Transcript of interview of Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos on FM burial

Print-Interview-FM-BurialTranscript of interview of Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos on FM burial
August 9, 2011, Senate Session Hall
ON FORMER PRESIDENT MARCOS BURIAL

QUESTION: Sir reaksyon po sa statement ni Vice President Binay na pumayag na daw po ang pamilya Marcos na ilibing si dating pangulong Marcos sa Laoag?

SEN. BONGBONG MARCOS: Hindi kami makapag-react dahil wala pang sinasabing pormal na position ang palasyo doon sa pina-study niya kay Vice President Binay—yun question tungkol sa paglibing ng aking ama. Mula noon wala pa kaming natanggap na proposal o pormal na sagot kaya hindi kami magkapa-react. Ito ay puro usap-usapan pa lang at hindi naman pormal na sinabi sa amin na “ano kaya kung ganito”. Ayaw naman naming magsalita ngayon dahil hindi pa namin alam ang kanilang tunay na posisyon.

Question: Sir, sabi sa report nasa Laoag po si VP Binay kanina?

MARCOS: Nandoon nga siya.

Question: At sa kanyang statement ay pabor na daw kayo o pumayag na daw kayo doon?
MARCOS: Hindi pa kami maaaring pumayag kasi wala pang proposal naibinigay sa amin para makapag-react kami, papayag kami o hindi. Puro balita dito, balita dyan ngunit walang pormal na offer sa pamilya.

Question: So hindi pa pala final yun?

MARCOS: Hindi ko alam. Si Imee, sa katotohanan ay nandito sa Maynila. Kausap ko lang kanina. Nagulat nga ako at maraming nagtatanong pero iniisip ko nga kung paano kami magre-react dahil walang pagre-react-tan dahil wala ngang proposal ang Palasyo sa amin.

I have difficulty reacting to anything concerning what the family thinks. I would not like to react for the family dahil ang katotohanan nito ay walang pang sinasabing pormal o opisyal na position ang palasyo sa pamilyang Marcos tungkol sa paglilibing ng aking ama sa libingan ng mga bayani. Ang alam ko lang ay si Vice President Binay ay nasa laoag ngayon. Si Gov Imee naman ay nandito sa Maynila at alam ko na hindi sila nakapag-usap.

Question: Mother daw po ninyo ang kausap?

MARCOS: Nag-usap at nagkita sila sandali. Pero wala pang binibigay at hindi pa naming nakukuha ang opisyal na position ng palasyo. Ngayon kung sasabihin ba na sa Ilocos pero full military and state honors eh pag-uusapan ng pamilya yan. Isa yan sa naging rekomendasyon ni VP Binay doon sa kanyang report. Kaya’t nakapagtataka na meron mga balitang ganyandahil sa katotohanan hindi pa kami kinakausap. Nag-aantay nga kami at napakatagal na. Inaantay namin kung ano ba talaga ang posisyon ng palasyo tungkol sa isyu ng paglilibing ng aking ama sa libingan ng mga bayani. At hanggang ngayon kami ay nag-aantay pa rin.
Kapag sila ay magbigay na ng opisyal na posisyon, yun makapagre-react na kami. Kung meron silang proposal na compromise ay pag-uusapan namin at titingnan natin kung ano ang maaari para sa palasyo, sa pamahalaan at para sa pamilyang Marcos.

Question: Sir personally kayo po payag kayo?

MARCOS: Hindi ko sasabihin payag ako dahil wala pang proposal. Wala pa naman offer. So mahirap pumayag sa wala. Pero basta full military and state honors sa Ilocos syempre open ako doon. Ako ha. I am sure the other members of the family will also feel the same way na open naman. Yun lamang ang aming pinaninindigan ditto. Ang kanyang honors as a President and as a Soldier.

Back to Blog