Radio interview with former Senator Orly Mercado on Radyo 5

Sen. Orly Mercado: Good morning Senator Bongbong.

Sen. Bongbong: Good morning Ka Orly, good morning sa lahat ng nakikinig. Magandang umaga po.

Mercado: Okay, according to the news nag-usap daw ang Presidente ng Senado si Sen. Drilon at si Speaker Sonny Belmonte at bago yatang target ngayon para sa BBL ang June, that is the end of the 16th Congress?

Sen. Bongbong: Well yun ang sinasabi nila kasi nakikita namin na pwede nang mag-resume yung aming mga hearings dahil meron na tayong hearing sa House at saka meron na rin sa Senado tungkol sa Mamasapano massacre.

Kaya naman siguro meron na tayong pwedeng gamitin na mga conclusions at pwede sigurong pag-aralan na yung mga sections ng Bangsamoro Basic Law na hindi naman talaga naapektuhan nung Mamasapano incident.

Yung June baka kakayanin pero titingnan natin. Ako huli ako sa House, we are behind in terms of scheduling sa House dahil we were not able to conduct our hearings. Merong naka schedule noon na hearings as Jolo saka sa Zamboanga ngunit the security situation din mukhang magulo yata ng konti ngayon so we will have to wait hanggang mag-settle down.

Mercado: So it is doable pero ….?

Sen. Bongbong: Yeah, it’s always been tight. Kahit naman nung simula, yung original schedule na Marso talagang tight eto e. Kaya’t titingnan lang natin. Inaantay ko na lang yung mga report ng board of inquiry ng PNP at pati yung sa MILF tapos yung committee report namin sa imbestigasyon sa Mamasapano incident.

Pero merong mga lumabas dun sa Mamasapano incident, specifically paano yung mechanisms for ceasefire pagka nagka-engkwentro? Hindi pa masyadong napag-aralan ng mabuti because it was only incidental, it was only a tangential issue, doon sa Mamasapano.

So I think I will have to conduct a hearing tungkol dyan. Dahil if there is one thing we learned from the Mamasapano incident it’s that kailangan talaga ng mas matibay na sistema dahil napakatagal nung mga mechanisms natin—it took almost 11 hours bago nung nasabi na na gobyerno yung mga pwersang nakaharap sa MILF saka BIFF ay gobyerno, it took almost 11 hours hanggang eto ay nagka-ceasefire. So andaming namatay in that 11 hours. So kailangan nating ayusin yang sistemang yan.

Mercado: Totoo naman yan. Me mga pagkakataon na ang itsura ng isang bagay ay maganda sa papel pero yung actual implementation ay dun natin natetesting talaga ang kapasidad at ang galing nung batas at panukalang batas na….

Sen. Bongbong: Parang ganun na nga ang nangyari. We had systems in place pero nung nagkaroon na ng…….Then, there’s also some miscommunication dahil hanggang ngayon hindi pa natin narinig ang paliwanag ng MILF bakit pagkatapos na nasabi na sa kanila na gobyerno ang kaharap nila ay tuloy pa rin yung putukan?

So kailangan din natin dun sa magkabilang side. Dahil pinaatras na natin yung tropa natin by about 11:00-12:00, 1:00 o’clock ng Sunday pero sige pa rin, hanggang 4:00 o’clock pa rin yung putukan.

Mercado: Bukod sa Mamasapano experience ay marami pa yatang mga nagtatanong: meron mga isyu na pwedeng magkaroon ng challenge on the constitutionality—baka i-challenge sa Korte Suprema. Ano bang gagawin natin?

Sen. Bongbong:   Well, maraming mga grounds na sinasabing i-chachallenge, dati pang pinag-uusapan before the Mamasapano incident. At eto ay kailangan talagang talakayin ng mabuti dahil pag iniwan lang natin in the original version nung ibinigay sa aming draft ng BBL baka hindi makapasa sa Supreme Court. So kailangan talaga nating tingnan na mabuti at saka pakinggan yung ating mga constitutionalist, kung ano ba ang kailangan na ayusin.

