Transcript of interview of Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., on Vice President Binay’s recommendation to President Aquino on Marcos burial issue

Question: Sir anong reaction nyo sa recommendation ni VP Binay on FM burial ?

SEN. MARCOS: Tumawag sa akin si Vice President Jejomar Binay noong Saturday at pinapaalam lang sa pamilya Marcos na yun kanyang rekomendasyon ay handa na at ibibigay na nya sa president sometime in the following week. So ang expectation ko nga ay Wednesday or Thrusday this week.

Kung ano ang nasa report ay hindi naman ipinakita sa amin. I can only say that VP Binay was very open noon kami ay nag-usap. Nang lumabas ang desisyon na ipinapasa ng Panguo kay VP Binay ang pag-formulate ng rekomendasyon para sa paglilibing ng aking ama sa libingan ng mga bayani ay nilapitan naming siya. Tinawagan namin si VP kung pwede kaming mag-usap. Binigyan naman kami ng pagkakataon na maibigay ang aming pananaw at ang lahat ng aming gustong sabihin ay pinakinggan niya. Pagkatapos noon hindi na namin masyadong napag-usapan. Lahat kami naging busy at ang sumunod na lang na balita ay galing nga kay VP Binay na mayroon na siyang recommendation at ibibigay na sa palasyo.

Question: Ano ang reaksyon ng pamilya?

SEN. MARCOS: Hindi pa naming nakikita ang recommendation, umaasa lang kami na sana naman ay pagbigyan kami dahil sa aming pananaw ay karapatan naman talaga ng isang sundalo, ng isang pangulo na mailibing sa libingan ng mga bayani. Nang makausap ko si VPBinay ay tanong nga ako ng tanong kung “ano ang recommendation” sabi niya “unahin muna natin si pangulo. Ibigay muna natin kay presidente”

Question: Wala kayong idea?

SEN. MARCOS: I have no idea what is in the report.

Question: May report kasi na nasabi na daw sa inyo?

SEN. MARCOS: Ang sinabi lang sa akin ay handa na.

Question: Sir would a favorable recommendation change your position on ARMM?

SEN. MARCOS: I am afraid that issue is not at all connected to the other. I am afraid not that it should not work that way. We have to be objective about this whole thing to the extent that if my position which is counter to the cancellation of the ARMM elections and the appointment of ARMM OICs by the president will cost of our effort to get my father buried in libingan ng mga bayani the it be so Since the committee recommendation have no connection to the issue of my father’s burial at the Libingan ng mga Bayani. Kung ‘yan unfavourable committee report ay naging sagabal sa aming effort na pagpapalibing sa aking ama ay wala tayong magagawa dahil sa aking pananaw yun ang tama at di maipagpapalit yun committee report with my father’s burial issue. Wala na akong ibang magawa.

Back to Blog