WiFi launching at Cavite State University

Salamat sa inyong lahat sa napaka-init na salubong na ibinigay niyo sa akin at puro pa kayo nakapula. Di’ba kulay pula iyan? Para naka punta ako sa program ng loyalista. Pero alam niyo po, ako’y natutuwa na makasama ang inyong Gobernador at ang inyong Congressman na susunod na Gobernador na si Congressman Boy.

Nakikita ko dahil iyung isang unang-una namin napuntahan ay dinagsaan noong.. of the free Wi-Fi. Kayo naman dito, puro naman mga tablet para sa ating mga guro. Iyan ang ating matagal ng sinasabi na ang malaking pagkukulang sa ating pamahalaan ngayon ay ang suporta na binibigay para sa ating mga guro. Hindi lamang sa benepisyo. Hindi lamang sa financial assistance. Kung hindi sa suporta sa training, sa school room, sa mga libro. Kailangan po natin pagandahin iyun para iyung ating mga estudyante, iyung mga ating kabataan ay pagkadumaan sa mga classroom ninyo ay handang-handa na sila makipagsabayan kahit saan. Hindi lamang dito sa Pilipinas, kung hindi sa buong mundo.

Kaya naman po ako’y natutuwa at ibabalita ko sa lahat ng aking mga kaibigan sa buong Pilipinas, na sa Cavite, ganito po ang nangyayari. Mayroon silang nilaulaunch na free Wi-Fi. Mayroon silang pinamimigay na tablet para sa ating mga public school teachers. Kung hindi naman ito napakaprogresibo na probinsiya.

Kaya naman, iyung sinasabi po ni Gov. na dapat matagal na nagsama ang pamilyang Marcos at ang pamilyang Remulla. Ito po ay nakikita po natin ang dahilan. Nakikita po natin ng pagkakataon na makapagsilbi sa tao. Makikita naman natin. Ramdam na ramdam natin free Wi-Fi, free tablets. Napakaprogresibo. Ito ay parang tinitignan na ang ating kinabukasan.

Kayo po ako ay tumakbo bilang kandidato para sa bise-presidente para sa aking mga… Marami akong nakikita pag ako’y umiikot na maraming pagkukulang ng ating pamahalaan. Isa na roon sa larangan ng edukasyon. Ito ay kailangan natin ayusin. Ngunit, kailangan natin malaman kung paano tayo umabot sa ganito.

Sa aking pananaw, nagkaganito tayo, ang galing-galing ng Pilipino. Ang sisipag naman… Bakit sa dami ng yaman na sinasabing pumapasok sa Pilipinas ay hindi nararamdaman ng taong bayan? Hindi natin nabibigyan ng solusyon ang mga problema na hinaharap ng ating mga kababayan.

Sa aking palagay ay dahil sa nangyari sa ilang nakaraang taon, ang ating mga lider, imbis na ipinagbubuo at ipinagsasama at pinagkakaisa ang sambayanan, ay ipinagaaway-away tayong magkapwa Pilipino. Winawasak. Winawatak-watak ang ating lipunan para lamang sa pulitika. Kaya naman tayo nagkaganito.

Kaya’t pag ako’y umiikot, lagi kong sinasabi na kailangan na natin ibalik sa pag-iisip hindi lamang sa taong bayan, kung hindi sa ating mga lider ang pagkakaisa. Kailangan natin maalala ulit na tayo ay Pilipino. Dapat isang diwa. Isang gawa. Isang isip. Dapat ito ang ating susundan.

Hindi mangyayari po iyun kung hindi tayo makapagpili ng mga kandidato na pag-aralan at tignan ang kanilang record kung sila ba ay nagpapang-away ng kapwa Pilipino o pinagkakaisa. Iyan po ang aking hangarin; na maibalik sa Pilipinas ang pag-alala na tayo ang Pilipino lamang ang nagmamahal ng tapat sa Pilipino. Ang Pilipino lamang ang tutulong sa Pilipino.

Iyan po ang napakasimpleng mensahe ng aking kandidatura. Kaya’t sa suporta ninyo, sa tulong ninyo, pagka ako ay nabigyan ng pagkakataon at maluklok sa mataas na posisyon, asahan po ninyo, babalikan ko po kayo at hihingin ko iyung suporta ninyo upang magkaisa muli ang ating bansa; magkaisa ang mga Pilipinong nagtutulungan, nagmamahalan.

Iyan po ang aming hangarin. Iyan po ang hamon ng ating bansa sa atin ngayon. Kaya’t sagutin natin iyung hamon na iyun. At kayo ang magsusuporta. Simulan natin dito sa Cavite dahil kitang-kita kung gaano kaganda ang takbo ng buhay at ng nagkakaisa.

Maraming, maraming salamat po. Magandang hapon po sa inyong lahat.

Back to Blog