Statement of Senator Bongbong Marcos on President Aquino’s attending Senate Hearing on Mamasapano Massacre

Hindi namin siya (Pangulong Aquino) pwede pilitin dahil siya ay Pangulo.

Ang Executive Department is independent and co-equal with the Legislative Department. So yung isang Department, hindi pwede orderan ‘yung isa.

Imbitasyon lang iyon. Ngunit sa tingin ko kapag siya ay nakarating at sagutin ng maganda ang lahat ng magiging tanong namin, malaki ang magiging liwanag doon sa mga pangyayari sa Mamasapano Massacre.

Sana makadalaw siya, huwag siyang matatakot, hindi naman kami mga bastos. Hindi naman namin siya pahihirapan.

Gusto lang namin malaman kung ano ba talaga ang kanyang naging instruction sa kanyang mga Commander, ano ang mga dahilan niya bakit hindi niya sinabihan si Sec. Mar Roxas, bakit hindi niya sinabihan ang command structure ng PNP sa plano nila sa Mamasapano, iyon lang naman.

Back to Blog