Transcript: Interview with Den Macaranas on Radyo Inquirer 990khz

Den Macaranas: Kayo ho ay naghain dati ng panukala na i-postpone ang SK elections? Ano ho ba ang latest dito?

Sen. Bongbong: Ang latest dito, kung maalala natin, nung Oktubre 2013 dapat magkaroon ng SK elections. E yun lamang, nagkaroon ng mainit na diskusyon dahil maraming nagsasabi na hindi maganda ang sistema ng SK at hindi maganda ang nagiging training para sa mga kabataan. E pinakinggan naman namin yun kaya namin pinostpone. Sabi namin e bigyan natin ang sarili natin ng konting panahon para makapag diskusyon at mapag-aralan kung papano ma-reporma ang SK at para maging maganda nga ang patakbo ng SK. That was last year, ang naging deadline nga namin is February para maghalalan ulit. E hanggang ngayon ang nangyayari e pinapaspasan na namin para naman matapos bago etong parating na eleksyon na naka schedule ng Pebrero.

Kaya’t nagmeeting kami ng mga counterpart namin sa House of Representatives, mga congressman, at pinag-usapan namin kahapon kung papano ang aming gagawin para matapos namin sa loob ng deadline yung reporma ng SK. Marami kaming mga proposals. Isang taon na ito, labis na sa isang taon naming pinag-aaralan ito, at mukha namang meron kaming pinag-agreehan, mukha namang pareho din ang isipan ng Senado at ng House. It was just a question na matapos in time.

Macaranas: Anong mga proposals po at mga revisions po ang napag-usapan so far, Mr. Senator?

Sen. Bongbong: Unang-una yung edad, dahil yung nakaraan 15-17 e maraming problema yung 15 -17 dahil sila yung 15-17 nag-aaral pa kaya hindi masyadong makapag-focus dun sa trabaho nila bilang SK. Ang House version, ang kanilang age range ay 15-21, kami naman ang range na aking nilagay 15-30 kasi sinasabay namin sa mga international agencies kung ano yung kanilang tinatawag na youth. So eto, yan na nga, kailangan naming pag-usapan at maghanap ng compromise. Pangalawa, ang aming pinatibay ay yung training. Dahil sa ngayon ang training ng mga SK officials yung simple lamang, yung lang mga book-keeping, pag-liquidate. Eh kailangan, sa palagay namin, para maging maliwanag sa ating mga SK officials kung ano yung kanilang trabaho. Kasi sinasabi e sunod-sunuran na lang daw sila sa mga amo nila, kung minsan kung sino ang naglagay sa kanila, mga tatay nila, mga uncle nila. E hindi naman dapat ganun. Kaya itong training para maipaliwanag kung ano ba ang kasaysayan nitong youth movement dito sa Pilipinas at kung anong inaasahan sa kanila ng kanilang kapwa kabataan.

Ang isa pang nailagay namin doon, ang anti-dynasty na nakasalang ngayon sa House of Representatives ay hindi kasama ang mga barangay officials. Nakalagay dun, meron din kaming mga anti-dynasty provisions, na hindi maaari yung mga anak ng nahalal na officials, na barangay officials at saka municipal at city officials. Kasi isa yun sa malaking sinasabi na, inilalagay lang yung mga anak nila ang nangyayari sumusunod-sunod lang at bomoboto kung ano ang sinasabi sa kanila, walang sariling isip. Yun ang mga malalaking pagbabago at sa tingin namin, ito ay malaking hakbang para ito naman ay masasabi natin na napaganda natin yung SK at sa ganyang paraan ay mabigyan naman ng pagkakataon ang mga kabataan na natin na ipakita ang kanilang galing at kung ano ang kakayahan nila.

Den Macaranas: Saka yung edad ho na 15 at 17 hindi pa ho pwedeng pumirma ng kontrata yan e, usually mga barangay officials din e…?

Sen. Bongbong: Naging malaking problema yan dahil nga hindi nga makapirma ng kontrata ay kailangan lahat ng dokumento…hindi pa sila age of majority. Eto ay isang bagay na pinag-aralan naming mabuti at we have different…with the House pero palagay ko makakahanap kami ng common ground dyan.

