Transcript of ambush interview after EDCA hearing at Senate 13 May 2014

What are your concerns on EDCA?

Hindi maliwanag sa EDCA na napirmahan , hindi nga maliwanag kung saan nga ba yung agreed locations. Kailangan siguro na ipaliwanag na mabuti kung saan ba talaga ilalagay ang mga pwersa military  ng US at kung ito ba ay lamang sa dating Subic, Clark—yung kanilang dating base—o kung kahit saan sa Pilipinas ay pwede silang maglagay.

Kaya naman tayo nagkaka-hearing na ganito e dahil marami pang mga tanong—kaya nga nais naming maipaliwanag sa amin kung ano ba talaga ang pinag-agreehan ng United States at saka Republika ng Pilipinas. Sa ngayon ay sinasasabi na ito pang mga desisyon ay gagawin between the United States military saka ng AFP, sana naman ay mas maliwanag. Yun lamang ay gusto nating maipaliwanag.

Maraming maitutulong talaga ang US military. Isa na lamang ay babanggitin ko yung kanilang ginawa sa Yolanda at napakalaking tulong. On a mass scale ang pwersang Amerikano ang nauna talaga na nakarating at nagdala ng tulong sa mga napinsala sa Yolanda. Kaya maliwanag na maliwanag na malaking bagay na mag preposition ang American military para makatulong nga sa disaster relief.

Yun lamang, yung sa military presence ang dini-debate ay unang-una kung ito ba ay bagong base dahil hindi ito pinapayagan ng ating constitution na magkaroon ng base ulit dito. At ano ba talaga ang nagiging frames of reference? Ano ba talaga ang detalye sa agreement, saan pwedeng ilagay? Sinasabi ito ay tumutulong sa AFP modernization, papano yun mangyayari? Yung pre-positioned material , kung anong klaseng materials yun, kung ano ang magagamit ng Pilipino, ano ang para sa Amerikano lamang. So itong mga bagay-bagay na ito ay dapat maipaliwanag.

I do not object—hindi ako tumututol sa ganyang klaseng agreement. Yun lamang kailangang maliwanag na maliwanag na hindi magkagulo tungkol sa ibat-ibang isyu pagdating ng panahon na ma-implement na yung EDCA.

Yung Subic at sa Clark, kasi me mga batas na ngayon na nilikha para sa Subic at sa Clark , na ito a hindi na for military use. Posible pa ba makabalik dun yung mga Kano?

Kung halimbawa yung mga development, yung halimbawa sa Subic, kung ang SBMA ay papayag na isang bahagi ng Subic ay gagamitin para AFP military base at pag-agreehan ng AFP at American military na maglalagay sila dun, yun ang maaring paraan para magkaroon ng presence halimbawa sa Subic.

So possible?

Possible, depende nga. Kailangan mag agree yung SBMA, e silang namamahala ng Subic. Pangalawa, na mag-agree ang AFP na kailangan nga na maglagay ng pre-positioned material, magtayo ng facilities at magkaroon ng presence ng American military dun. So, nasa sa atin pa rin, nasa Pilipino pa rin ang desisyon kung papano ilalagay. Pero, kaya nga lamang, hindi nga masyadong maliwanag pa. Siguro sa darating na mga usapan between the Philippines and the United States e magkakaliwanagan tungkol ng sa ano ba talaga ang maaring gawin, kung saan pwedeng ilagay yung agreed locations, ano ba talaga ang access ng Philippine military dun sa kanilang magiging infrastructure, magiging facilities ng Amerikano, kung ang AFP ay pwedeng pumasok—sinasabi naman na pwedeng pumasok ngunit sinasabing hindi pwedeng gamitin ang gamit ng mga Amerikano so me konting contradiction dun—kailangan nating iliwanag.

Pero sa inyong opinion, dito sa framework agreement pa lamang, medyo lugi na ang Pilipinas? Kasi nabanggit na yung equipment na dadalhin dito hindi naman maiiwan sa Pilipinas, sa US pa rin yun?

Yun na nga, kaya natanong ko nga yung tungkol sa AFP modernization dahil sinasabi na ito’y bahagi ng AFP modernization  ngunit wala namang maiiwan na gamit sa atin. Siguro sa training at saka sa joint military exercises, masasabi nating ito’y tumutulong sa ating modernization. Pero, again, sinasabi ko hindi ako tumututol dito, gusto ko lang mailiwanag na mabuti para alam natin kung ano ang maaari nating gawin, ano ba talaga ang gagawin ng mga Amerikano. Sa ngayon isa pang magiging hearing dito ay hindi lamang tungkol sa mga detalye ng EDCA pero siguro sa darating na ibang hearing mapag-uusapan din ng detalyado kung ano ba talaga ang mga provision tungkol dito at kung ito ba ay isang treaty na kailangang ma-ratify, na aprubahan ng Senado, o ito ay talagang sinasabing executive agreement. So itong mga bagay-bagay na ito na hindi nga maliwanag, kailangan nating liwanagin para maging matibay ang ating agreement sa mga Amerikano, para maging maganda ang patakbo ng ating pagsasama at pagtutulungan ng mga Amerikano at ng AFP.

Nakikita nyo ba yung pagbabalik ng US military base sa Subic, dun sa EDCA?

Ah hindi pa, malayo pa tayo dun dahil nga yung MOA, me proposed dyan na MOA sa SBMA, siguro pinag-aaralan nila kung anong gagawin. Hindi pa kami nag-uusap sa ating mga namamahala sa SBMA. Siguro inaantay din nila kung ano ba talaga yung mga paliwanag dito para alam din ng SBMA kung ano ba talaga ang gagawin dun sa Subic kung sakali man ay pababalikin ang Amerikano.

Nabanggit na nag-uumpisa nang magtayo ng mga barracks sa ibang military bases. Mapapahinto ba ito ng Senate kasi me question pa nga sa constitutionality nitong agreement tapos hindi pa clear yung ibang provisions dito?

Wala naman sigurong problema sa construction dahil yung lahat ng constructions hindi naman nila iuuwi yan e.  Kahit anong mangyari hindi naman nila ibabawi yan. Kung magtatayo sila, kung hindi matutuloy ito maiiwan sa Pilipinas. Kung matuloy man e maliwanag naman sa EDCA na lahat ng itinayo na facilities, buildings, constructions, ay nasa pangalan ng Pilipinas, ang Pilipinas ang may-ari, so palagay ko hindi contentious issue yun.

Sinasabi nyo rin na mukhang dehado tayo dito sa agreement na ito?

Dati pa namang ganyan e dahil nga pag sinasabi ng Amerikano na magtatayo sila ng base dito noon ay me kapalit, merong maraming ibat-ibang detalyado one of them of course is credit on foreign military wares, yung training at saka some of the other defense treaties…

So tingnan lang natin, ang masasabi nating advantage ng Pilipinas, na hindi na bale kung walang rental, hindi na bale kung walang ibinibigay na equipment, masasabi naman natin na magiging mas matibay ang seguridad ng Pilipinas. But this also has to be taken in context, na ito ba ay makatutulong sa atin o hindi, na mas iinit ang magiging usapan sa gitna—e nasa gitna tayo ngayon ng United States at China—sa naman ay hindi at ito’y magiging advantageous lamang sa Pilipinas at sa ating seguridad dito sa Pilipinas.

Back to Blog