Teacher’s Convention in Lucena City

Higit sa lahat, ang ating TOTOONG mga panauhing pandangal sa umagang ito: ang mga mahal at magigiting nating mga guro ng ating bayan dito sa dako ng Quezon!

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Maraming salamat po, lalo na sa pamahalaang lalawigan ng Quezon, sa pamumuno ni Gov. Suarez, sa pagkumbida ninyo sa inyong kapwa-lingkodbayan upang makasama kayo sa umagang ito.

Lalo pa tayong mapalad na naririto at kasama natin si Bb. Sabrina Ongkiko, na kinikilala bilang “Teacher Sabsy”, hindi lamang sa kanyang mga mag-aaral, kundi pati na rin sa buong bansa, bilang isang huwaran ng wagas na pangarap, dalisay na intensiyon, at tunay na serbisyo sa bayan.

Malaking karangalan sa akin ang makasama ko sa pagtitipon na ito, Teacher Sab! You truly live and embody the ideal of “coming down from the hill, and serving the world” your brothers and sisters and your country—true to the meaning of the words of your alma mater song!

Sana ay patuloy mo pang mapalawig sa lahat ng mga pampublikong guro sa buong bansa ang iyong mensahe ng pagtatayo at pag-asa sa ating pampublikong edukasyon!

Napaka-interesanteng pagnilayan na ang mensahe ng pag-asang ito na dala-dala ni Teacher Sabsy ay sumasabay sa panahon ng pagpapatupad ng bagong programa na K+12 at mga pagsubok na kinahaharap nito.

We are all aware that by next school year, the maiden batch of Senior High School 1 (Grade 11) is set to roll out nationwide. And by the following year, the same batch will progress to Senior High School 2 (Grade 12), with the rest of the studentry leveling up accordingly—thus, finally consummating the implementation of our K+12 program.

Now, just as the program is nearing the completion of its initial trial run, the crescendo of complaints and criticisms about the K12 system has culminated even in petitions before the Supreme Court to suspend its implementation, with some even going further as to declare it unconstitutional. In my latest count, there are now six (6) petitions pending before the High Court.

I voted in favor of R.A. 10533 the “Enhanced Basic Education Act”, because I believed in its purpose, and also recognized the need to upgrade our so-called “pre-university” educational system. This was to ensure as much as possible the widest propagation of the highest quality of education, to the most number of our youth who are enrolled in our schools. Because based on statistics, the number of students alarmingly dwindles as you go up the educational ladder. Pinakamarami talaga ang bilang ng mga estudyante sa mga mas mabababang baitang. Bukod sa ito ay ang “international standard”, mahalagang dagdagan pa ng dalawang (2) taon ang high school, para ito na rin ang magsisilbi na akmang pagsasanay para gawin mas lalong handa ang mga high school graduates para harapin ang tunay na mundo ng pagtatrabaho, kung sakali mang hindi na sila tutuloy pa ng kolehiyo.

However, the readiness and soundness of our entire educational infrastructure is a different story altogether. Ang tanong natin ngayon, is it capable of absorbing the multiple shocks attendant to this substantial upgrade? Kumbaga sa cellphone, kakayanin ba ng lumang cellphone natin ang pag-upgrade sa bagong software, at kaya ba nitong patakbuhin ang mga makabagong programs at mga appilacation?

And by our “educational system”, we are talking about ALL the stakeholders in the system: our schools, our teachers, our education materials, our students, and of course our parents.

At ngayon heto na nga, parating na ang kinatatakutang School Year 2016-2017, para sa napipintong pagpasok ng mga Senior High School 1. May mga nagsasabi na humigit-kumulang na walumpung-libong (80,000) guro sa kolehiyo ang mawawalan ng trabaho, dahil wala raw di-umanong mag-e-enrol sa first-year college.

May posibilidad nga namang mangyari ito, dahil ang mga 4th year high school ay aakyat muna ng Senior High School.

Sabi naman ng Malacañang: hindi naman! Masyado namang malaki ang 80,000! Mga eight thousand (8,000) lamang!

Pero anuman ang tamang bilang, ito ay pag-amin na mayroon talagang mga guro na maaapektuhan at posibleng mawalan ng trabaho. Bukod pa rito, bababa rin ang enrollment at ang kita ng mga kolehiyo at unibersidad.