Den Macaranas: Malapit na ho, February 21 ho ang pinag-uusapan natin, sabi ko yung panahon baka kapusin kayo, hindi ho ba?

Sen. Bongbong: Ay hindi naman siguro. Pero palagay ko pagka maging maliwanag kung ano yung magiging reporma, malalaman natin kung ang gagawin tungkol dito sa eleksyon. Dahil kung hindi matapos ang pag-aaral namin tungkol dito sa pagpasa ng batas na ito ay magkakaroon ng halalan sa February 21 sa ilalim ng dating batas. Kaya’t parang sayang naman ang panahon, parang wala kaming nagawa. Kaya’t yun ang habol namin. Kaya’t tinitingnan namin kung ano ang magiging resulta nung aming mga diskusyon, kung ito ba ay mangangailangan na makapag-postpone ng SK (election). Depende nga. Kasi kung malaki ang pagbabago ay iba na ang sistema ng halalan, kaya’t iba na ang magiging voter’s list, kailangan mag-imprenta tayo ng panibagong sistema. Kaya’t ito ngayon ay minamadali—hindi naman minamadali-pero ipinapaabot namin sa deadline.

Den Macaranas: Isa pa hong napag-usapan dati e baka pwedeng isabay na yung SK sa barangay elections?

Sen. Bongbong: Isa pa yun. Me proposal sa House na isabay na sa barangay elections. Tinitingnan din namin yan. Kagaya ng sabi ko, sa Senado iniisip namin na baka naman masyado nang matagal na walang nakaupo na SK. Pero titingnan natin, kung talagang kailangan yang oras na yan, depende nga kung anong magiging final version nung batas, e kung talagang kailangang mag-postpone e di ipo-postpone natin para naman makapaghanda ang Comelec sa panibagong sitwasyon, sa panibagong sistema.

Den Macaranas: Mabuti ho naman at napapag-usapan yan. Naaalala ko kasi nung araw Kabataang Barangay ang tawag dyan: KB?

May sistema yung KB e, yung KB nun hindi sa barangay level, nakailalim yun sa office of the President. Yung kinukuha namin at gusto naming gayahin dun ay yung training. Dahil intensive yung training nun at hindi lang tungkol sa, kagaya nung sabi ko, hindi lang yung pang-araw-araw na trabaho ng KB, kung hindi pati yung pag-unawa sa kasaysayan ng ating pulitika, kasaysayan ng ating bansa, kung ano ba ang ibat-ibang sistema ng pulitika na maaring gamitin—lahat yan para talagang malawak ang pag-unawa. Kaya makikita natin matagumpay yung KB dahil hanggang ngayon kung titingnan nyo ang mga dumaan sa KB training e lahat sila ay nasa gobyerno pa rin in one form or another—kung hindi man elected official sila ay nagtatrabaho sa gobyerno, sila ay staff ng elected government official, at matataas na rin ang mga posisyon na hinahawakan ng mga KB. Pero makikita mo, me pinagsamahan talaga at hindi nawawala yung pagkakaisa nila at tuloy-tuloy pa rin ang kanilang serbisyo publiko dahil nga dun sa training na nadaanan nila. Itinanong namin sa kanila, bakit ba buo pa rin kayo at buo pa rin ang loob nyo sa public service? Ang sabi nila yun ang training sa amin. Kaya’t mahalaga yung training na maganda.

Den Macaranas: Iba yung empowerment dun sa politics e?

Sen. Bongbong: Ah yan, talaga, puro pulitika lang, kaya’t yun ang nangyari. E kaya yung mga bata e wala namang masyadong magawa. Kaya yun ang pagbabagong gusto nating gawin para makita naman natin kung sino yung mga magagaling dyan at kailangan din natin—hindi naman pupwedeng basta’t kami na lang ang nakaupo dito, hanggang kelan pa. E yung mga bago kailangan natin yan dahil sino ang papalit sa magagaling nating mga lider ngayon?

Back to Blog