Transcript of Interview of Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. on Supreme Court TRO vs. ARMM Polls, Appointment of OICs

Q: Sir reaction n’yo po sa Temporary Restraining Order na ipinalabas ng Korte Sumpre laban sa. ARMM polls postponement?
SEN. BONGBONG MARCOS: Ang katotohanan ay hindi naman ako masyadong nagulat dahil sinusundan ko ‘yun kaso sa Supreme Court at tinitingnan ko ang mga tanong ng mga justices. Mukhang patungo talaga ang kanilang desisyon na unconstitutional yun pag-a–appoint ng OICs.

Ito talaga ang aking sinasabi simula pa nung umpisa nang tinutulan ko ‘yun pag postpone ng ARMM elections. Ngayon ano ang mangyayaring epekto ng TRO? Ang problema nito, sa September 30 ay mababakante na ang mga pwesto at kailangan nang bumitaw ang mga nakaupo sa pwesto. Paano ang gagawin ngayon? Dapat ang Comelec—ipinangako naman ng Comelec sa atin na tuloy-tuloy ang kanilang paghahanda dito sa election na ito. Pero doon sa mga budget hearings sinabi naman nila na kailangan daw nila ng anim na buwan para makapaghanda. So baka magkagulo kung hindi nila maituloy kaagad kapag lumabas na ang desisyon ng SC.

Sa ngayon, pinagmamasdan pa natin kung ano pa ang magiging epekto nito. I think the Comelec should now go full blast in preparing for the election at madaliin na ang pagpapalabas nila dahil kailangan na natin magkaroon ng halalan para mailagay ang mga opisyales na magtutuloy sa mga mababakanteng pwesto.

They have restrained the postponement. Ibig sabihin tuloy ang election as the soonest possible time. Ibig sabihin, ang Comelec ay dapat magmadali at paghandaan na nila ang election as soon as possible. I don’t know kung kakayanin nila ng September 30—dalawang lingo na lang ‘yun. Magkakagulo talaga ng konti at kailangang pagmasdan natin ng mabuti kung ano ba talaga ang mangyayari d’yan at kung ano ang magiging epekto?

I think the ball is in the court of Comelec now. They have to fulfil their promise that they are ready for an election as they earlier assured us.

Q: Baka maging manual ang election?
MARCOS: Yun ang problema baka maging manual eh di magulo ulet. They don’t have a choice dahil nasa batas na ‘yun automation law. It is the law of the land already na kailangan ang lahat ng ating elections except baranggay—yun baranggay lang ang hindi nababanggit, pero lahat ng elections ay kailangan automated. Siguro, they have to start printing ‘yun mga balota dahil hindi na nila pwedeng pilitin na hindi magkaroon ng election.

Nakapagtataka nga kung bakit nila ipinilit ito. Hindi ko makita kung ano ‘yung magandang dahilan kung bakit kailangan i-postpone ang halalan. Pangalawa, yun pag-a-appoint ng OICs ay talagang malaking problema. That is unconstitutional.

Dito sa aming usapan sa Senado, yun ang paulit-ulit kong sinasabi. Sa aming pananaw ay hindi pwedeng mag-appoint—pareho na ngayon ng SC at sila’y sumasang-ayon sa aking sinasabi noon na hindi pwedeng mag-appoint dahil these are elective positions. Ngayon kung hindi kayo pwedeng mag-appoint, kailangan maghalalan. Nadoon tayo ngayon, kailangan pilitin nila na magkaroon ng halalan. Ang Malacanang naman kung sila’y nagpatakbo ng kandidato ay naipapanalo naman nila. So hindi ko alam kung bakit gusto pa nilang i-postpone.

Yun mga nag-a-apply lang na maging OIC assemblyman ay 300 na yata. Ang OIC ng governor ay mga 50 na yata. Lahat sila ay nag-apply na sila ang gawing OIC. Seguro naman sa dami ng mga kandidatong nagsusulputan maaaring meron tayong mapipili na magagaling. Kaya ang halalan talaga ang kaisa-isang pamamaraan para makapili tayo ng opisyal na ginugusto ng mga mamamayan. This has always been a problematic proposal from the very start na mag-postpone ng election at saka mag-appoint ng OICs. I’m glad to see, although we knew that this was going to happen that the SC views the issue in the same light as we do.

Back to Blog