Speech during a visit to Ilagan City, Isabela

91 barangay captains (ang narito?). Actually ang katotohanan nito galing lang kami sa Tuguegarao, pinanood lang namin si Manny Pacquiao na nanalo ulit. Mabuhay si Manny Pacquiao.

Inimbita kami, nandito si Vice Mayor ng Cauayan, inimbita ako para maging speaker sa kanilang barangay night sa kanilang fiesta. At noong nabalitaan ni Mayor Jay na daraan kami dito ay tinawagan niya ang aming brod ng SI sa Badoc, na si Mayor Tom Toralba. Tumawag naman sa akin si Mayor Tom, actually si Tom Vice Mayor ngayon, at sinabi nya sa akin kung pwede raw kaming dumaan para mangumusta lang dito kay Mayor Jay, hindi naman namin akalain na ganito ang handa na sasalubong sa amin kaya maraming salamat sa inyong lahat dahil linggong-linggo napakulekta kayo.

Pero interesado rin kasi ako na makita kung ano ba talaga—kasi nababasa-basa ko lang ang mga statistics tungkol sa Ilagan City, at napakalaki na. Nalaman ko nung aming mga hearing sa Senado na nakikita ko, ako’y nagulat na ganito na kalaki ang inyong lungsod at hindi namin akalalin na ganito na ang Ilagan City—you are 91 barangays. Yung isang statistic na nagulat ako na pinalaman sa akin nung pinanggalingan namin, e sabi nila mas malaki na pala ang IRA nitong Ilagan kaysa sa Tuguegarao at saka Cauayan. Siguro sa four cities number two na kayo, o number one? A halos pareho na kayo ng Santiago.

Mabuti yan at dumadami ang ating mga kasama sa Norte, at marami tayong pwedeng gawin, maraming mga potential para sa development ng ating mga bayan bayan at mga bara-barangay. Alam nyo naman na kami ay tuloy-tuloy na nagsisikap para gawin ang lahat para matulungan, hindi lamang sa Norte, pero especially sa local government.

Alam nyo, kagaya ng sinabi ni Mayor, ako ang chairman ng committee on local government at marami kaming ginagawang pagbabago lalo na sa barangay para tulungan ang ating mga barangay officials. Ang aking nakita nung una akong nakarating sa Senado, ay…na kung minsan ang ating mga opisyal na nasa Maynila, matataas na opisyal, ay hindi sila nakaranas, hindi sila dumaan sa local government. Kaya hindi nila naranasan ang mga nagiging problema ang mga sitwasyon, ang mga isyu ng local government at ng barangay level. Kaya’t paulit-ulit kong ipinapaalala sa kanila, sinasabi ko sa kanila na wag ninyong makakalimutan na kung wala ang barangay official, walang aabot na serbisyo sa taong bayan dahil kung hindi sa mga barangay officials—pati na mga barangay volunteers, hindi lamang yung mga elected officials kundi pati barangay volunteers—kung hindi dahil sa ating mga barangay officials and volunteers ang gobyerno natin ay hindi mararamdamam ng mga taong bayan. At kailangang pakinggan natin ang ating mga loca government officials. Wag natin silang inuutos-utusan na lamang.

Siguro, ayan si city mayor siguro naiintindihan itong sinasabi ko. Na kung minsan maraming mga bagong panukala na nanggagaling sa Maynila na dagdag ng dagdag ng functions ng duties ng ating mga local government officials. Hindi naman nila nauunawaan na napakahirap gawin, hindi madaling gawin ang iniuutos nila. At sinasabi ko wag kayong basta’t utos…makinig kayo dahil marami kayong matututunan sa ating mga (local government officials), kung ano ba talaga ang kundisyon, kung ano ba talaga ang buhay ng ating mga kababayan lalo na sa grass roots level.

Kung minsan me nangyayari sa akin, me mga proposal na reorganization, merong mga kung anu-ano. At pag binasa mo sa papel, maganda ngang basahin ito pero hindi uubra ito pagdating nito sa local government level, hindi kasi kaya. Kayat sabi ko marami tayong pangangailangan—hanggang ngayon “tayo” sinasabi ko kasi yung 9 years ko na governor talagang dun napunta yung pag-iisip ko na parang hanggang ngayon e local government officials (pa rin ako). Lagi kung iniisip kung papano gagawin ng ating mga local government officials kung kanilang katungkulan para makapagpaabot nga ng serbisyo sa ating mga kababayan. Kung minsan maraming mga proposals kung babasahin mo, sinasabi ko hindi talaga pupwede ito dahil hindi talaga kakayanin. Kaya’t masasabi ko naman na mula nung ako’y naging chairman marami na kaming pagbabago. Ngayon sa kasalukyan, meron kaming 2 batas na pinag-aaralan at malapit ko nang i-report sa Senado. Unang-una, yung benefits ng lahat ng ating elected barangay officials. Kahit anong gawin ng barangay officials, kahit buuin nila yung 9 years (term) e hindi sila aabot dun sa 15 years ng GSIS. E kayo naman ang nasa harap dyan, kung minsan kayo ang nasa peligro. Kaya’t ipinapaalala ko sa kanila kailangan bigyan naman natin ng konting compensation, ng konting benepisyo dahil sila ang nagta-trabaho para sa atin.

