Speech at University of Perpetual Help System Laguna

Lahat ng miyembro ng ating faculty, ng staff, ng administration ng University. Lalong-lalo na syempre ang ating mga estudyante. All the guests who are here today, to join us in this discussion, ladies and gentlemen good afternoon.

Despite the fact that I made a mistake with the name of your good Mayor, the fact is, we have worked together very, very closely during the time, that we were doing the redistricting of the province of Laguna. Creating the lone district of Binan. At mayroon akong ike-kwento sa inyo, pinaghandaan na namin, alam namin ay dadalhin na naman ang bill sa harap ng mga ibang Senador at tapos na iyong aming diskusyun sa komite. Sinabi ko kay Mayor saka kay Mayora sabi ko paghandaan natin, dahil alam niyo iyong mga Senador pagka ganitong mga redistricting, pagka mga ganitong issue na ganito ay laging nagtatanong iyan, baka magulat tayo kaya’t pag-aralan natin ng mabuti. Kaya’t kami, naghanda kami, pinag-aralan namin, nag-practice kami kung anong mangyayari at pag may tanong anong maisasagot namin. Pagdating namin sa floor, at naglapitan ang mga ibang Senador, wala na. Hindi na namin kailangang ipaliwanag, ang smile ng inyong charming na Mayora, approved agad ang redistricting ng Binan.

Sana ganoon kadali. Biro lang iyon. Ang katotohanan talaga she really worked very hard and it was because of that hard work of her and our supporters here in Binan, that is why we’ve been able to pass it very quickly. I believe this is the rightful representation that the City of Binan needs in the national government.

Kagaya ng kanyang nabanggit ako ay Committee Chairman ng Committee of Local Government. At ito’y binigay sa akin dahil sa nakaraan kong karanasan bilang Gobernador ng Ilocos Norte na siyam na taon. At ito’y aking hiningi dahil sa aking pagpalagay bago ako naging Senador, ay ang pakiramdam ko parang boses ang local government sa national government. At kahit na iyong mga ating mga opisyal na gustong tumulong sa atin sa mga local government units, ay kung minsan ay wala silang masyadong karanasan sa local government issues ay hindi nila masyadong nauunawaan kung ano ba talaga ang nararamdaman ng local government officials pagkadating sa level ng probinsya, ng lungsod, ng bayan. Kaya’t sabi ko kung maaari ako na ang gawin ninyong Chairman, para naman iyong naranasan ko at iyong ating mga kaibigan ay makatulong sa atin dahil kung minsan nakikita ko ay very-well meaning naman ang ginagawa ang ating officials, they put together plans and programs that when you look at them on a piece of paper, sasabihin mo, maganda nga iyan. But I will tell you, hindi magiging effective iyan and I will explain to you why. Dahil pagdating niyan sa baba, ay ganito ang mangyayari, ganyan ang mangyayari. And I’m happy that I was given that opportunity because I believe the driver, although much of the direction comes from Manila, the real driver, the real foundation, not only of our economy but of our political structure, is really in local governments. You cannot have a strong campaign, you cannot have a strong political system, national political system, without a strong foundation in an effective, vibrant, sensitive, local government units that are bringing to the form the talents and the energies of our people.

So that is why, also in the introduction, nasabi roon na ako ay Congressman palang, na ako’y sumulat ng batas na nagbuo ng ang tawag namin doon, Philippine Youth Commission. Ngayon ang tawag ngayon ay National Youth Commission. At bakit ko ginawa iyon? Ginawa ko iyon, dahil sa aking panananaw, napaka importante, masyadong mahalaga ang kontribusyon na binibigay sa atin ng ating mga kabataan lalong-lalo na dito sa Pilipinas. Because the Philippines is a very young country. Our average age is younger than any of the countries in ASEAN and the largest demographic, the largest demographic sector in our country is the youth- ang ating mga kabataan.

