‘Tapos na’ ang laban para sa VP sa Maynila at si Bongbong ang panalo ayon sa mga dating KB

Read the English version here.

BBM_PHOTO_03_29112015

KB Alumni swarm around their chosen Vice President, Senator Bongbong Marcos.

Ang labanan sa pagka-Bise Presidente ay “tapos na” sa Lungsod ng Maynila at si Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang panalo.

Ito ay kung ang mga dating miyembro at opisyal ng Kababatang Barangay (KB), na nagtipun-tipon at nagdiwang ng ika-40 anibersaryo ng KB sa Palma Hall ng Universidad de Manila noong Sabado, ang tatanungin.

“Siya (Marcos) na ang ating Bise Presidente. Mayroon pa bang tatalo sa ating Bise Presidente? Tapos na po ang laban dito sa Maynila,” ayon kay Virgilio Eustaqio, dating KB at kasalukuyang Director ng Barangay Bureau ng Lungsod ng Manila.

Sinabi naman ni Beth Jose Nazario, Presidente ng Kabataang Barangay Alumni Association Inc., Manila Chapter na sa pangunguna ni Manila City Mayor Joseph Ejercito Estrada at ng mga dating KB members ay gagawin nilang number one si Marcos sa lungsod.

“Sa tulong po ni Mayor Joseph Ejercito Estrada, ang Maynila po ay buong inyo (Marcos). Gagawin po naming number one ang Maynila sa pagiging Bise Presidente ninyo,” ayon kay Nazario.

Pinasalamatan naman ni Marcos, special Guest of Honor sa pagdiriwang na dinaluhan ng mahigit 500 KB alumni, ang grupo para sa kanilang malawak na suporta sa kanyang pagtakbo bilang bise-presidente.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na ang isang katangian ng KB ay ang dedikasyon nito sa paglilingkod sa publiko.

“Ang isang katangian over the years na talagang kitang-kita ko, lahat ng dumaan ng KB ay tuluy-tuloy pa rin na nasa serbisyo publiko in some way or another, either naging Governor na, naging Senador or nasa iba’t ibang mga posisyon sa gobyerno,” ayon kay Marcos.

Ang KB ay itinatag noong 1975 sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Ama ng Senador, at nagsilbing malakas na boses ng sektor ng kabataan sa gobyerno.

Subalit hinimok ni Senador Marcos ang mga KB na kalimutan na ang pulitika pagkatapos ng eleksiyon at tumulong upang pag-isahin ang buong bansa samantalang pinasaringan naman nito ang mga kasalukuyang lider ng gobyerno dahil sa patuloy na paghahati-hati sa mamamayan dahil sa pulitika.

“Ang pulitika ay may lugar. Ngunit dapat pagkatapos ng halalan, pagkatapos ng proklamasyon ay i-isantabi na muna natin ang pamumulitika at unahin natin sa ating pag-iisip kung paano pagagandahin ang Pilipinas…Let the unity, let the healing begin here,” anito.

Back to Blog