Interview with Joel Zobel over DZBB

Q: Senator, magandang umaga. Si Joel Zobel sa DZBB.

BBM: Good morning Joel, magandang umaga sa iyo at magandang umaga sa mga nakikinig.

Q: Anong epekto nito sa tsansa nitong BBL sa Senado yung natuklasan ninyo kahapong MILF lang pala ang kinausap nila, wala palang nakausap na ibang mga sektor dyan sa Mindanao kaugnay ng BBL?

BBM: E ang kailangang gawin ay kausapin nating lahat ng tinatawag nating stakeholders. At yan ang aking hinahabol kaya’t nung nakaraang linggo ay MNLF ang kinausap natin at kahapon ay yung sultanates at mga IP. At sa susunod na linggo yung namang mga LGU chief executive, yung mga mayor saka yung mga  governor na apektado dito sa BBL. Kaya nagtataka lang kami kung bakit naging ganito na yun palang comprehensive agreement at saka yung framework agreement na pinirmahan at yung draft BBL ay wala palang..ang gumawa lang pala nito ay yung OPAPP lang at saka yung MILF, wala na silang kinausap na iba. Sana kasi kung ginawa nila yun, nakipag-kunsulta sila sa lahat ay siguro mabilis nang napasa itong BBL dahil nakita na lahat ng mga problema at naayos na kaagad.

Q: So tingin nyo matatagalan pa ito kasi mukhang hinahabol nga ng Malacanang ito at sana daw ay maipasa bago dun sa State of the Nation Address ni Presidente. Pero with this development, kailangang kunsultahin nila lahat ng sektor e matatagalan sila rito senador?

BBM: Hindi, ang mangyayari sa House of Representatives pasado na sa committee level, at pinapaspas ngayon nila gusto nga nilang matapos by June 10, last session day is June 10. Kaya hindi ko malaman kung anong mangyayari kasi yung floor debates yan ang susunod. So hindi masabi kung gaano katagal yun. Pero sa Senado meron pa kaming isang hearing dahil maliwanag na maliwanag na…

Q: …dun sa House of Representatives kung nakita ninyo’t natuklasan ninyong hindi nakunsulta pala sa iba’t ibang sektor ito bakit hindi ho natanong yata sa House of Represemtative ito’t naipasa ng karaka-raka?

BBM: Actually natanong din lahat yan at maraming miyembro ng mga congressman natin na gusto nang pag-usapan yan at itanong kung bakit nangyari yan, at ayusin at makipag-usap nga sa mga ibang stakeholders. E kaya nagagamit yung salitang railroad dahil may dumating na tinatawag na LP version at sinabi sa mga congressman take it or leave na lang daw, kaya’t nawala lahat ng mga diskusyon na yun, lahat ng mga gusto nilanng palitan hindi na napag-usapan, hindi na napag-debatehan kaya’t napakabilis at yung final version na pinasa on committee level ay malayo dun sa kanilang sina-suggest at sinundan na lang yung LP version , oo yung LP version na galing sa Palasyo.

Sana naman hindi mangyari sa amin yun. At sinabi ko, tinatanong nga sa akin na sinabi ng Pangulo na handa naman daw siyang makipag-meeting sa mga senador. Happy naman kaming makapag-meeting sa kanya at pag-usapan lahat itong mga isyu na ito. Pero kung para lang gawin sa Senado yung ginawa sa House of Representatives ay siguro ipauubaya ko na lang sa mga iba yan at hindi na ako sasama sa mga ganyang klaseng maniobra.

Q: Okay, so tanungin ko nga sana sa inyo yun e, yun balak ng Pangulo na makausap nga kayo’t makipagpulong sa mga senador para maplansta raw yung mga provision sa Bangsamoro Basic Law, wala kayong reservation dun senador?

BBM: Wala naman. Kagaya nga ng sabi ko, kung pag-uusapan talaga yung mga iba’t-ibang issue directly related dito sa BBL, at kung meron syang gustong i-suggest, e syempre makikinig kami at importante yung kanyang inputs. Pero kung ibang usapan na yung political maneuvering kagaya ng ginawa sa House of Representatives ay hindi na siguro ako kailangang makihalo dyan at I do not want to be involved in anyting like that.

Q: Ngayon pa lang meron na hong ilang mga question sa constitution itong panukalang ito at maski na pagtrabahuhan ng mahaba-haba po ito mukhang masasayang lang dahil kung hindi rin lang mapaplantsa yan dahil kukuwestiyunin po sa Supreme Court po ito. So ano ang balak nyong gawin dito senador?

