Transcript: Radio interview with Erwin Tulfo & Martin Andanar on Radyo 5

Sen. Bongbong: Kaya nga nangyari yung standoff sa Zamboanga kasi meron mga hindi sinasama sa usapang kapayapaan. Sabi ni Nur Misuari (MNLF) hindi mo pwedeng gawin yan (BBL) para mo kaming binaliwala. Kailangan sa palagay ko ay mas malawak na paguusa, hindi lang sa isang grupo e kausapin na natin lahat. Hindi magkakaroon ng kapayapaan sa Muslim Mindanao kung isang grupo lamang ang nag agree sa gobyerno sa peace agreement.

Q: So kung kayo po ang masusunod kailangan kasama ang MILF, BIFF, MNLF ?

Sen. Bongbong: Ang MNLF meron na silang treaty, peace agreement sa gobyerno. Anong mangyayari sa kanilang peace agreement sa gobyerno pagka natuloy itong BBL? Kung naaalala ninyo, dahil sa peace agreement ng MNLF at gobyerno, dyan nabuo ang ARMM. Ngayon inaabolish natin yung ARMM at pinapalitan natin ng Bangsamoro govt. so anong nangyari sa usapan dati. Kaya nga nagrereklamo si Nur Misuari at yung grupo niya e naga uprising at nagpaparamdam. Ngayon nangyayari dito sinisisi ang BIFF. O papaano ngayon ang gagawin natin kung maayos na ang usapan natin sa lahat ng ibang grupo pero nandyan pa rin ang isang armadong grupo na binabaril pa yung ating tropa at nakikigera pa sa gobyerno e walang kapayapaan.

Ay papaano naman, e kung sinasabi natin magkaka peace agreement tayo e ginagawa natin ay nagpapasa tayo ng batas para itaguyod ang Bangsamoro govt. e papaano naman ang gagawin natin kung yung kausap natin—ginagawa na lahat ng gobyerno para ayusin ang lahat ng sitwasyon para nga maging mapayapa na ang Muslim Mindanao- e kung ginegera ka pa rin ng grupong kausap mo, papaano ka magkakaroon ng peace process. Hindi pwede magkaroon ng peace process kapag nagbabarilan pa. Unang una kailangan itigil muna ang pakikipaglaban at saka magusap tayo ulit. MILF mismo nagsabi at umamin na yung mga kasamahan nila na MILF ay kasama doon sa laban at siguro alam nila kung sino ang nakipagbarilan sa atin mga sundalo. Wala doon sa peace agreement yon. May coordination man o wala hindi mo naman masasabi na dahil walang coordination, pwede na namin patayin yung limang pung tao. Hindi mo pwedeng gawin yon. Pero ang sinasabi ko, magkabila rin yan. Sa panig ng gobyerno kailangan din nilang ipaliwanag ano ba talaga yung chain of command. Paano naman yung MILF sinasabi, pagkausap ko yung isang tao ang sinabi nila ganito magiging Sistema o mekanismo e ito ba e siya na ang kanilang kausapin o meron pang ibang may kinalaman. Confidence building has to go on both sides hindi naman pwedeng just on one side.

Q: Speaking of chain of command, tama po ba na nabypass ang DILG, he did not know what was happening, tama po ba na ang isang suspendidong chief ng PNP ay nandun din sa eksena ?

Sen. Bongbong: Yun na nga. It’s precisely the point. Syempre pagdududahan ka. Kausap naming yung Sec. ng Local Govt. e maayos ang usapan naming pero baka naman hindi siya kasama sa usapan. May nangyayari dito ay hindi niya alam. E yun naman ang pagdududahan ng kabilang side. Papaano ko nga ipapaliwanag e yung sa chain of command lumihis sa kanya, hindi naisama si CG Espina, who is the acting director general ng PNP at saka yung Sec. ng DILG. So papaano ngayon, sino kadeal nila. Hanggang ngayon ay di pa natin naririnig ang paliwanag ng gobyerno kung sino ang nagbigay ng order. Hanggang ngayon di pa natin naririnig ano yung pinagbasehan, ano yung intelligence at sino ang nagsabi ok go pumasok kayo. Wala pa tayong naririnig. Tapos alam naman natin na si Director Gen. Alan Purisima ay suspendido pero mukhang may parte siya dito. The MILF also has to know, how does it work in the govt. side. Sinasabi naman sa kanila (MILF) you control your people para hindi mangyari ito. Tayo ba, masasabi natin controllado natin ang mga tao natin at alam nating lahat ang nangyayari. Mahirap itong nangyaring ito dahil there are so many questions which hanggang ngayon ay di pa nasasagot.

Q: Sen. Marcos last two questions, quickly sir, a kayo po ay may sinet na guidelines o alintuntunin na susundin muna tulad ng pagbalik ng armas, pag surrender ng mga commander, sa pagturo sa mga staff. Gawin muna ng MILF ito para muling magusap at pagaralan itong BBL? Am I right sir?

