Tagumpay ng APEC dahil sa world class na imprastraktura at kagandahang-loob ng mga Pilipino

Read the English version here.

Nagtitiwala si Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na magiging tagumpay ang paghahanda ng Pilipinas para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit base sa mga pandaigdigang gusali’t pakikitungo ng mga Pilipino.

Pangalawang pagkakataon na ng bansa ang mamuno sa APEC summit. Noong 1995 dinaos ito sa termino ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Naniniwala si Marcos na kayang-kayang mamuno ng Pilipinas katulad na din sa pagmumuno nito sa mga malalaking kaganapan noong mga nakalipas na mga taon.

Isa sa mga pangunahing lugar para sa nasabing summit sa Kamaynilaan ay ang Philippine International Convention Center (PICC) na itinayo para sa mga pandaigdigang kaganapan.

“Ang PICC ay ang kauna-unahang pandaigdigang convention center, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong Asya – testamento sa marangal na hangarin at lunggati ng Pilipinas.”

Pag dating naman sa pakikitungo ng mga Pilipino, malaki ang tiwala ni Sen. Marcos sa ating mga kababayan, “Our natural hospitality, friendliness and compassion are world renowned. We just reach into our hearts for our innate beauty as a Filipino people.”

“Our highly respected Filipino culture, values and traditions are our assets,” ani Marcos.

Back to Blog