Transcript of interview of Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.  on Supreme Court  decision declaring synchronized ARMM polls, appointment of OICs constitutional

Print-Interview-SC-ARMM-appointmentQuestion: Sir, reaction nyo po sa Supreme Court decision.

Sen. Marcos: Nagulat nga ako sa naging desisyon nila at sa aking pananaw ito ay magiging problema ulit para sa ARMM. Kaya naman hindi matapos-tapos ang problema sa ARMM. Hindi tayo nakakakita ng kapayapaan sa ARMM dahil hindi natin sila binibigyan ng boses. Hindi natin sila pinababayaang pumili ng kanilang liderato kundi inuutos-utusan lamang ng palasyo. Kung ituloy nila ang ganyang pagtrato sa ating  mga kapatid na Muslim,  sa palagay ko tuluyang gulo ang mangyayari sa ARMM. Sa aking pananaw ang naging desisyon ng SC sa ngayon ay malaking pagbigo sa ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao.

Question: Sir irrational ba yun…?

Sen. Marcos: I still believe it is unconstitutional kaya nga nagulat ako at tapat ang aking paniniwala. Ang Region 1, ang tawag ay Region 1.  Ang Region 2,  ang tawag ay Region 2.  Ang ARMM, ang tawag ay Autonomous Region in Muslim Mindanao. Maliwanag na maliwanag na special ang ARMM at mas autonomous kaysa ibang region. Ang kaso kung ang gagawin  natin–katulad ng lagi kong sinasabi pumunta ngayon tayo sa Region 2 at sabihin natin sa kanila  na hindi na kayo pwedeng bumoto sa gobernor at mayor ninyo at kami na lang  ang mag-a-appoint , sa palagay ko ay walang papayag. Kung hindi papayag ang ibang Filipino, bakit natin ipipilit  sa ating mga  kapwa Filipino na Muslim?
 Bakit sila ay dinidiktahan ng Palasyo? Kung ang ibang Filipino ay hindi sila papayag, bakit sa mga Muslim lamang? Kaya nagkakagulo dyan dahil inuutus-utusan lang natin ang ating mga kababayang Muslim  at hindi natin sila binibigyan ng boses. Binibigo natin  ang kanilang  mga pangarap para sa kanilang mga sarili at mga pangarap para sa sarili nilang lugar.

Question: Sir, meron nagsasabi na yun daw desisyon  ng SC ay para i-please lang daw ang Presidente  dahil lagi nga daw oposisyon ang position ng SC  kaya ngayon ay pumabor sila?

Sen. Marcos: If that is the case, then that is a very poor basis for making that kind of decision because it is the constitutionality that is the question here and not whether or not the Palace is pleased.

Question: Yung pagbibigay sa presidente ng power to appoint will give way to political accommodation?

Sen. Marcos: But of course. That is exactly what it is all about. This is a political move for the Liberal party to put in position their own people in preparation for 2013. Seguro naman maliwanag na maliwanag sa lahat ng  tao  na ‘yan ang nangyayari dito.
Thank you.

Back to Blog