Pangalawa, pati yung mga barangay volunteers. Sinasabi namin na kailangan din siguro na kilalanin natin sa pamamagitan ng konting benepisyo. Dahil again, kung wala ang ating mga health workers, kung wala yung ating mga lupon, kung wala yung mga Day Care Center workers, kung wala yung ating mga volunteers ay wala din namang mangyayari sa pamahalaan, hindi natin maipaabot sa ating mga kababayan ang kanilang pangangailangan.

Habang naghi-hearing kami dun sa 2 batas na yun, nakita namin na nakakalimuntan na nasa Local Government Code, lahat ng ating elected officials dapat merong health insurance at saka dapat me scholarship ang mga anak. At inamin ko sa kanila, mula nung naging batas ang local government code ni minsan hindi nabigay itong benepisyong ito.

Tinanong ko sa DBM, sabi ko sa kanila “Bakit hindi nangyari yan?” Sabi nila e dahil yung insurance, nung 21, 22 years ago na naging batas, mahina pa yung insurance, yung Philhealth. Ngayon matibay-tibay na, pwede nang pag-aralan.

Ay yung sa scholarship iba ang problema. Sa scholarship sabi nila, ang problema kasi sa mga barangay officials natin hindi mo malaman kung ano yung number 1, ano yung number 2, hindi mo malaman kung sino ang bibigyan ng scholarship. E sabi ko kami na ang bahala dun, wag na kayong ano, basta hanapin nyo yun pondo, hanapin nyo kung ano yung ano, tapos gawin natin. Dahil ang aming pinag-uusapan ngayon yung average, dahil hindi naman pare-pareho ang anak, so ilan lang anak ang bibigyan. Hindi naman pare-pareho yung dami ng anak—pinag-aaaralan naming mabuti. So iniisip namin baka gagawing allowance in the end. Pero yung sa health insurance kelangan na kelangan na talaga siguro e mas maging miyembro lahat ng ating barangay officials at ang inyong mga pamilya. Iyon sa palagay ko pag nagawa natin yun, napakalaking bagay.

Sa dinami-dami ng barangay officials sa buong Pilipinas, ay kayo pa lamang ay mabubuhay na ang ating insurance system. Dahil kung tutuusin…ang ginawa namin sa Ilocos Norte. Ang ginawa namin sa Ilocos Norte, ininsure namin lahat ng taga-Ilocos pwera na lang yung SSS, yung mga sundalo, yung miyembo na ng gsis. So halos 75 percent nabigyan namin ng insurance, kami ang nagbabayad ng premium. Pero nung una sabi ko napakalaki naman, baka hindi natin kaya.

Ang sikreto dyan , kapag talagang kompleto ang coverage, yung LGU kikita pa sa sa (cavitation)? Pero ngayon na matibay –tibay na ang Philhealth kaya na siguro ng lahat ng ating mga LGU. Kaya’t tuloy-tuloy tayong pinag-uusapan para at sinasabi namin, para naman matupad angating ipinangako. Ipinangako natin sa local government code ang benepisyong ito para sa ating mga barangay officials. Kailangan e gawin na nating totoo dahil labis sa 20 taon na silang nag-aantay, hindi pa natin nagawa—at kailangan natin gawin. Dahil unang-una talaga kailangan nila yang tulong na iyan. Kailangan nating ibigay yang tulong na yan para mas maging maganda ang kanilang trabaho, dahil hindi nila kailangang alalahanin ang kanilang health insurance, number one. Pangalawa, batas yan, kailangang sundan yan—nasa batas kaya’t maliwanag na maliwanag.

So ito ngayon e ipinamamahagi ko lang sa inyo ang aming mga ginagawa, ang aming mga pinag-aaralan sa committee on local government. Ay hindi naman natin masasabi na matutupad lahat—dahil alam nyo naman, matagal na akong di nakapasok sa Palasyo kaya baka hindi ako napapakinggan ng husto. Pero marami naman tayong kakampi, marami naman tayong kasama sa Senado, sa Kongreso, na nauunawaan nila itong mga problemang ito, at alam nila na tama at kailangang gawin.

So asahan na lang ninyo na ipagpapatuloy namin, itong lahat—na sana hindi na diskusyon at matupad na at ma-implement na itong aming mga pinaplano.

Natutuwa naman ako na naibabalita ko sa inyo, mabuti rin na kahit Linggo na ay nakarating kayo at kahit sandal lamang kasi tatakbo naman kami sa Cauayan already dahil meron pa kaming mga inspeksyon on the way. Pero at least nagkaroon tayo ng kaunting panahon.

Mula nung naging city ang Ilagan, hindi na ako nakabalik. Last time ako dumaan dito e wala pang pinag-uusapan na city. Pero ngayon makikita mo maganda ang progreso. Siguro magagaling ang mga local government officials dito. You cannot argue with performance, you cannot argue with success. Kung talagang maganda ang nangyayari, kahit sinong magbabatikos, kitang-kita naman ninyo na ang inyong LGU, ang inyong syudad ay nagpoprogreso, at lumalaki at gumaganda ang patakbo. Sana ay ipagpatuloy ninyo ang inyong magandang ginagawa. Kami naman sa panig namin ay gagawin namin lahat para tulungan kayo sa inyong napakahalagang trabaho na ibinibigay—ang serbisyo sa taong bayan.

So thank you, maraming salamat po.

Maraming salamat sa inyong pagdating at sana sa susunod ay hindi nagmamadali na ganito. Pero siguro naman sa pagdaan ulit e pwede tayong mag-usap usap hindi lamang yung ating mga barangay captains kundi lahat ng ating mga opisyal at taong bayan.

Dios ti agnina.

Back to Blog