Transcript of ambush interview with local media upon arrival at Libmanan, Camarines Sur

Anong masasabi nyo sa mass oath-taking ng mga bagong NP members sa probinsya ng Camarines Sur?

Malaking bagay ito lalo na para sa Nacionalista Party na magsusumpa ang ganon karami na sitting officials. Kaya nung sinabi sa amin ni Gov. Migz na merong ganito e syempre kaya’t yung pinaka leadership ng Nacionalista e narito.

Papano nyo pinaghahandaan ang 2016?

Eto kasama na siguro ito, pampatibay ng partido at para nga makilahok ang Nacionalita Party sa 2016 e kailangan patibayin nga ang partido. So this is one of the first steps para maabot natin ang ganung klaseng stature para mainvolve naman sa 2016 in whatever way possible.

Yung proposal for cityhood ng bayang ito, ano ang position nyo as chairman of the committee on local government?

Palagay ko basta qualified naman, at mukha namang qualified lahat sa Libmanan dahil tiningnan na namin, palagay ko hindi na mahihirapan ang conversion from municipality to city.

Your reaction sa hinihinging term extension ni Pres. Noynoy?

Nagtataka kaming lahat kung papano gagawin yun, hindi naman..sa constitution one term lang so hindi ko maintindihan kung ano yung magiging plano para mangyari yun kasi ang Presidente mismo ang nagsabi na hindi siya interesado na magkaroon ng charter change.E charter change ang kailangan para matuloy yun.

Palagay ko ang sinasabi lang ni Sec. Mar yung kanyang—I don’t know—yung kanyang personal wish na sana matuloy ma extend. Pero wala naman akong nakikita na mga galaw na talagang ipupursige nila yung mag-extension. Hindi malaman kung papano nila gagawin kung hindi naman sa charter change, at hindi ko nakikita na magkakaroon ng charter change between now and 2016.

Sa tingin nyo natatakot ang administration dahil wala pa silang nakukuhang mabigat na kandidato para sa 2016?

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang motivation nila kung bakit nangyari ito. Palagay ko hindi naman galing sa partidong LP yan. Palagay ko ke Sec. Roxas yan, as I said, personal wish nya. Pero alam mo ano ba ang sinasabi sa politika, never say never, tingnan natin kung anong mangyari sa susunod na ilang buwan.

Ibig bang sabihin nun Bongbong Marcos for vice president pwede rin?

Wala kaming pinag-uusapan na ganyan.

Pero meron na tayong Presidente for 2016?

Wala pa. Kayong mga press lahat kayo nagmamadali e, masyado namang maaga, dami pang kailangang gawin e. Saka na muna yung mga usapang pulitika dahil marami pang trabaho at malayo pa ang eleksyon.

Pero si Sen. Manny Villar plano natin na maging kandidato ulit for 2016 elections, as president?

Wala syang sinasabi sa amin. Kaya nga, hindi namin napapag-usapan pa ito dahil kahit na anong maging desisyon sa ganito kaaga mapapalitan yan pagdating ng panahon kaya there’s no use talking about it now. Bantayan na lang natin kung anong takbo ng pulitika. Siguro pag mas malapit na saka natin pag-usapan ng masinsinan yang mga bagay na yan.

Back to Blog