Ambush interview with Senate Media

Bongbong Marcos - Ambush interview with Senate Media

Q: Nakita nyo ba yung video last Friday, yung supposedly nag leak na video, are you aware of it sir?

Sen. Bongbong: What video? No, I haven’t seen it.

Q: Yung video daw po na yun, yung meeting days after the incident?

Sen. Bongbong:  I haven’t seen it but I’ve read about it, I know which one you are referring to.

Q: Napenas was telling that he was coordinating with Pres. Aquino and coordinating also with Chief Allan (Purisima)?

Sen. Bongbong: Yeah. Actually hindi naman bago yan. It has been known that meron silang sinabi na mga meetings between Gen. Napenas, with the President and suspended Chief PNP Alan Purisima. So I think that’s clear na yun ang nangyari. Sa palagay ko pwede na tayong makapag-conclude dun sa ating narinig sa mga hearing ng committee ni Sen. Grace, maliwanag na nagkaproblema talaga.

Let’s say, umpisahan natin dun sa PNP-AFP side, nagkaproblema talaga sa coordination. Sa palagay ko nakita naman ng lahat na yung AFP nung nalaman nilla na kailangan ng tulong ng SAF ay ginawa talaga nilang lahat para makatulong. Yun lamang, hindi sapat dahil nga nagkagulo-gulo yung coordination.

Ang puno’t dulo ng lahat ay nagkagulo-gulo ang coordination dahil hindi nasundan ang chain of command. Dahil imbes na dumaan sa acting chief PNP, dumaan sa mga commander ng PNP, para ma-arrange nga lahat itong mga coordination.

Kasi ang SAF, ang pulis, sanay namang magpatakbo ng operation. Alam nila pagka-sinusundan yung tinatawag na standard operational procedure ay alam ng lahat ng opisyal kung ano yung kanilang dapat gawin. Nagkagulo-gulo lang, nagka-confusion lang, dahil hindi sinundan yung chain of command. Kaya’t hindi malaman ng iba’t ibang opisyal kung ano ba talaga ang role nila, anong dapat nilang gawin.

Yung isa yung sinabi nga ni Gen. Purisima kay Gen. Napenas: wag mong sabihan yung dalawa ako na ang bahala kay Catapang. Open to interpretation yun, hindi kagaya kung maliwanag na maliwanag yung chain of command alam na nila yung gagawin nila, alam nila SOP dyan kakausapin yung AFP. So akala nya si Gen. Purisima, di nya maintindihan iba yung sinabi ng Presidente. That’s where the confusion arose.

Yung mga ginagawang isyu tungkol kay Pangulo kung kailan nya nalaman at kung ano ang kanyang utos: kahit nalaman niya sa umpisang-umpisa at wala syang ginawa wala namang problema yun, kasi ang Presidente hindi gumagawa ng tactical decisions. Hindi sya ang nagsasabi: eto yung gawin nyo, yung tropa papuntahin mo dyan. That is left to the ground commanders. So hindi problema yun.

Ngunit ang isang natitirang tanong tungkol nga dito sa problemang ito, bakit pinalitan or bakit hindi sinundan ang chain of command? That is the question that everybody wants to ask the President and to get an answer from the President. What were the reasons kung bakit pinili nya na hindi sundan ang normal na chain of command, at gumawa sya ng sariling chain of command na ginagamit si Gen. Purisima na suspendido sa kanyang posisyon. Kasi ang naging chain of command is from the President to Purisima to Napenas. Anong nangyari sa buong chain of command ng Crame, starting with Gen. Espina? That’s where the confusion was.

Ngayon, me dahilan siguro ang Pangulo kung bakit nya ginawa yun. Yun ang kailangan nating matanong sa kanya at yun ang inaantay ng taong-bayan ang sagot na, anong dahilan, bakit nya ginawa yun? For all you know he has a very very good reason but we have to know what that reason is so that we can understand what happened.

Q: Sir, can he be held liable for that?

Sen. Bongbong: I’m not a lawyer, I don’t deal in those issues. But para maging maliwanag kung anong nangyari, the confusion arose because the chain of command was not followed and another chain of command—an informal, unspecified, undefined, not defined, chain of command—was created to go around the regular chain of command. Why did we do that? What was the reason behind that? Ginawa ng Pangulo  yun, what were his reasons for doing it?