BBM: Well tiyak na itsa-challenge ito sa Supreme Court dahil marami nang nagsabi na kahit anong version ang maipasa at kung anoman ang version na pipirmahan ng pangulo ay kukuwestiyunin sa Supreme Court. Kayat ginagawa nga ala namin… ay papano naman kung alam naming unconstitutional yung ipapasa naming version bakit pa namin gagawin e alam naman namin na sasabihin lang ng Supreme Court na unconstitutional parang MOA AD i-strike down di wala ring nangyari, so useless yung lahat naming trabaho. So dapat yung trabaho namin para tiyakin na kahit anong challenge sa Supreme Court ay masasabi constitutiona. Kaya’t yun ang aming pinag-aaralan kaya naman hindi madaling proseso ito. Kaya’t nagtataka kami bakit tayo laging minamadalali. Wala namang deadline sa batas, walang deadline sa framework agreement, walang deadline kahit saan. Pero bigla na lang may lumitaw na June 11 deadline. Importante ito masyado dahil buhay ng tao ito, giyera as Muslim Mindanao ito at kumplikadong bagay ito, dapat hindi madaliin ito at ayusin natin na mabuti, at tiyakin natin na mabuti ang version na ipapasa.

Q: Okay, on another subject senator, anong nakikita ninyong solusyon dyan sa West Philippine Sea? Medyo  nagiging tensyonado na po at nagpadala na raw po ng pinakamalaking aircraft carrier po ang America dyan e, at pinatatambayan daw po dyan e?

BBM: Kumplikado nga ang sitwasyon. Sana mula’t-mula nung simula pa ay kinausap na natin ang China. Pero kaya’t umabot na sa ganito dahil pumasok na ang Amerikano which complicates, makukumplika lahat ng usapan. Ang dapat sigurong gawin ay ang Pangulo tawagin ang Chinese Ambassador at sabihin nya, ito yung mga nakikita namin , ito yung mga intelligence namin, yung ginagawa ninyo hindi kami sang-ayon dyan, at magkakagulo ito. Ayaw naman naming makipag-away sa inyo pero paninindigan namin yung aming claim. Tapos, anong gagawin natin? Ayusin natin ito. We’ll have to find a way. Pero kailangan mag-usap ang China at saka Philippines. Yan ang pinaka-unang hakbang.

Q: So bilateral talks dapat munang gawin?

BBM: Bilateral talks siguro. Pero alam nyo ang diplomasya hindi government to government level lang yan e. Marami naman tayong negosyanteng Pilipino na may negosyo sa China, may mga kaibigan sila doon, may mga connection sila doon. Gamitin natin yun, sabihin natin kausapin inyo yung mga kaibigan nyo kung papano natin aayusin ito. At kahit papano habang nag-uusap ay siguro naman magagawa natin, kahit na hindi magkaroon agad ng isang agreement, at least matigil  yung ginagawa at magkaroon ng kaunting usapan at yang usapan na yan ay sasabihin itigil muna natin lahat, pag-usapan muna natin. Ay kung makuha natin yung agreement na yun di marami na tayong magagawa, at least mayroon na tayong pag-asa na magkaka-ayusan.

Pero ang ending nyan lahat, medyo nga kagaya ng sabi ko naging complicated dahil pumasok na yung Amerika, nagpadala ng aircraft carrier, magpapadala ng aircraft carrier at lahat. Pero ang ending nyan lahat ay magka-ayusan at magka-agreement ang Pilipinas saka China. Yan ang dapat natin habulin, yan ang dapat nating gagawin.

Q: So sinasabi ninyo hindi natin dapat hinayaang pumasok ang America?

BBM: Naging kumplikado na kasi ang mangyayari dito ang mag-uusap na ngayon ang America saka China. Hindi na tayo kasama dyan.

Q: Baka tayo pa ang ma-itsa pwera ano?

BBM: Kung me mangyari dyan nasa gitna tayo, hindi lang tayo ipit, durog tayo. Kaya sa lalong madaling panahon kailangang liwanagin natin ang sitwasyon natin both with the United States at saka sa China.

Q: Okay, senator salamat sa oras ha? Kailan ulit yung susunod na hearing sa committee po ninyo tungkol sa BBL?

BBM: Ang susunod na hearing ay sa June 3 at ito ay para sa mga local government executives.

Q: Yung mga stakeholders dapat nandyan na ano?

 BBM: Oo, yung nasa loob ng Bangsamoro territory at saka yung mga nakapaligid.

Q: Salamat po senator at magandang umaga po sa inyo.

BBM: Maraming salamat good morning po sa inyong lahat.

Back to Blog