#TayoAngBukas numero unong nag-trend sa Twitter Philippines

Tuwang-tuwa si Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa napakalaking suporta ka sa kanya mula sa mga netizen dahil sa pag-trend ng kanyang hashtag na #TayoAngBukas sa ikaunang pwesto sa Philippines Trends ng Twitter kahapon.

Ito’y naganap habang nangangampanya si Bongbong Marcos sa Mindanao dala-dala ang kanyang Unity Caravan na may mensaheng pagkakaisa para sa isang progresibong bukas.

Sinuklian ni Marcos ang suporta mula sa mga netizen sa pamamagitan ng isang tweet na nagsasabing siya ay natutuwa na ang nasabing hashtag ay nanguna sa Twitter habang siya ay nasa Mindanao.

“Maraming salamat sa inyong pakikiisa sa pagpapaabot ng aking mensahe ng pagkakaisa,”ani Marcos sa isang tweet.

Back to Blog