Ambush interview after Blue Ribbon Sub-committee Hearing on overpriced Makati City Hall building

mbush interview after Blue Ribbon Sub-committee Hearing on overpriced Makati City Hall building

Q: Dun ho sa BBL, may statement po ang MILF, the original version of the BBL or nothing, what’s your take on that sir?

Sen. Bongbong: I believe yun ang gusto nila. Pero hindi naman kami mapipigilan bilang legislators sa House of Representatives at saka dito sa Senado na kailangan naming gawin ang trabaho namin. We cannot just rubber stamp the draft BBL as it has been given us. Kailangan naming pag-aralan, kailangan naming tingnan lalo na yung mga problema or yung mga hindi maliwanag sa draft BBL.

Marami area na hindi talaga maliwanag dahil iniwan nila talagang open yun dahil ang Congress ang maglalagay ng detalye. And that is exactly the process that we are undertaking right now. I will use the three test that I have applied to the draft BBL. We cannot abandon our function to make sure that at the very least, hopefully more but at the very least, that any bill we pass in Congress is legal, is constitutional and is enforceable. Those are the same three test that we will apply to the Bangsamoro Basic Law.

I hope that the MILF is open-minded and is a little flexible in those terms. Hindi naman spurious yung mga ginagawa naming pagbago, hindi naman namin basta’t binabago dahil gusto namin. Binabago namin kung meron man kaming papalitan, o aamyendahan, o idadagdag o babawasan, e ginagawa namin yun dahil sa aming pananaw ay iyan ang pinakamagandang gagawin para maging matibay at maganda at effective itong batas na ito. Huwag nating makakalimutan na ang layunin ng Bangsamoro Basic Law ay ang kapayapaan sa Muslim Mindanao—yan ang ating iniisip.

At para naman itong layunin na ito ay makamtan natin, ginagawa natin ang Bangsamoro Basic Law—yung pinakamaganda at pinakamatibay na kaya nating gawin—para sa wakas ay makita na natin ang kapayapaan sa Muslim Mindanao.

Q: Sir sabi nyo may mga certain provisions na malabo?

Sen. Bongbong: Hindi naman sa malabo, that has been left silent, I think is the legal terminology for it. It has been left silent. Tinatanong ko nga sa aking mga counterpart sa House of Representatives, at saka sa Executive, papano ito bakit hindi nalagyan ng detalye? At sinabi nga nila, yan ang trabaho ng Congress. Kaya’t gagawin ng Congress ang trabaho namin para maging maliwanag lahat ng aspeto nitong Bangsamoro Basic Law.

Q: May mga changes na tayong makikita sir from the original version na sa tingin natin kailangan nang baguhin?

Sen. Bongbong: Unang-una kailangang liwanagin kung ano ang mga gagawin sa constitutional bodies. Kasi sa original na version me sariling COA ang Bangsamoro, me sariling Comelec, me sariling Civil Service. Hindi maaari yun sa constitution natin. Hindi maaari yun dahil they are constitutional bodies, hindi pwedeng bawasan ang kanilang functions, hindi pwedeng bawasan ang kanilang poder. Pati na yung Ombudsman’s Office ay nagbigay ng position paper na hindi rin pwede na magkaroon ng Ombudsman na sarili ang Bangsamoro dahil ito ay constitutional body also at hindi nga pwedeng bawasan ang kanyang poder.

Yung administration, yun ang pinoproblema ko na talagang palagay ko ay napakahirap gawin, ay kung papano ang administration ng mga barangay at bayan at lungsod na hiwalay sa core territory na gustong sumama sa Bangsamoro.

Papano ngayon ang gagawin sa kanila, anong administration? Saan sila kukuha ng IRA, sino ang mag-aadminister, sino ang mother municipality or mother province nila? Yung bagay na yun hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin namin.