Q: Sir, how should the President explain that?

Sen. Bongbong: Just tell us what the reasons…ganun lang naman, simple lang naman. Gumawa siya ng sariling chain of command, hindi nya sinundan yung normal na chain of command, kaya nagkagulo. Ngayon bakit nya ginawa yun? Ano yung mga dahilan nya, ano yung mga alam nya na siguro hindi natin alam, kung bakit sa pananaw nya at that time, that would be the better way to go. That is the question that we are waiting for now.

Q: Hindi sapat na dahilan na trusted nya at kaibigan nya si Purisima?

Sen. Bongbong: Kaya nga nagkagulo e. Suspendido yung tao e. So hindi alam nung nasa ilalim nya kung ano ba talaga ang role nila dito, because we are not operating under the normal procedure. So that is the remaining question.

There are of course still questions as to the MILF side also. Why did it take so long for them to stop shooting. That is something that I tried to explore in the last hearing. Sa palagay ko kulang pa yung panahon na ibinigay sa atin. Siguro baka magpa-hearing ako pag mag resume na yung hearings ng BBL –yan ang unang hearing na gagawin ko. Ano ba talaga ang mekanismo para pag alam na nung commander na ang pinapuputukan nya ay tropa ng gobyerno kailangan, dapat matigil uli.

Kasi lumalabas sa mga hearing na yung tropa natin, AFP and PNP, naunang pinag-ceasefire. Mga 1 o’clock, 2 o’clock nung Sunday pina wi-withdraw na sila, saka hindi na sila lumalaban. Pero yung MILF, BIFF—lahat nung armed groups—ay tuloy pa rin ang laban para sa kanila.

Q: Sir, papano ipapaliwanag ni Pangulo yung nag-create siya ng panibagong chain of command? Should he deliver another speech?

Sen. Bongbong: We as legislators can always take note of anything he says. It’s the people—yung taong-bayan ang gustong malaman ang sagot sa tanong na ito. We can always listen to his speech, or listen to his statement and we can take that into account.But it’s the people….

Because—eto na naman balik na naman ako sa dati, paulit-ulit kong sinasabi—we have to continue the peace process. And until we regain the trust of the people—hanggat maibalik sa peace process yung tiwala ng taong bayan hindi talaga pwedeng mag succeed ito, hindi talaga pwedeng mag-progress. Kaya para mabalik ang tiwala ng taong bayan ay kailangan malaman nga ang katotohanan kung ano talaga ang nangyari. So that’s the way I see it.

Those are my conclusions on either side: yung sa PNP-AFP yung chain of command ang problema, informal and undefined chain of command kaya nagkagulo, kaya hindi nagka-coordinate yung AFP at PNP.

At sa kabilang panig naman, ay bakit napakatagal ay sinabihan na sila umagang-umaga pa, alas-sais pa lang. Nakausap na nila ng 11:30 si Commander Goma ng 105th ng MILF ay tuloy pa rin yung putukan. Sinabi yung ceasefire was at 4:00, meron pang intermittent na skirmishes until gabi, so anong nangyari dun?

And that’s very important because kung ano yung naging weakness noon ay pag-aaralan natin at titiyakin natin na pagsulat ng BBL ay titiyakin na natin na meron tayong mas matibay na mekanismo para hindi mangyari ulit yun.

Q: Sir, when do you plan to start, to resume sir yung hearing nung BBL?

Sen. Bongbong: Good question. I’ve decided that once we have the results of the Board of Inquiry of the PNP, the Board of Inquiry results of the MILF, and also the committee report of the Senate committee on peace and order, siguro that’s enough material already.

Because, as I mentioned,yun ngang mechanisms of ceasefire pagka nagka-encounter, pwede na nating umpisahang pag-aralan. Dapat yan ang maging lessons learned natin dito sa nangyari sa Mamasapano.

Q: Sir pag nag submit sila, by then sir naka adjourn na kayo?

