Ambush interview with Senate media

Ambush interview with Senate media

Q: Sir, what do you think of the President’s explanation?

Sen. Bongbong: Well, kaya nagkakagulo, dahil pabago-bago ang paliwanag. Ngayon ang sinisisi ngayon ay si Gen. Napenas. At sa amin namang nakita, yung mga statement na nangyari dun sa public hearing, pati na rin sa executive session, ay hindi naman necessarily na ganun ang nagiging findings.

Kaya’t itong panibagong assertion ng pangulo is just confusing the issue. Imbes na natulungang liwanagin ang issue. Ngayon balikan ulit natin kung ano ba talagang tinutukoy nya, kung ano yung ibig sabihin nya that he was lied to, o binola sya ni Gen. Napenas. So, in what sense? Ano yung ginawang pambobola o pagsinungaling ni Gen. Napenas?

We already have Allan Purisima lying to the President—sabi nya Purisima lied to me. Ngayon Gen. Napenas lied to me also? So, ano yung lie na kanilang sinabi at bakit bago na namang istorya ito?

Nagulat nga ako nung nakita ko ang statement. Ang sabi ko, how does this fit in with all the rest of the testimonies that we have received in the public hearing and in the executive session? Kaya’t imbes na naging mas maliwanag ang sitwasyon naging mas malabo.

Q: Hindi kaya para mag set ng ano dun sa magiging report ng BOI? Ma preempt sir?

Sen. Bongbong: Hindi ko alam. That is another point of discussion. Dahil bakit ngayon nadelay ulit yung report ng BOI dahil ipinadala sa Palasyo and now this is the new statement from the Palace and from the President.

Now I have to admit, kailangan kong aminin that this has sown confusion into the…what we thought, yung inaakala namin na alam na namin ang mga pangyayari, dahil nga sa mga testimonies, yung mga documentation ng mga text message ay nakuha na namin, medyo sabi namin pakiramdam namin alam na namin kung anong nangyari.

Ngayon kailangan nating pag-aralan ulit, ano yung sinasabi ng Pangulo that both Allan Purisima and Napenas lied to him? That brings us again back to the question: bakit sa kanila ka lang nakinig? Dahil kung tutuusin nyo ang ginawang chain of command is, the President, Allan Purisima and Gen. Napenas. That is the chain of command—binypass yung the command structure ng PNP at yan ang ginawang sarili na chain of command ng Pangulo.

So balik tayo dun. Kasi, dahil nga sa pagbalewala sa command structure ng PNP at sa pag-depend nya kay Allan Purisima, kina Gen Napenas, bakit nya ginawa yun? Ngayon sinasabi nya na pareho silang nagsinungaling sa kanya, e kaya nga nagkaproblema. Pero nagkaproblema dahil binypass nya yung command structure.

Again the question remains: bakit nya binypass yung command structure? At dahil sa pag-bypass nya dun sa command structure ng PNP kaya nagkagulo-gulo. Dahil sinasabi, nagkagulo-gulo, hindi nag-coordinate, nagsinungaling, etc.

Siguro kung ginamit yung standard na command structure ng PNP baka naman hindi nangyari ito dahil may mga procedures na sinusundan para hindi mangyari, kung magkamali, magsinungaling, kung hindi makapagkontak ang isang opisyal, ay nandyan ang proseso, nandyan ang sistema na matibay na kahit magkamali ang isang tao ay magiging matagumpay pa rin ang mission, ang operation.

So that question remains. Because he bypassed the entire command structure, and depended only on this line of command, from the President, to Purisima, to Napenas, dyan nagkaproblema. Now he’s saying that they both lied to him. But that was the weakness of bypassing—kaya na nga hindi dapat binypass ang command structure, dahil magkamali lang yung ilang tao nagkagulo-gulo na, and that is what happened.

Q: So it’s wrong for the President to blame Napenas and Purisima lang—he should blame himself pala?

Sen. Bongbong: Well, it was his decision to only go to Purisima and Napenas—that was a command decision. He did not go through Espina, he did not go through the entire command structure of the PNP. That is already been identified as the source of the problems, kaya’t lack of coordination.

Now, we’re hearing that the command structure, the alternative, informal chain of command na ginawa ng Pangulo was a failure, because both of these people lied to him. So now we have to study that and see kung anong implication ng lahat.

Q: So makakagulo ba ito sir dun sa committee report ng Senate?