At ang mga magulang ng mga mag-aaral naman, kaya ba nilang tustusan ang mga bagong gastos na dala ng karagdagang dalawang (2) taon sa high school? Maganda sana kung mapapababa ang mga gastos, at kung mas marami at mas madali ang government subsidy or scholarships sa mga pribadong edukasyon!

Moreover, we all know about the pre-existing shortages in our educational system. Ibig sabihin, bago pa man nagsimula ang K12, may mga kakulangan na. With this fundamental premise, it was crystal-clear to us in Congress that if we wanted the K-12 to succeed, we also had to simultaneously address all these essential infrastructural deficiencies, such as the shortages of classrooms and chairs. Most of all, we had to primarily address the perceived shortage in our teachers, both in their numbers and also in their competencies.

Huwag na huwag nating kalilimutan ang ating mga guro!

These were the reasons why Congress put in several safeguards and failsafe mechanisms in the law. First, the Congress has mandated the DepEd to report to Congress about the implementation of the law and results of its efforts to address the existing problems. Second, Congress formed an oversight committee to continuously monitor the K12 program of the DepEd. On the basis of these two (2) safeguards alone, Congress could intervene to readjust and fine-tune the K12 Law, or, if called for by extreme circumstances, to repeal or maybe take it away altogether!

And let us add to the whole mix the plenary power of Congress to approve and enact the government budget proposed by the President each year. The opening of Congress last July, highlighted by the President’s SONA, signals that it is budgeting time once again! And just a few days ago, I received the President’s proposed budget for the year 2016. It came as no surprise that the DepEd again has the lion’s share of the 3-trillion peso national budget proposal, with an allocation of 436.5 billion or 15% of the total budget.

Aking hihiramin ang palaging bukambibig ni Teacher Sabsy: ang konsepto ng “Return on Investment” sa edukasyon!

The budget process in Congress will be a good avenue for a face-to-face inquisition with the DepEd as to the real score about the implementation of the K12 law, and as to whether its strategies and efforts are really effective enough to address the problems and deficiencies encountered during these initial phases of implementation.

Sa harap po ninyong lahat, makakaasa po kayo na babantayan ko at titiyakin na ang malaking budget ng DepEd ay magagamit nang tama at makatarungan.

Kung may mataas na grades na inaasam-asam ang mga estudyante mula sa guro, meron ding mataas na “grades” na pinapangarap ang ating mga guro—ang mataas na “SALARY GRADES”! Ang mga napangakong mga items at upgraded salary grades ng mga guro ay dapat nang maibigay. Matagal nang nag aantay kayo mashado. Dagdag pa rito, ang mga premium contributions sa GSIS, SSS, Pag-Ibig, PhilHealth ay dapat palaging maayos, walang putol at walang anumang delay o backlog.

Dapat din ay malaki ang pondo para sa scholarship assistance at subsidy para sa pribadong edukasyon. Dapat din ay may nakalaan na para sa tinaguriang “Stabilization Fund” upang tulungan at maitawid ang mga guro na maaapektuhan ang mga trabaho dahilan ng Senior High School level.

At kung may “S.Y. 2016” o School Year 2016, meron din namang napipintong “E.Y. 2016” o Election Year 2016. Accordingly, the special allowances of our teachers with election assignments should be handsomely budgeted and timely delivered by Comelec. Na ibig sabihin, hindi lamang “T.Y.” ang ibibigay, ibig sabihin ay “Thank You” o “Tinapay for You”! Babantayan po natin itong mabuti sa budget ng Comelec na maitiyak na makarating ng tamang at mabilis sa ating mga guro na maraming ginagawa at maraming itinutulong bukod sa kanilang trabaho na nag tuturo sa ating mga kabataan.

At national budget pa lamang ‘yan, mga mahal kong mga guro! Siyempre, katuwang din natin ang lokal na pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaangat ng buhay ng ating mga guro. Bilang Chairman ng Senate Committee on Local Government, patuloy akong nakikipagsangguni sa mga local na pamahalaan.

Sabay ng aking paniniwala na kailangan pagandahin ang ating programa ng edukasyon, naninindigan din ako na mas maigting dapat ang suporta ng pamahalaan sa ating mga guro dahil sila ay sasalo sa malaking bahagi ng ating “Enhanced Basic Education” system.