Sen. Bongbong: Sa palagay ko dapat magkaroon ng confidence building measures, ika nga and it has to come from both sides dahil hindi naman pwede na sinasabil nagkagulo na nga, nagkaconfusion na nga kaya nangyari eto. The first step at least for us legislators, malaman naming kung ano ba talaga ang nangyari on both sides. We have to find out what happened with the MILF, to the PNP, with the SAF and the AFP.

Q: Ito bang BBL, kung hindi nangyari ang gulo at bakbakan na ito at walang namatay, do you really believe in your heart of hearts ito ang susi for peace in Mindanao. There are other armed groups, panahon pa ng Tatay nyo, kalaban ang MNLF, nagbreak away ang MILF, ngayon naman kausap natin ang MILF, nagbebreak away naman ang BIFF, e di naman kasama ang BIFF sa negotiation, is this a guarantee that there would be lasting peace if we sat down with MILF and sign with them and come up with a BBL na wala nang putukan tayo marinig diyan.

Sen. Bongbong: Yun nga ang aming tinitingnan. Sinasabi nga natin na kung kagaya ko, maayos ang kausap natin sa MILF kung may isa pang grupo na nakikipag gera pa sa gobyerno e walang kapayapaan. Ang habol naman natin dito is that we want peace. Ang kaunaunahang pinaguusapan dito ay kapayapaan. Kung kailangan para makamtan ang kapayapaan yung BBL gagawin natin yun. Ngunit may ibang kailangan nating gawin. If we have to find peace, we have to talk to all the armed groups who are still fighting with the govt. and come into a peace agreement with all of them. Otherwise we will be taking care of one group pero may ibang grupo na binabaril yung mga tropa natin. Actually lumalabas ito sa mga hearings natin at ang nagrereklamo yung MNLF. Sinasabi nila meron kaming peace agreement, e parang binaliwala na lang.

E marami pa silang armas. Di ipakita nila na talagang nagdidisarma na sila. At palagay ko pinakaimportante sa lahat ipaliwanag at iexplain nila ng mabuti ano ba talaga ang relasyon ng MILF at BIF. Dahil nanuod ako ng isang araw ng presscon sa Kuala Lumpur at kanilang sinasabi hiwalay yan at hindi magkasama yan. Mahirap tanggapin yun dahil may armadong grupo sa loob ng kanilang kampo, ibig sabihin katiwala mo yon at hindi mo naman ipapapasok ang armadong grupo sa kampo mo kung hindi mo katiwala. Kailangan maipaliwanag ano ba talaga and relasyon ng MILF at BIFF. Sila ba talaga ay magkasama o magkahiwalay. E gayan ng sinasabi nila magkahiwalay, e di nila kontrolado ang BIFF e dapat siguro kausapin na natin ang BIFF.

Q: Senator, inamin ata na magkakamag anak yung BIFF at MILF.

Sen. Bongbong: Talaga, sinasabi nga nila talagang meron silang relasyon. Pero maliwanag talaga mayroong armadong grupo, na sinasabi nilang ibang grupo, e di katiwala nila yun dahil di ka magpapasok ng taong armado sa kampo mo kung hindi kayo nagkakaintindihan doon o may usapan

Q: Medyo Malabo na po ang Bangsamoro Basic Law, Senator, kasi wala na kayong tiwala and I heard na sa lower house din ay hindi na sila sigurado na ito’y pipirmahan nila.

Sen. Bongbong: Talagang malaking problema itong nangyaring ito. Kagaya nang usapan naming, nung tinitingnan ko ang nangyari sinabi ko na siguro wala nang mas masama pang mangyari para sa BBL kundi eto. This is the worst possible thing that could happen to the BBL.

Q: May mga sinasabi kayo kanina na number 1, number 2, sa limang yon, dalawa doon hindi nila maibibigay, yung paghuli po sa mga terrorista at sa pag surrender sa mga commander na pumatay sa mga SAF commandos.

Sen. Bongbong: Para ilagay natin lahat yon sa BBL para hindi na mangyari ulit eto. Siguro tayo ay medyo nalalaman na natin ang mga pangyayari. Sa palagay ko e kailangan natin to move forward pero nawalan ng tiwala ang magkabilang panig at ang Filipino public dito sa MILF at ang MILF siguro meron silang reklamo sa nangyari. Kaya’t kailangan natin ay magkaroon ng kumpyansa ulit sa isat isa palagay ko para mangyari yan ay siguro 1) ibalik ng MILF yung armas, yung gamit at personal effects ng mga sundalong napatay; 2) Tumulong ang MILF sa gobyerno sa paghuli kay Usman; 3) I identify nila yung mga commander ng mga unit na pumaslang sa ating mga sundalo; 4) at kailangan nila ipakita yung disarmament na kanilang ginagamit. Dapat lahat yun para ilagay natin sa BBL para hindi na mangyari ulit. Ang habol ko rito ay ang Bangsamoro basic Law.

Back to Blog