Transcript: Ambush interview at Senate

(If the media player does not load, you may listen to the interview here.)

Sen. Bongbong: The chairman of the MILF panel has chosen not to attend any of our hearings so far. Yesterday gusto ko sanang hilingin magpaliwanag kayo ano ang ibig sabihin nyan. Kaya tinatanong ko nagge-giyera pa ba tayo o talagang we are at the ceasefire. So what does it mean…kaya nga not helpful na hindi pumupunta dito si Chairman Iqbal para magtestify sa mga hearings. But again it sounds to me like…kasi sinasabi the MILF was formed as a revolutionary organization. And it was formed as a revolutionary organization to fight the government…and secessionist movement. Ang sinasabi, my reading is that pareho pa rin. They are still of the same status, they are still of the same nature. So they are still fighting the government to force secession. Baka naman nagkakamali ako sa interpretation ko kaya sana nga andyan si Chairman Iqbal to explain talaga. I think I can say the majority, not all the senators, seem to agree with me that they maintain they war-like or belligerent stance which was part of the organization of the MILF.

Q: This statement of the MILF, lalong malabo ang resumption ng hearing sa BBL?

Sen. Bongbong: Wala naman sigurong effect sa re-scheduling ng hearing, pero ang effect nyan wala na ngang tiwala ang taumbayan sa proseso ng kapayapaan. To issue this provocative statement was totally unnecessary, it doesn’t help the peace process at all. So sana hindi na nangyari yan, sana nagpaliwanag na lang ang chairman kung bakit hindi siya nakarating, that would have been sufficient. This is extremely provocative. Eh marami na nga umaayaw sa BBL eh papano ngayon natin ipagpapatuloy ang peace process kung parang nanduduro pa. it just wasn’t helpful and it would have been better kung andito sana si Chairman Iqbal o ang kanyang official na representative, eh maganda sana kung andun siya para makapagpaliwanag kung ano ba talaga ang kahulugan ng kanyany statement. Pero hindi we just have to make our own interpretation, eh mukhang unanimous ang lahat na ganun talaga ang interpretation dun sa sulat na binasa sa hearing kahapon.

Q: Kayo po na nagi-give na sa BBL?

Sen. Bongbong: Ako? Delikado talaga ang status ng BBL…pero ang pananaw ko sa aking role dito ay indi lamang sa BBL kundi peace process. I have not given up on the peace process.

Q: According to Sen. Escudero with the present form of BBL at kung ngayon magbobotohan malamang daw mabasura ang BBL?

Sen. Bongbong: Totoo yan both houses pag nagbotohan ngayon. And I dare say not only this version pero baka kahit anong version kasi maiinit ang…syempre emotions are running high and it is against the MILF because of the atrocities committed against our policemen

Q: Sir while suspended ang hearings dito sa House tuluy-tuloy sa House sabi daw ni Seaker Belmonte madedelay lang pero ipapasa nila. Does that somehow pressure the Senate na i-go na?

Sen. Bongbong: Iba yung nabasa ko, ang nabasa ko sabi ni Speaker BBL is dying. Yun ang kanyang statement na nabasa ko kahapon yata yun. At syempre kausap ko ang ating counterparts sa House at ganun din ang kanilang assessment. Ang assessment nila kahit anong klaseng BBL ang isalang ngayon pag binoto yan talo yan, hindi makakalusot.

Q: So BBL is dying na talaga sir?

Sen. Bongbong: I don’t know about dying, but it is in a coma.

Q: Sir why in a coma?

Sen. Bongbong: Dahil tigil lahat eh. All the legislative process has been stopped.

Q: Who can be blamed?

Sen. Bongbong: Itong Mamasapano, ver clearly. Dahil everybody…maaalala nyo yung BBL tayu-tayong lang ang nag-uusap tungkol dyan eh, ngayon buong bansa pinaguusapan ang BBL, pinaguuspan ang peace process, pinaguusapan ang MILF. The general sentiment eh dahil nga out of sympathy with our policemen, eh bakit natin itutuloy yan eh yung ka-negotiate natin eh ganito ang ginagawa. Kaya thats something that we have to regain that trust of the people kasi kahit na suportado ng mga legislator kung ayaw ng taumbayan eh hindi magsa-succeed yan.

Q: Sir why get the explanation pa ni Iqbal about the revolutionary, dib a malabong usapan nay an na nasa gitna kayo ng peace process they are revolutionary…?

Sen. Bongbong: Ang pagbasa ko Malabo talaga. Pero baka naman may iba silang ibig sabihin na hindi naman ganun kaprovocative. Sana andun sila para ipaliwanag sa atin.

Q: Sir dapat bang payagan ang executive session na hirit ni Iqbal?

Sen. Bongbong: Depende talaga dun sa kung ano ang paguusapan. Kung talagang sa mga state secret ang paguusapan, o mga operational details ang paguusapan on the government side, papayag naman siguro ang mga senador sa executive session. Pero hindi naman maaari na lahat ng testimony ng MILF is in executive session. That is the precise function of the public hearing is para maimpormahan ang publiko, public nga eh. Maimpormahan ang publiko kung ano talaga ang nagiging proseso, hindi lang sa BBL pero sa lahat ng batas, lahat ng imbestigasyon kung ano ang proseso na isinasagawa ditto sa Senado.

Q: Sir have you seen the video?

Sen. Bongbong: The latest? It is such a gruesome, horrible piece of video that I still cannot process it. Thank you.

Back to Blog