Anuman ang mga problema at mga hinaing laban sa K12 program, ang ating mga guro pa rin ang siyang magiging pundasyon at mga haligi nito. Sila pa rin ang magtataguyod nito—kulang man ang mga classrooms; sa ilalim man ng puno ng mangga at sa ilalim ng init ng araw at malakas na ulan ang klase; 1 is to 100 man ang teacher-student ratio; ilan man ang shifts sa isang araw! Ganito man ang kalagayan, alam ko na makakaasa pa rin ang samabayanang Pilipino sa buong-pusong serbisyo ng ating mga guro!

Pero sana naman “exaggeration” lang ito! ‘Wag naman po sanang mangyari ang mga kaawa-awang sitwasyon na ‘yun!

Kaya naman po malaki ang maitutulong kung ang malaking budget ng DepEd ay talaga namang magagamit nang wasto upang solusyunan ang mga problema ng ating sistema.

Ang tema ng World Teachers Day noong 2014 ay “Invest in Teachers, Invest in the Future”. Ngayong 2015 naman ay “Empowering teachers, Building Sustainable Societies”. Sana ay hindi tayo magpaiwan ng panahon. Nasa “empowerment” na ang mga  ibang bansa, samantalang tayo ay baka hindi pa rin nakukumpleto ang “investment” natin sa ating mga guro!

Kailangan nating suportahan nang buong-buo ang ating mga guro para tiyakin na sila ay palaging magsusumikap na maging EPEKTIBO sa kanilang mahalagang tungkulin at serbisyo sa Pilipinas!

Dagdag pa doon, tiyakin natin na sila ay palaging may MALAKAS NA BOSES! At hindi lamang BOSES sa classroom at silid-aralan ang tinutukoy ko, kundi BOSES SA PAMAHALAAN AT SA LIPUNAN!

Lalo na tungkol sa mga benepisyo sa ilalim ng batas, tulad ng GSIS, SSS, Pag-IBIG, at iba pa. Nakakatanggap po ako sa aking opisina ng mga reklamo mula sa mga guro tungkol sa mga di-umanong “fake”, “fraudulent” o “ghost loans”. Nagulat na lamang sila sa computation ng kanilang retirement pay na meron pala silang di-umanong mga “outstanding loans”, na hindi niyo nalalaman, na sa katunayan ay hindi naman talagang kinuha. Pero sa record ng GSIS, may application, may pirma, at may encashment ng cheke.

Paano nangyari ‘yun? HIMALA! O baka may multo yata! Lumalabas na nandyan pa rin ang mga sindikato sa paligid, na nambibiktima ng kaawa-awang mga guro. Kawawa naman si Sir at Ma’am. Ang pera na dapat sana ay para sa retirement, ubos na. Nakulimbat na ng mga humahalakhak na manloloko at manggagantso!

Kaya mag-ingat po tayong mabuti. Palaging tiyakin na maayos ang inyong mga files at records sa DepEd, sa  GSIS, at sa lahat ng ating mga ahensya sa pamahalaan.

Asahan po ninyo, ako ay kasama ninyo sa pagbabantay at pangangalaga sa inyong mga interes at kapakanan. Patuloy ko pong isinusulong sa Senado ang aking mga pet bills na naglalayong itaas ang basic salary grades ng mga public school teachers; magtayo ng sistema ng “continuing education” para sa mga guro, at isang sistema ng pabahay sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan, lalong -lalo na sa mga guro.

Dumadalangin po ako na mabigyan ako ng sapat na pagkakataon upang maisakatuparan ang lahat ng mga ito.

Mula sa puso ng aking puso:

Maraming salamat po sa inyong pagtataya at sa inyon pagpupunyagi! Maraming salamat sa inyong pagtayo bilang mga pangalawang magulang ng ating kabataan! Higit sa lahat, maraming salamat sa inyong mahalagang serbisyo sa bayan!

Mabuhay po kayong lahat, mga mahal kong mga guro, sa lahat ng dako sa Pilipinas!

Mabuhay ang mga guro ng lalawigan ng Quezon!

Maraming salamat po at magandang umaga sa inyong lahat!

Back to Blog