating gobyerno dito sa grupo ng MILF noon na wala ring kinahantungan nauwi rin sa ganyan.

Sen. Bongbong: Ganun nga ang aming naririnig pag naghehearing kami na itong Peace Agreement na ito ay ang kausap ng gobyerno ay ang MILF. E marami pa naman tayong grupo na armado na kailangan din dapat na kasama sa proseso. Ang MILF sabi nga nila meron na kaming Peace agreement nung 1996 pa kaya nga nabuo yung ARMM dahil sa Peace agreement ngayon. Ngayon ano ng nangyayari sa peace agreement na yan tapos nandyan ang MILF ngayon sila ang kausap natin pero nandyan pa din ang BIFF. Hindi natin masyadong alam hindi nating masyadong nakakausap ang BIFF nandyan pa ang Abu Sayyaf kahit papano so marami pang grupo na kailangang isama sa proseso kung sumangayon sila sa ating peace agreement dun tayo magkakaroon ng kapayapaan.

Taruc: Sabi naman nung iba, Senator Bongbong, bakit hindi daw gawing batayan o prerequisite sa pagpatuloy na talakayan sa BBL yung iutos muna sa MILF na isuko muna nila ang kanilang mga armas?

Sen. Bongbong: Ganon nga, maraming nagsasabi nun pero ang proseso na pinagkaisahan ng gobyerno at MILf ay unahin muna nag pagpasa sa BBL at isusunod dun ang pag plebisito at pagka natapos na yun at talagang itataguyod na yung Bangsamoro government ay saka na lang isusumula yung disarmament, ngayon ang isang issue na nangyayari dito pag sinasabi nilang lost command, nagkagulo, di nila makontrol. Sinasabi naman namen e papano ngayon yan pag napasa itong BBL, tuloy na ang proseso. Papano naman yan kung di niyo kontrolado ang mga tao ninyo papano tayo magdidisarm. Dito naman sa kabilang panig.

Back to Blog