Radio interview on DZRH

ON SK ELECTION POSTPONEMENT

Q: Pakilinaw po ninyo, ano po ba, napost-pone, naipagpaliban o hindi na itutuloy?

Sen. Bongbong: Ang nangyari talaga dito, ay kasi kung maaalalala ninyo noong Oktubre 2013 dapat nagkaroon ng SK election at ito’y pinostpone namin para bigyan ang sarili namin ng pagkakataon na gumawa ng SK reform bill. Dahil kung maaalala ninyo ang daming bumabatikos sa SK at hindi magandang sistema at nagiging pugad lamang ng kurapsyon at kung ano-anong mga sinasabi. E nakinig naman kami at kailangan din naming aminin na yung ibang sinasabi tungkol sa SK e totoo naman at kailangang kailangan na magkaroon ng pagbabago sa sistema ng ating mga kabataan na nasa gobyerno. Kayat yun ang ginawa namin at nagpostpone kami at binigyan namin ang sarili namin ng isang taon para makabuo ng SK Reform Bill. Andito na ngayon tayo at umabot na, labis pa ng isang taon, kundi hanggang February. Kayat ang pinag-uusapan namin ngayon ay hinahabol namin sa deadline yung SK reform bill sa House at sa Senado. Ngayon yung usapan sa postponement ay depende pa rin sa SK reform bill. Kasi kung magkaroon ng SK reform bill at malaki ang pagbabagong gagawin sa sistema ng SK ay kailangang ma postpone dahil maraming pagbabagong gagawin dahil pati yung sistema ng paghalal ay magbabago, pati yung edad, pati voters list magbabago. Pero this is all dependent kung talaga bang meron tayong maipasa na SK reform bill. Kayat ang talagang central issue dito ay kung makapagpasa ng SK reform bill ang both houses. Kayat yun ang pinag-usapan namin ng mabuti kahapon, kung papano ang gagawin namin para maihabol, para malaman namin kung kailangang i-postpone ang SK election sa Pebrero o hindi.

Q: Pero Senator Marcos kaya ba nating ipasa yung SK reform bill to think na next month na po naka schedule yung elections?

Sen. Bongbong: Palagay ko naman basta’t may commitment ang Senado at ang House—kami sa Senado halos tapos na kami, at palagay ko next week maitatapos na namin—at kung meron na kaming agreement between the House membership at saka Senate membership ay palagay ko e matatapos naman talaga yan. Marami naman tayong nakikitang mga batas, sa House e kahit mas malaking batas kesa dito sa SK naipapasa nila ng ganon kabilis. But tinitingnan natin—basta yung commitment ang hinahabol natin. Kahit hindi na matapos basta’t maging maliwanag na ang proseso ay nasimulan na at ang proseso ay tuloy-tuloy at hindi naman ititigil, then saka natin pag-usapan ang postponement kasi depende nga yun sa pangangailangan, dun sa magiging epekto ng aming gagawin.

Q: Napabalita na naki-pagmeeting kayo sa ilang kinatawan ng Mababang Kapulungan dahil nga sa isyung ito. Wala pa ho bang commitment dun sa naturang usapan?

Sen. Bongbong: Meron na, meron na kaming magandang planong ginawa. Kami naman, basta sabi namin sa Senate side, tatapusin namin before the scheduled election yung SK reform bill. Ngayon yung House mas kumplikado ng konti yun sitwasyon nila dahil 11 version ang na-file na SK reform bill. So eto ay kailangan nilang pag-aralan at suriing mabuti. Tinitingnan namin, binabantayan namin kung aabot o hindi. Sa palagay ko naman basta’t yung proseso e nakikita nating tuloy-tuloy at me nakikitang magandang pag-asa na ito ay matatapos within the near future e siguro naman e lahat ng ibang bagay e pwede nating tingnan at pag-usapan kung kailangan nga, kung mangangailangan ng postponement.

Q: So nangangahulugan na yung deadline ng Pebrero e talagang hindi na maisasakatuparan?

Sen. Bongbong: Siguro. Ang deadline is because yung sinabi ni Chairman Brillantes ay sa February 21 gagawin yung SK elections. So titingnan natin kung aabot; kung hindi talaga aabot pero matatapos naman e titingnan nga natin kung ano ang mga option natin—isa na dun ay yung postponement pero depende nga yun sa takbo ng proseso sa pagbubuo ng SK reform bill sa both houses of Congress.

Q: Si Atty. Romy Macalintal nagpapaabot ng katanungan: me mga presidente kasi sa SK P20 lang ang botante kaya binibili na lang ang mga ito—dapat ito ang tingnan ding mabuti ng mga kagawad ng Kongreso, ng Comelec, at sabi dito tingnan natin ang possibility na wala ng SK elections.

Sen. Bongbong: Hindi maaring mawala ang SK election dahil sa aming pananaw hindi naman talaga dapat mawala ang boses ng kabataan sa ating pamahalaan. At kaya naman namin ipinupursige ito dahil matapat ang aming paniniwala na dapat magkaroon ng kahit papanong youth movement within the government—importanteng importante para sa atin yan. At yun lamang, yung mga ibang sinasabi tungkol nga dito sa SK na hindi nga binibigyan ng magandang pagkakataon ang mga kabataan para sila mag-perform, para sila magpakita ng kanilang galing, ay kaya naman namin ipinipilit, para naman yung sistema na ibinigay natin sa mga kabataan hindi masyadong maganda, kaya namin ginawa ito ay para ayusin yang sistema na yan at baguhin. At sagutin naman natin yung mga sinasabi tungkol SK, kasi yung iba naman ay parang totoo nga ang mga nagiging criticism. Kaya’t ang itinutulak namin unang-una mabago yung age range, mula 15-17. Ang Senate version 15-30, ang House version 15-21. Pangalawa, pinapatibay namin yung training. Dahil importanteng-importante na maliwanag sa mga kabataan ang kanilang magiging trabaho bilang SK official. Pangatlo ay yung merong anti-dynasty provision–,kasi yung anti-dynasty level na nasa House ay hindi naman hanggang sa barangay level. So inilagay na namin sa barangay level na ang mga SK na mga tatakbo, na kakandidato ay hindi anak lamang ng mga opisyal ng municipality. At….tumutulong at nagtatrabaho para sa youth movement para sa mga isyu ng kabataan. So yun ang mga main points na sa palagay namin pagka natuloy ang ating bagong SK reform bill ay magbabago na nga ang sistema ng SK at palagay ko mabibigyan na nga natin ng pagkakataon yung ating mga kabataan na talagang makilahok sa pamahalaan at marinig nating mabuti ang boses ng mga kabataan dahil me sarili silang mga isu e kailangan naman ay matulungan sila ng ating gobyerno.

Q: So ano po ang malinaw na estado ng mga nakaupong SK officials na kung ilang beses nang nagkaroon ng extension?

Sen. Bongbong: Sa ngayon walang nakaupo na SK (official) dahil dun sa postponement na ginawa namin. So ang mangyayari, sa palagay ko dahil nga sa naging usapan namin at maliwanag naman, mukhang nag-agree naman kami na talagang kailangang magkaroon ng SK reform bill, e bantayan na lang nila at magkakaroon ng eleksyon pero sa bagong sistema na. I think kahit yung mga kabataan, kahit sinuman, pag nakita nila yung mga repormang itinutulak namin, palagay ko naman makikita nila na gaganda ang sistema para sa ating mga kabataan.

Back to Blog