Sen. Bongbong: Pero we can still continue working naman during the…pwede namang mag-hearing kahit na mag-break e. Yun lang pagpasa ng batas kailangan talaga iboboto. Depende sa time table nga ng mga board of inquiry pero nakikita ko na kung how we will proceed.

But I still want to go to Jolo, I still want to go to Zamboanga to finish what we had begun, conduct the hearings here in Manila. Yun lamang e malaki yatang operation ngayon sa Basilan at saka sa Sulu, so tingnan muna natin how that would impact the scheduling.

Q: Sir going back to the President lang,  si Senator Osmena he said the President should just apologize, say sorry, admit na nagkamali sya. You think it’s the right thing to do?

Sen. Bongbong: We don’t know just yet kung nagkamali sya o hindi. What we want to know is what he did and why he did it. Why did he institute or use or create this informal, ill-defined, chain of command that caused all the problems? Because that’s what caused all the problems.

Q: So you’re  saying yun ang naging ugat nung problema sa Mamasapano?

Sen. Bongbong: Yun ang naging ugat ng problema sa mis-coordination between the AFP and the PNP.

Q: Sir dun sa BBL, is the June target of the House feasible for the Senate…?

Sen. Bongbong: Just, pero palagay ko mahirap siguro. But we might still be able to do it.

Q: Sir may pag-asa pa bang makapasa talaga ang BBL during Aquino’s time?

Sen. Bongbong: Ganito na lang, not in the version that was given to Congress. Maraming gagawing kapalit.

Q: Sir would you care to comment lang yung dun sa article about  sa Wharton and Oxford?

Sen. Bongbong: Ibinababa yung IQ ko e. I think sinagot ko na. I got my diploma in Oxford, di ako nagtapos sa Wharton because naging Vice-governor ako. Ganun lang naman, I’v e always said that. It’s always been the case, so I don’t think there’s anything to add.

Ngayon ang ginagawa namin, sulat kami ng sulat, kinukuha namin lahat nung mga papel. Because most of the papers that are to do with that were left in the Palace—so wala na sa amin.

Q: Sir, sorry, may expulsion issue ba dun sir?

Sen. Bongbong: Not really.

Q: Sir, iba daw yung diploma sa degree? That there’s a difference daw po. So you said you got a diploma?

Sen. Bongbong: Yeah, I got a diploma. What do you get when you graduate? You get a diploma.

Q: But you also got a degree?

Sen. Bongbong: I suppose. I got my diploma e.

Q: Sir nagulat ba kayo na biglang lumabas yung mga ganung….?

Sen. Bongbong: Not really, because during this whole Bangsamoro issue, siguro I’m seen as a critic kaya siguro some people decided that kailangan din akong balikan.

Q: Sino kaya yun sir?

Sen. Bongbong: Hindi na bale.

Q: So you think there are people behind this article sir, yun ba ang ibig nyong sabihin sir?

Sen. Bongbong: Well, many other people have been talking about the same things I’ve been talking about pero ako lang ang inaatake, so I guesss it’s political.

Q: Sir, pero bakit iba daw yung sa Senate website and sa resume nyo dun? Like it wasn’t specified that you didn’t finish in Wharton and that it was a diploma, not a degree?

Sen. Bongbong: I don’t know where that came from but in ours it’s specified. You can look at the dates e. Maliwanag na maliwanag, Vice Governor ako 1980. Kahit anong gawin mo dun sa dates na yun hindi mo talaga pwedeng sasabihin na nagtapos ka e. Hindi ako natapos. I was writing my dissertation, I never got it, pinauwi na ako.

Q: So hindi sya misrepresented, I mean the resume that’s posted on your website?

Sen. Bongbong: It’s the same; it’s exactly what I say what  it was.

Q: Sir nakausap na daw kayo ni Sen. Honasan about the book of Almonte?

Sen. Bongbong: Naku, marami syang problema with the book. And he says that there are many inaccuracies. I haven’t read the book so I’m waiting to get my copy first until I make a comment on the book.

Q: Pero naniniwala kayo kay Sen. Honasan na denial? Kasi sir dun nasa book na Sen. Honasan daw at that time plotted to kill Pres. Marcos and your whole family?

Sen. Bongbong: Actually what we knew at that time does not agree with that contention. Thank you.

Back to Blog