Sen. Bongbong: Nakakagulo. E siguro kailangan tingnan ngayon natin kung ano yung assertion ng Pangulo. What is he saying? Ano ba talaga ang pagsinungaling? Ano yung sinungaling na sinabi sa kanya, ano yung pagkakamali, or whatever? We still have to look into it in more detail. Dahil dun sa kanyang sinabi, dahil very general lang yung sinabi nya sa House, at saka sinabi nya sa families, ay nagsinungaling si Gen. Purisima. Ngayon ang bago nyang sinasabi nagsinungaling naman daw si Gen. Napenas.

Q: So somehow sir successful si President sa pag-impluwensya dun sa palabas na committee report? Because supposedly malinaw na sa inyo and then now you have to re-check since iba yung assertion nya?

Sen. Bongbong: That is up to the chairman kung ano yung gagawin nya. But for my own personal reaction ang masasabi ko ay kailangan nating pag-aralan yung kanyang sinasabi. How does this fit in with all of the other things that we have been hearing?

Q: Kailangan ng another hearing sir?

Sen. Bongbong: I don’t know if it will require another hearing. But we have to get some details behind this new statement from the President.

Q: Pero sir kahapon ang idinidiin lang po, Napenas, Purisima sir not much. Hindi naman nya sinabi in public that Purisima lied to him?

Sen. Bongbong: Yeah, but lumabas yung report na yun ang kanyang sinabi dun sa House, yun ang kanyang sinabi sa families. So, again, what was the lie? And now, Gen. Napenas, what was his lie? Bagong line of argument itong kanyang binuksan, ay kailangan nating pag-aralan.

Q: But for now sir, hindi aligned yung sinasabi ni Presidente dun sa picture na na-create ninyo sa Senate inquiry? Sinasabi nyo sir kanina sir lumabas sa executive session na hindi naman si Napenas yung….?

Sen. Bongbong: Well, yung mga report naman dun sa text message, yung mga report na mga ibinibigay, ay wala naman kaming nakitang glaring—na halatang-halatang pagsisinungaling. That it why it is imperative at this point, kailangan nating malaman, ano yung tinutukoy ng Pangulo. Nung sinabi nya na nagsinungaling si Allan Purisima, ano yung sinungaling nya? Nagsinungaling si Napenas—ano yung naging sinungaling ni Gen. Napenas? What exactly is he referring to?

Q: Sir sign ba ng weakness ng leadership ni Pnoy, kasi he admitted na Napenas fooled him, na nagawa syang lokohin? Nag-uto sya? Nabola?

Sen. Bongbong: Nabola. Hindi natin maiwasan na yun ang naging resulta sa paggamit nya ng alternative or informal na chain of command. Dahil kung yung buong command structure ang ginamit nya, kahit na isa o dalawa nagkamali or nagsinungaling, hindi pa rin ganito ang mangyayari, hindi pa rin magkakaroon ng ganitong massacre, hindi magkakaroon ng 44 na patay.

Q: Sir, as such, papano tayo kukuha ng accountability sa Pangulo?

Sen. Bongbong: We’ll just have to wait for him to explain exactly what he meant. Otherwise hindi talaga magiging maliwanag. Ang katotohanan nito, the chain of events sa Mamasapano and what led to the massacre of the 44 SAF, we more or less already had a good idea kung anong nangyari. Bago na naman ito. So imbes na nagbigay ng liwanag e nagpalabo ngayon ito ng sitwasyon, so we will just have to continue studying it.

Q: So mas makaka-delay ba ito ng resumption sa hearing ng BBL?

Sen. Bongbong: Something that we have to study. Besides nade-delay na nga lahat ng mga report galing sa PNP at saka sa MNLF, so inaantay pa natin yun. I don’t know, hindi ko lang alam how the Chairman, si Sen. Grace, will choose to handle this new information na ibinigay ng Pangulo. But I believe it should be incorporated in the committee report, so kailangan na ngayong balikan.

How we will get the explanation—because the President enjoys executive privilege—papano ngayon natin makukuha sa kanya yung paliwanag kung ano yung pagsisinungaling sa kanya ng dalawang general that is another question.

Q: Sir, ano to, wrong judgement or wrong choice of friends?

Sen. Bongbong: Wrong choice of procedure.

Q: Sir, what’s your take on the party list Ridon’s statement that the President is a congenital liar?

Sen. Bongbong: I’ll reserve judgement on that statement. Again, we will just have to re-examine the details.

Back to Blog