We cannot claim to be a democratic country if the largest sector, iyong pinaka malaking sektor sa ating lipunan ay walang boses sa pamahalaan. At ito’y mahalaga dahil kailangan na kailangan natin marinig ang boses ng mga kabataan. Dahil ang mga kabataan ay may sariling mga isyu. The young people today have their own concerns. Their concerns our not the concerns of elder people, of older people. These are concerns of things like, kailangan iyong mga iniisip ninyo, iyong mga matrikulasyon, iyong mga iniisip niyong problema mga bullying, mga drugs na binibiktima ang mga kabataan. Para kasing kailangan may boses ang kabataan dahil sino mag-rereklamo, sasabihan bin-reak ako ng boyfriend ko dahil na drop iyong call ko sa telepono akala niya I hung up on him. Who’s going to tell people that? Who is going to complain that you are paying too much for water that you are drinking too much, for all the utilities and the commodities that you as young people just coming out of school have to face. These are the challenges that you have to face.

So there must be a voice in government dahil mayroon ng isyu ang kabataan na isyu ng kabataan lamang. Hindi naiisip ng mga mas nakakatanda. Bukod pa roon, ay kailangan ng kailangan natin na magkaroon ng boses ng ating mga kabataan dahil hindi naman kami, kaming mga opisyal na andito ngayon ay hindi naman forever ang aming pag-upo dito sa posisyon. Kaya darating din ang panahon ay lilipas din kami. Kailangan ang ating kabataan, pagdating ng panahon na iyon ay handa na. Na kapag naramdaman na kung papaano ang kailangang gawin para patakbuhin ang pamahalaan, alam na ang gagawin kapag may nakitang problema. Kaya’t alam na ang gagawin kung papaano ang kailangang gawin para patakbuhin ang pamahalaan. Alam na ang gagawin pag may nakitang problema. Alam na ang gagawin kung papaano lutasin ang iba’t-iba na hinaharap na isyu na hindi lamang ng kabataan kung hindi sa ating buong bansa.

And furthermore, we need your new energy, your new ideas, it is extremely important especially in this fast, moving world. In this fast, moving world where because for example ang sasabihin iyong pagkatechy, kami naiintindihan namin dahil nagagamit namin ang technology, nagagamit namin. But be in this intellectual understanding, ibig sabihin parang inaral namin sa libro, ngunit kayo, iyon ang buhay ninyo. It is your life. You did not have to study, noong kayo’y pinanganak nandiyan na iyan at habambuhay. Kaya’t kung minsan hindi makapaniwala sa akin ang mga anak kapag sinasabi ko may panahon sa buhay ko na wala pang computer. That’s why nahahalata ang ating mga edad. Pero hindi na bali. But that is the difference between an elder generation and the younger generation. That is why it has always been important to me that we always encourage, that there would be a voice of young people in government. It is extremely important that we listen to the young people. And young people must be involved. Mayroon kaming organisasyon noon para sa mga kabataan, ang tawag ay KB. Ibig sabihin, Kabataang Barangay. Ito iyong nauna doon sa SK. At noong panahon na iyon ang Kabataang Barangay ay napakatibay, napaka-importante dahil nasa ilalim ng Office of the President. At ang aming tawag na KB Chairman, ay pagka nagrereport ay hindi nagrereport sa Mayor, hindi narereport sa Governor, nagrereport sa Pangulo. Kaya’t masyadong matibay. Naging masigla ang youth movement noong panahon na iyon. And during that time ang slogan namin sa KB ay napaka simple lang. Ang slogan namin, sinasabi namin, Makialam! Makialam! Makialam!

Hindi na bali magagalit iyong mas nakakatanda sa inyo dahil nakikialam kayo. Kailangan ninyo makialam. Kapag may nakikita kayong pagkakamali o pagkukulang, makialam kayo at baguhin ninyo. Kapag may mayroon kayong naisip na mas magandang paraan, makialam kayo at ipilit ninyo iyong inyong sinasabi na mas mabuting paraan. Pagka may nakita kayong kailangang gawin na hindi nagagawa, may nakikita kayong mga opisyal na hindi ginagawa ang kanilang trabaho o gumagawa ng katiwalian, makielam. Isumbong, sabihin sa lahat . Wala naman mawawalaan sa kabataan pag sila’y nakikialam. Kung minsan, paano kung magkamali, paano kung magkamali edi mag sorry kayo. Tapos na. Hindi na bali. At least involved kayo. Ang importante sa lahat nandoon kayo at mulat ang inyong mga mata sa mga nangyayari. …mga paligid at alam ninyo ang kailangang gawin para tulungan ang inyong mga kapwa Pilipino.

