Ambush interview: Diamond Hotel

bongbong marcos diamond hotel KAPIHAN 08

Q: Sir ano po yung magiging epekto nung hindi pagkakatugma-tugma nung oras nung pag-inform kay Presidente, anong effect nun sir?

Sen. Bongbong: Ibig sabihin hangga’t malaman talaga natin kung ano ba yun ay hindi makukumpleto ang ating kaalaman tungkol sa nangyari sa Mamasapano. Ngunit dahan dahan…kahit na nung sa hearing nung sa…kailan ba yun? Martes…sa Senado at tinanong nga namin ang lahat ating mga resource persons sino ba talaga ang unang nagbalita kay Pangulong Aquino.

Kataka-taka na nagtinginan lang sila at parang lahat ng commander ng military at saka ng pulis at saka lahat ng civilian officials e walang makapagsabi o ayaw magsabi kung sino ang unang…Dahil ang susunod na tanong anong inutos nya, nung nabalitaan ni Pangulong Aquino na nagkakaroon na ng barilan, engkwentro, at nagkakaroon na ng casualties ay anong inutos nya? Yun ang kailangan nating malaman.

Ngayon may mga report na nagpakita na nung speech ng Pangulo, sinabi nya nung umaga pa lang nung Linggo ay alam na niya ang mga pangyayari. Kaya, kagaya ng sinasabi mo hindi tumutugma, siguro ang pinakamadaling solusyon dyan sabihin na lang ng Pangulo kung ano ba talaga ang kanyang parte dito, kung ano ba talaga, saan sya…ano, san sya, sa planning, saan sya sa implementation, ano yung mga order nya nung nagka-encounter na. Dahil sya lang naman ang nakakaalam ng lahat dahil me access sya sa information ng pulis, me access sya sa information ng AFP at alam nya kung ano yung ginawa nya, anong nangyari nung siya’y nasa Zamboanga. So that would be the easiest way na maging maliwanag lahat itong mga tinatanong ng lahat.

Q: Sir, sa Manila Times report sinabi daw po ni Sec. Deles na SAF should be held liable dun sa nangyari sa Mamasapano, during your conversation was there really an issue about it?

BBM: I don’t want to put words into Sec. Deles’ mouth. The audio speaks for itself. Kung sinabi nya, sinabi nya. Kung hindi…I haven’t gone through it in detail. But kung talagang nasabi nya e di nasabi nya. There’s no need to argue about it. So we’ll just have to go through it in detail kung talaga nyang sinabi yun.

Again, parang we were…parang ang usapan lang naman dun e ano ba talaga ang gagawin natin ngayon? Ano bang mga pwedeng….ano ang options natin? What options are available to us para matuloy ang peace process? So, I think the best answer to your question would be pakinggan natin ng mabuti yung audio. Mukha naman daw buo dahil walang putol e, sabi nung mga nag-analyze ng audio mukhang walang putol. So kung ano yung nandun sa audio, yun ang pinag-usapan namin.

Q: Senador kasama ba sa kondisyon ninyo or ng committee or ng Senado na magpaliwanag si Presidente kung gusto niyang magtuloy-tuloy ang BBL? Or kaya bang tumuloy-tuloy ng BBL without the President explaining himself and his role?

Sen. Bongbong: Ganito na lang: kailangang malaman natin ang katotohanan para maituloy ang BBL. Ngayon ang pinakamadali na paraan, sa pananaw ko, ang pinakamadaling paraan ay sabihin ng Pangulo lahat ng alam nya, lahat ng partisipasyon nya, kung sinong kausap nya, anong oras, etc., anong order nya. Kung wala tayong nakukuha kay Pangulo we will have to find those facts out from other sources.

