Ambush interview after Senate Session

mbush interview after Blue Ribbon Sub-committee Hearing on overpriced Makati City Hall building

Q: Malinaw na ba sa inyo kung ano ang na-report kay President?

Sen. Bongbong: Ang sinabi ba ay nakuha na si Marwan o yun lang? O may enkwentro na maliit lang na firefight o kung talagang malaking problema dahila namamatayan na yung SAF? Di yung degrees of urgency parang hindi maliwanag kung papano ang pagka report kay Pangulo.

That’s why balik na naman tayo sa dati na panawagan na sana si Pangulong Aquino na ang magsabi sa atin para maging maliwanag na kung ano ba talaga ang pangyayari. At lahat ng impormasyon, mga kontak, yung mga communication sa Pangulo ay nakukuha lang natin second hand e. Mas maganda sana para maging maliwanag na at patapos na tayo dun sa inquiry ay pwede na natin isara yung inquiry pagka maliwanag na talaga kung ano ang impormasyon na ibinigay kay Pangulong Aquino at kung ano ang naging instruction niya sa kanyang mga commander.

Q: Sa tinging nyo ba sir there was like an effort to clear the President…?

Sen. Bongbong: Hindi pa rin dahil hindi maliwanag—it’s not yet clear. The best way for the President’s actions to be cleared is for him to come and say what exactly happened. If he performed his functions as Commander- inchief then that is it, that will be the end of that line of inquiry. Kayat sa aking pananaw iyan ang pinakamainam na gagawin ng Pangulo.

Q: Sir, to the other senators it seems the President was misinformed about the artillery support, things like that. At this point do you think that is the conclusion that we can get?

Sen. Bongbong: Ako hindi ganun ang conclusion ko. Dahil ang sinabi that the artillery and mechanized assets were made available. Pag sinabing “made available” hindi yan ibig sabihin na pinalabas na. Sinabi meron ako ditong asset na pwede ninyong gamitin. That is what “made available means”. So that doesn’t really clarify the picture completely.

Q: So kulang pa sir?

Sen. Bongbong: Oo.

Q: Snator yung House of Representatives naglabas na ng bagong target date for June 11 daw sir. Do you think that is a reasonable schedule for us also in the Senate?

Sen. Bongbong: In the Senate? It all depends kung kailan tayo magsimula ulit. As you remember meron pa ngang hearing na dapat gagawin sa Zamboanga at saka sa Jolo. At dahil nga sa Mamasapano incident meron pang karagdagang isa o dalawang hearing dito sa Senado. Pero ang mga hearing ay maaring gawin kahit recess e. Ayokong mag –predict dahil the last time I predicted the timetable mali-mali, nasira yung buong timetable, kaya ayaw ko na.

Pero again, the Senate inquiry parang marami na tayong nalalaman—kulang pa ng konti kaya sa susunod na hearing tanong natin yung sa coordinating process, yun ang talagang pinupuntirya ko e. Yung coordinating processs between our forces and the MILF, ba’t napakatagal bago nagkaron ng ceasefire mula nung inimpormahan ang MILF na gobyerno ang kanilang kinakalaban. I want to clarify that. Pag nalaman natin kung bakit napakabagal ang response, ano ngayon ang dapat nating gawin para sa susunod kung meron mang kailangan na coordination, instead of hours minutes ang magiging usapan.

Q: Sir to clarify, sa ‘yo ba cleared na yung President of any liability at this point, or that’s not yet clear…?

Sen. Bongbong: It’s not yet clear exactly what happened. Hindi pa maliwanag kung nung unang inireport sa kanya na me enkwentro ano ang inireport sa kanya? At sya mismo ang nagsabi dun sa mga families sabi nya na buong araw nakakatanggap sya ng mga report. Ano ngayon yung mga report na yun? Yun ang kailangan nating malaman at sa ngayon hindi pa natin nakikita, hindi pa nasasabi ng ating mga resource persons exactly kung ano ang sinabi, ano yung report nila? Me report na ganitong oras, galing sa ganitong commander—ano yung report na yun, anong nakalagay na verbatim dun sa mga report na yun.

Kaya siguro yung aming pagkolekta ng mga text message sa iba’t-ibang mga commander ay siguro tatagpi-tagpiin namin—bubuuin namin para malaman kung ano ba talaga ang naging series of report  na tinanggap ng Pangulo.

But again we still need—kahit na makuha natin yung series of text messages—kailangan nating malaman kung ano ngayon ang inutos nya, anong sinabi nya: na eto ang gagawin, ganyan ang gagawin—kung anuman.  Because, I’m sure alam nya ang sitwasyon, kung ano yung inutos nya. Alam naman natin ang naging resulta, hindi nangyari yung reinforcement—yun ngayon ang kailangan nating malaman saan tayo nagkaproblema.

Back to Blog