That is why I am always making a point. Pagka ako’y umiikot at nakikipag konsulta sa ating mga local government officials ay pumupunta ako dito sa mga eskwelahan para makipag usap. Hindi lamang para malaman ang mga isyu ng kabataan, ngunit para din ipaalala sa inyong lahat na dapat kayo ma-involve sa lahat ng mga bagay-bagay na kahit kung sa palagay ninyo ay hindi naman dapat isyu ng kabataan ang pinaguusapan ng mga estudyante.

That is why I am here today. Because the topic that’s been given to me, is to talk about the, well ang nakalagay diyan is BBL. The Bangsamoro Basic Law. Ano iyong Bangsamoro Basic Law? Alam naman ninyo. I’m sure you have known, you’ve talked and have seen in our recent history na sa Muslim Mindanao, matagal na tayong nakikipaglaban sa mga puwersa na gustong ihiwalay ang Muslim Mindanao sa Pilipinas. Dahil sinasabi raw na ang Maynila ay hindi tumutulong sa mga Muslim. Ang Maynila ay hindi dine-develop, walang progreso sa Muslim Mindanao. At kaya nagismula noong 1968 ang gera para ihiwalay ang Muslim Mindanao sa Pilipinas. At in the late 70’s the isyu was the Moro was going on very fiercely. Maraming namamatay at ito siguro ang pinaka masakit na pangyayari sa buhay sa karanasan ng isang lider. Na makita ang kapwa Pilipino na nagpapatayan, na nag-gegera. Kaya naman dapat itigil. Kaya naman noong 1976 may pinirmahan na tinatawag na Tripoli Agreement, noong panahong iyon, iyong MNLF. So nagkaroon, pero nagbago ang gobyerno noong 1986, hindi na natuloy ang Tripoli Agreement. Nagkaroon pa ng isang agreement noong 1996. It took another 20 years. Noong 1996 was another agreement againbetween the Philippine Government and the MNLF. Ngayon, nag break away ang isang grupo na tinatawag na MILF-which is the Muslim Islamic Liberation Front. Kaya’t that was the difference between the MNLF. Kaya sila nag break away. Pero ganoon pa din ang hangarin at layunin nila na ihiwalay ang parte ng Muslim Mindanao sa Pilipinas. Ngunit ang gobyerno ay lumapit at sinabing, give up your secessionist and separatist aims and declare yourselves citizens of the country and you will have peace. And Manila, the government, and the national government will help in the development of Muslim Mindanao. All of Mindanao and will help in making your former fighters part of our communities. Iyon ang mga nangyari. Ngayon, ito ngayon. Mula doon sa agreement na iyon lumabas nga itong batas na tinatawag na Bangsamoro Basic Law.

Ang nangyari dito kaya naman naging magulo at naging contentious iyong Bangsamoro Basic Law, dahil ang binigay sa amin ang version ng Palasyo at ibinigay sa amin sa House of Representatives saka sa Senado, marami kaming nakita na kailangang palitan. At ipinipilit ng Palasyo na hindi dapat palitan kahit na isang tuldok doon sa Bangsamoro Basic Law. Ika namin, pag hindi namin ginalaw ito at isinalin sa Supreme Court ay siguradong talo ito. So sayang lang ang inyong ginawa kung ganoon din ang patutunguhan niya. So pabayaan niyo kami, aayusin namin, gagawin namin ang lahat para maging matagumpay ang magiging pag tayo at pagtaguyod ng Bangsamoro Government sa Bangsamoro Autonomous Region.

Doon sa batas na iyan ay nilalagay kung saan, kung alin ang Bangsamoro Autonomous Region. At magsisimula iyan sa alam naman ninyo kung ano iyong ARMM. Alam niyo ba iyong ARMM kung ano iyon? The Autonomous Region of Muslim Mindanao. The ARMM nandiyan na ngayon, it was a product of the Tripoli Agreement and the product of the Jakarta Agreement in 1996. Ngayon, mayroon na ngayon tinatayo in place, papalitan na iyong ARMM at ang ilalagay itong Bangsamoro Government. Iyon lamang, ang nakita namin sa aming pananaw ay ang pagkukulang doon sa pagbinigay sa amin na Bangsamoro Basic Law, ay nakita namin sa Bangsamoro Basic Law ay parang nagtatayo ng sariling bansa. Ika namin, hindi niyo naman puwedeng gawin iyan. Dahil ang Pilipinas hindi natin maaring ipaghati-hati. Hindi ko makakalimutan ang proklamasyon ng aking ama, noong sinasabi nga ay ihihiwalay ang iba’t-ibang probinsya lalo na iyong Cotabato, at that time, ay ihihiwalay sa Pilipinas. Ika niya, I did not become President of the Republic of the Philippines to preside over the division of the Republic. Kaya’t iyang prinsipyong iyan ay kailangan nating tuluyang isulong.