But the point is, it’s not what the President will and will not do. It is finding the facts. Yun ang key element. Wala tayong sinasabi na kung hindi mo gawin ito hindi namin itutuloy. Walang ganyanan, we are not doing anything like that. Ang sinasabi ko lang ang pinakamabilis at pinaka madali at pinaka-credible na paraan ay magsabi sya kung ano, detalyadong narrative, detalyadong timeline, anong oras nangyari ito, anong nangyari, anong order nya, sinong kausap niya, etc. etc.

Q: Wala man lang ho bang backdoor, or how about through the mechanism of LEDAC for example, yung have you heard anything from Malacanang trying to explain itself to the committee, sa kanilang liaison for example, para lang masagot yung mga tanong po ninyo sa committee?

Sen. Bongbong: Wala pa, because ang aming proseso ay dun nga sa mga public hearings including the executive session that we held last Wednesday. So ang ano natin is that…ahh…yun lang it’s just again, so far no, there has not been any informal na paliwanag in that case. But even then, truth is…sa katotohanan lamang hindi maaaring informal e, kailangan talagang maliwanag na formal: eto ang aming salaysay, eto ang nangyari, eto ang naging partisipasyon, eto ang naging order, ganitong oras, sa ganitong tao, sa ganitong opisyal etc. etc. Because an unofficial…hindi namin ilalagay sa record yan e, so hindi pwedeng pagbasehan ng mga desisyon na gagawin namin.

Q: Senator you are one of the many who suggested this line of argument, for the President to appear. But what if he really stonewalls, ayaw nya talaga mag-appear? Are there ways for him to be compelled to testify?

Sen. Bongbong: Well the President enjoys executive privilege so we cannot force him in any way, because we are co-equal branches of government. But there are other sources of information. As we have seen for example, hindi nga makapagsagot ang mga opisyal kung sinong unang nagbalita kay Pangulong Aquino na nagkaka-casualty na ang SAF. Pero sa kanyang sariling salita sinabi nya na alam na raw nya ang resulta nung kay Marwan nung Linggo ng umagang maaga. At habang buong araw yung mga report ay na dumardating sa kanya. So from his own words we can construe and surmise many things.

But again the easiest and the clearest and the most credible would be a narrative from the President as to what his involvement was and how he interacted with the officers of the AFP, with the officers of the PNP, and with the civilian authorities that were all with him—kasama nya lahat ito dun sa Zamboanga e. So mahirap paniwalaan na yung unang pagkakataon na napag-usapan nila yung Mamasapano ay alas-singko na ng hapon ng mag-briefing. And even the words of the President seem to belie this.

So, that’s why there’s confusion. And we have to remove that confusion and really once and for all find out what happened, what are the facts?

Q: Wala ho bang timeline yung imbestigasyon ng Senado?

Sen. Bongbong: I think patapos na ang imbestigasyon ng Senado. I don’t know kung magkakaroon pa ng isang hearing. I had expected there to be another hearing today, this afternoon pero mukhang hindi na matutuloy. Siguro ang susunod na lang dun is the committee report already.

Q: Sir, last na lang po, reaksyon nyo lang po kasi me mga reports from Maguindanao provincial police na me mga nag-surrender na raw po ng Kevlar, ng bullet proof, they started surrendering these things. Anong take nyo po roon, will this improve the situation?

Sen. Bongbong: Yes, it is one of the suggestions that I had made very early on—what I called a confidence-buiding measure—maibalik lahat nung mga gamit. Para lang naman….it’s not because we need 44 firearms or 44 vests or 44 radios, it’s because it is a sign of good faith—and it is very important. Hopefully mapalitan ang pag-iisip ng BIFF yung kanilang sinabi wala silang ibabalik daw na gamit.

Sana naman kung sino man ang pinapakinggan ng mga BIFF that they should also make those gestures of good faith, kung hindi e wala nang katapusan itong laban na ito.

Q: Sir comment lang dun sa ano, dud yung mga grenades daw, grenade launcher ng mga SAF na ginamit?