Yung provision na pwedeng sumama ang isang LGU sa Bangsamoro territory ang pangangailangan lamang ay yung 10 percent signatures of the voting population o kung hindi ay isang resolution sa kanilang Sanggunian ay pwede nang magkaroon ng plebisito para sumama sa Bangsamoro territory. Unang-una, ito ba ay may time table? Eto hanggang for the next 5 years pwedeng gawin ito, hanggang for the next 10 years?

Ang tanong na yan ay mahalaga at kailangang sagutin dahil ang mother LGU, halimbawa bayan, sinasabi kung aalis naman sa amin itong bayan namin na ito e di hindi na namin aasikasuhin muna. Dahil lahat ng gagawin namin—aayusin natin, pagagandahin namin ang bayan—e iiwanan din naman ang probinsya. So papano ang gagawin namin? So kung me timetable, kung me deadline.

Tapos ang tanong din, kung pwedeng sumama pwede bang umalis? Wala namang mekanismong sinasabi ang BBL na umalis. So ang usapan namin sa aming counterpart sa House, dahil masyadong maraming tanong pa, ay tanggalin na natin yung provision na yun. Basta kung ano ang manalo sa plebisito na gustong sumama sa Bangsamoro ay yun na lang ang magiging Bangsamoro core territory.

Marami pang question, beyond the constitutional issues. And then of course, we are still waiting for the final conclusion dito sa Mamasapano massacre. And we still have to found out more facts. Sinasabi ko lagi, nawala ang tiwala ng taong bayan sa proseso; nawalan ng tiwala ang taong bayan sa MILF. Kaya’t siguro kailangan dahan-dahay ay i-restore natin yang tiwala na yan—and that is really the main problem that we are facing right now.

Q: Senator some firearms were returned already this morning, would you like to react on that. Sinasabi rin ng MILF, inaamin nila na hindi pa lahat yun?

Sen. Bongbong: As far as I know 16 yata ang naibalik. Yung problema nga yata dyan ay dahil yung iba hindi malaman kung sinong nakakuha, kung BIFF or yung ibang private armed groups kung tawagin. Ang BIFF nagsabi na na talagang hindi nila ibabalik. Hindi naman kasi sila kasama sa ceasefire, hindi naman sila kasali sa peace agreement kaya’t I suppose they feel no compulsion to return it.

Of course, we’ll just have to see what the MILF can do. As long as it is clear—basta’s maliwanag naman na best effort ang MILF, di we will have to take that for what it is.

Q: The OPAPP sir said it was a clear gesture of goodwill. As far as your committee is concerned sir, anong level yun makakatulong sa kumpyansa nyo sa kanila?

Sen. Bongbong: Sinasabi namin, matagal na naming sinasabi. But alam ninyo yung tatlong linggo na nag-antay, kung gesture of goodwill siguro baka the next day, one day later, three days later siguro naibalik kaagad.

But anyway I suppose it’s a step—it’s something, kasi yan ang pinapayo ko sa kanila:

Sinasabi ko nga, ito yung pinakamadali: ibalik nyo yung gamit ng mga namatay na pulis. At least this is one step, so okay that’s good. But there are many other steps that need to be undertaken both from the MILF side and the government side. On the government side, hindi pa maliwanag talaga lahat yung pinag-uusapan na chain of command. Meron na tayong alam tungkol sa mga detalye ng operation. Pero yung mga nangyayari sa taas, on the command level, ay hindi pa masyadong maliwanag.

Q: Senator may mga US document daw na nagpapatunay—sabi sa mga reports—na itinago ng MILF itong si Marwan?

Sen. Bongbong: Meron nga, nakita ko lahat yun.

Q: If that’s true makakaapekto ba ito sa BBL?

Sen. Bongbong: Maliwanag, because that is a violation of the ceasefire agreement. The ceasefire agreement clearly states that kailangan pagka merong mga kriminal, me terrorista na wanted—kailangan ang MILF ay tutulong sa gobyerno na maaresto itong mga ito. And that is precisely what happened- the SAF members were going to serve a warrant of arrest against Marwan and Usman

Back to Blog