Basically we’re returning to mga issues na dati pa. Dahil palagay ko kahit na wala pa yung mga committee report ng House and Senate inquiry ay meron na tayong pwedeng masabing mga conclusions tungkol sa Mamasapano incident, kung ano ba talaga ang nangyari.

Maliwanag talaga na nagkagulo between the PNP at saka the AFP ay dahil dun sa break ng chain of command. So alam na natin na kaya nagkagulo-gulo dahil hindi ginamit yung pangkaraniwan na chain of command at gumawa ng chain of command na dumadaan kay Gen. Allan Purisima—na suspendido. Tapos ay hindi na dumaan sa lahat sa buong command structure ng PNP at tumuloy na lang kay Gen. Napenas kaya’t nagkakagulo.

Dahil kung sinundan ang normal command structure, lahat ng mga opisyal alam nila ang gagawin nila e, dahil ilang beses na nilang…iyan ang trabaho nila, iyan ang ginagawa nila. So yung coordination na yan, SOP na yan, standard procedure na yan.

Nangyari, binago nga, nawala yung command structure and it became this informal, not defined, command structure, na ginawa na bago, na dumaan nga kay Gen. Purisima—na dapat suspendido—tapos hindi na dumaan sa buong command structure ng PNP, dumiretso na kay Gen. Napenas. Kaya nagkagulo-gulo, hindi maliwanag.

Kaya’t alam na natin yun ang nangyari—those are the facts on the ground.

Ang remaining question na lang is: bakit nagkaganun? Anong naging dahilan na ang Pangulo namili na gumawa ng ibang sistema kaysa sa ginagamit ng PNP, the usual as I said standard procedure? That is the last remaining question.

I think the people would like to know, why did we do it in this way, na hindi naman ginagawa dati, because this way caused all of the problems we saw.

Mercado: Kung hindi matuloy, kung hindi makaya, meron ka bang scenario na ito’y maaaring i-tackle na lang sa susunod na administrasyon? Or what do you think about that possibility?

Sen. Bongbong: Well, because it’s been pushed back so far. Nung ibinigay sa amin yung draft BBL ay six months delayed na. Kaya’t eto na ngayon, meron ngayon na naman tayo another—we can call it at the minimum isang buwan na naman na delay ito.

Yung problema kasi is that pag napasa na yung BBL magkakaroon pa ng plebisito. Ngayon yung plebisito kung sinong probinsya, anong LGU, ang sasama sa Bangsamoro territory. Pagka natapos yun, merong transitional authority na pag na-abolish na yung ARMM sila muna ang uupo.

Dun sa mga hearing namin, they were expecting na magkakaroon sila ng one year para mag-organize. Pero dahil nga na-delay ng na-delay hindi na one year ngayon. Kasi kahit na magka-plebisito, let’s say magka plebisito sa end of the year, ibig sabihin kung talagang magkaroon ng eleksyon ng Mayo ng 2016 e wala pang anim na buwan siguro yung kanilang paghahanda.

At kahit yung one year nabibilisan na sila noon. E hindi ko malaman kung kakayanin na anim na buwan o even less? So yun ang magiging mga praktikal na issues na kailangang harapin nitong proseso.

Mercado: So palagay mo hindi rin pwedeng basta-basta apurahin?

Sen. Bongbong: Well, we can also anticipate—dahil nga yung nabanggit mong constitutional infirmities—na icha-challenge pati yan, so i-chachallenge sa Supreme Court. So marami pang dadaanan at baka maubusan tayo ng oras para pilitin na yung Bangsamoro parliament will be elected together with the national and local elections ng 2016.

Mercado: Okay, maraming salamat Sen. Bongbong sa iyong pagpapaliwanag.

Sen. Bongbong: Thank you Ka Orly. Thank you very much. Magandang umaga sa iyo.

Back to Blog