That principle of the indivisibility na hindi tayo maaaring pumayag na ipaghati-hati ang Pilipinas. Ipaghiwa-hiwalay ang Pilipinas. Iyang prinsipyong iyan ay kailangan nating sundan. Dahil pagka nasimulan ang isang area, ang isang region, ay siguradong marami pang isang region and before you know it, wala ng Pilipinas. Tayo’y nag watak-watak na. Hindi tayo papaya sa ganoon.

Sabi namin ang una nating kailangang gawin ay pag-aralan ito ng mabuti at kausapin ang ating mga kaibigan na Muslim at kausapin din ang lahat ng mga ma-i-involve at kausapin din lahat ng ating mga kasamahan sa local government sa buong Pilipinas. Kaya naman dinadala namin dito, dinadala ko rito iyong isyu tungkol diyan sa Bangsamoro Autonomous Region. At maraming nagsasabi, “Ano namang kinalaman namin, estudyante po kami, ang layo-layo, anong kinalaman ng Mindanao sa amin? Sa araw-araw naming pamumuhay wala naman kaming naririnig diyan. Hindi naman magbabago ang buhay namin”. Iyan ay kung minsan, kaya ako nandito para ipaliwanag sa inyo, kung ano man ang mangyari sa Muslim Mindanao, maaapektuhan ang buong Pilipinas. Bakit ko sinasabi iyon?

Halimbawa, unang-una, kapag may gera sa Mindanao, ang mga namamatay sa Mindanao ay hindi lang ang mga Muslim sa Mindanao, kung hindi ang sundalo natin, ang pulis natin, na galing kung saan-saan. Galing sa buong Pilipinas. Iyong mga namatay na pulis sa Mamasapano, karamihan nila’y galing sa amin sa Norte. Galing sila sa kabundukan ng Northern Philippines kaya’t makikita ninyo na may epekto iyong ginagastos, iyong pondong ginagamit ng pamahalaan para ilaban iyong gerang iyan. Anong nangyayari? Saan nanggagaling? Nanggagaling sa bulsa ng bawat isang mamayang Pilipino. Dahil may gera ay makikita natin na malaki rin kahit papaano, kahit na hindi pumuputok ang bomba rito sa Binan, kahit hindi nagbabarilan diyan sa Maynila, ay kahit papaano kung titignan ninyo ng mabuti, pag-aaralan ninyo ng mabuti, kahit papaano may effect sa buhay ng bawat isang Pilipino.

Kaya’t napaka-importante na kahit man, ay maunawaan niyo kung ano ba ang mga isyu tungkol dito. Kaya ngayon, ay kahapon, noong Lunes ay ginawa ko ay binigay ko na sa Senado ang substitute bill. Ang ginawa namin sa Senado, noong dumating nga ang BBL, ika namin ay maraming masyadong kulang at hindi maliwanag, maraming hindi tama. Kaya’t ang ginawa namin, aayusin namin lahat. Iyong pagaayos na iyan, iyong proseso ng pag-aayos na iyan, noong natapos na, ay lumabas iyong tinatawg na substitute bill. Kaya’t iyang substitute bill ang ibinigay ko sa Senado noong Lunes at kahapon, ako’y nagtalumpati sa floor ng Senado upang ipaliwanag kung ano iyong aming ginawa doon sa bagong bill. At siguro naman ay malalaman ang pagdating sa sunod na ilang linggo, ito’y pag aaralan namin at pag dedebatihan namin. And that is the process that we are undergoing right now.