Sen. Bongbong: Well delikado yan, because ang SAF natin is supposed to be one of the best equipped units in our police and military, amongst our uniformed services. Pero kung yan ang pinaka-the best na natin e mahirap naman, kawawa naman ang mga tropa natin, kawawa naman ang mga sundalo natin, sinasabak natin sila sa peligro pero hindi natin nabibigyan ng magandang gamit.

So, that would…we will….the logistics command would have to explain bakit tayo nagpapalakad ng tropa natin na yung equipment pala nila ay hindi effective. So that is again, lessons learned na naman yan para hindi na maulit ito. Alright? Thank you.

Q: Sir isang question. Without a narrative from the President how else could we compel him or the rest to answer that?

Sen. Bongbong: There is no way to compel him but we can find out the information from other sources. Like I said kahit na nga yung mga opisyal hindi makapag-sagot nung hearing namin kung sinong unang nagsabi, ay yung sa speech ng Pangulo mismo ay sinabi nya umaga ng Sunday alam na nya ang resulta at yung mga report tungkol nga sa operation na ito ay dahan-dahang dumarating buong araw. So there are other ways to do it.

Q: Sir, will you be in favor of palakasin na lang ang ARMM kaysa sa Bangsamoro?

Sen. Bongbong: Maraming nag-suggest nyan, pagandahin na lang yung ARMM. But you see the ARMM was the political result of negotiation with the MNLF, not the MILF. So we are not taking into account kung ano yung mga pangangailangan, pagkukulang ng gobyerno sa MILF. So, that’s why it may be addressing the wrong problem.

Q: So what do you propose sir kung sakaling hindi matuloy yung BBL?

Sen. Bongbong: Whatever it is we just have to continue the peace process. We are still hoping that the BBL will….we can write a good Bangsamoro Basic Law and that we will be able to pass it. So ganun pa rin ang layunin naming lahat.

Q: Sir meron pa ring isang position e, bakit na lang hindi na lang daw yung mga Sultanate na lang daw ang gawing head ng Bangsamoro peace process kasi sila mismo nakakaalam daw yung mga succession, yung mga clan nila meron silang full record, are you in favor of that?

Sen. Bongbong: Well, lumabas yan sa mga hearing, bakit hindi kasama ang mga sultanate at saka mga Imam sa naging usapan. So maybe now it’s the time that we can start to include their…to listen to them…and include some of their suggestions to the BBL. Because they have made—marami akong natatanggap na position papers galing sa mga sultanates. In fact we had a scheduled hearing the Tuesday after, the Tuesday after Mamasapano, and that was to include the Imams and the sultanate representatives—in fact nakarating na sila sa Maynila pero hindi na namin itinuloy dahil sa nangyari.
So maybe…again that’s why I keep using the phrase ‘it’s time to take a step back’, wag nating iniisip BBL lamang; isipin natin lahat ng pamamaraan na kailangang gawin para magkaroon ng kapayapaan.

Q: Sir yung the reported involvement of the US, does that raise any issue of sovereignty?

Sen. Bongbong: I don’t want to speculate on that. Let us find out…again, the facts are the ones that will tell us what the situation truly is, dahil hindi talaga maliwanag kung ano ba talagang involvement ng US. Alam ko yung US tumutulong sa training, pag-provide ng equipment, at pag-provide ng intelligence. Pero yung sinasabi nila na Amerikano ang nagputol ng daliri…parang yung lahat ng narinig namin does not seem to coincide with what we have heard.

Q: Sir me nagsasabi, o lahat halos nagsasabi na MILF is a rebel group; hanggang ngayon sinasabi nila na revolutionary group pa rin sila. Hindi ba kayo nakakakita na na-aaggravate yung situation kasi bakit dun nakapag-ano sina Sec. Deles dun sa MILF e marami pa, me Bangsamoro, me BIFF, may MNLF…

Sen. Bongbong: Well…yun na nga, that’s why I said it’s time to take a step back and watch this, look at this from a larger perpective, not just BBL but from a larger perspective.

Back to Blog