Now, again to go back. One of the main issues that we had with the Bangsamoro Basic Law was first of all, was that iyon na nga. Nagtatayo ng sariling bansa. Hindi maaaring pabayaan iyon, kaya’t inayos namin lahat ng, unang-una iyong una naming nakuha na Bangsamoro Basic Law, kung babasahin ninyo, akala niyo Constitution. Kung titignan mo iyong porma ng Constitution ng Republika ng Pilipinas, iyong Bangsamoro Basic Law pareho ang format. Kaya’t pinalitan namin kaagad iyon. Mayroon din mga problema doon sa constitutionality. Ano ang ibig sabihin ng constitutionality? Constitutional impairments. Ibig sabihin, kung babasahin ninyong mabuti, ang mga nasa batas ng original BBL, ay mayroon talagang labag sa Saligang Batas. And you cannot, you cannot lawfully in any way, you cannot, you cannot be in violation from the Constitution. No law is a legal law if it is in violation of the Constitution. Iyong binigay sa akin, maraming violation. Kaya’t iyon ang isa pang inayos namin.

We have got through the process, ngayon iyong pagbigay, mayroon kasi ng proposal na gagawa ng sariling pulis iyong Bangsamoro Autonomous Region. Tinanong namin, saan manggagaling iyong pulis. Ang gagawing pulis, iyong dating lumalaban sa pulis. So, magiging pulis ngayon iyon. Iyong sa Mamasapano, sabi ko paano, iyong pumatay doon sa pulis pagka nagkaroon ng Bangsamoro pulis, iyan ang magiging pulis ngayon. Nakakaawa ang mga magiging kaalyado ngayon ng mga namatayan na SAF. Hindi naman talaga maaari iyon. Bukod pa roon, bawal iyon dahil ang pulis ay pangsibilyan. Ang police has jurisdiction over the entire republic. Kaya’t binago rin natin iyon. Nilagay namin sa ilalim ng PNP ang Bangsamoro Police ng sa ganoon kung sumusunod pa rin sa utos ng headquarters namin at sumusunod parin sa Chief PNP at sa Pangulo.

Kaya’t iyang mga bagay-bagay na iyan ay aming ginawa at inayos din. Iyong hinihingi nila na ibinigay ng ating negotiationg panel na lahat ng pagaari , lahat ng natural resources, lahat ng isda, lahat ng ibon, lahat ng dagat, na nandoon, ay sa kanila lang. Wala silang kontribusyon na ibibigay sa national government. Ika namin, kung gusto ninyong sumama at maging bahagi ng Republika ng Pilipinas ay kailangan gawin din niyo ang ginagawa ng lahat ng mga LGU. Pagka kami, I still cosider myself as a local government official, sa local government officials, pagka kami nagkolekta ng buwis, pagbigay namin ng buwis na iyan sa national government, may hati. Sixty percent iyan pumupunta sa national government. Kuwarenta persiyento naiiwan sa local government. Ang proposal doon sa Bangsamoro, ay pag kolekta ng buwis, lahat maiiiwan doon. Walang ibibigay sa national government.

Bukod pa roon, ang national government, magbibigay ng bilyon bilyon na karagdagang pondo at again, ang tanong ko rin, saan manggagaling iyong kalaki-laking pondong iyan? At bakit ko sinasabing kalaki-laki? Dahil iyong kinalkula namin, bawat taon, halos 75 billion ang ibibigay sa Bangsamoro Autonomous Region. Binibiro ko nga sila. Ika ko sa kanila, kung ganyan pala ang gagawin ninyo, ihihiwalay ko na rin iyong Ilocano Region. Pati paglalaban namin baka bigyan niyo din kami ng tig 75 billion. Nagbibiro lang ako ngunit maraming ibang nagsasabi susunod kami sainyo. That is the beginning of the end of the republic. That is why it is a very important point. Kahit na pabiro, kahit na seryoso, ay kailangang maunawaan ang very important point na huwag tayo bibigay kahit kaunti kasi pag sinimulan ang proseso ng paghiwalay sa republika ay hindi lamang ang Bangsamoro Autonomous Region ang mahihiwalay, kung hindi ang iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. At kawawa naman tayong lahat dahil alam naman natin kung tayo’y nagkakaisa, na tayo’y sabay-sabay nagtutulungan at nagta-trabaho magiging progresibo ang Pilipinas. Pero pag pinag watak-watak mo iyan ay hindi masyadong maganda ang magiging resulta. So, that was one of the main points of objection that we had to do besides the legal one, we had to look at the effects on political structure of the entire Republic of the Philippines. And that is why iyong aming pinag-aaralan ay iyong sharing of powers na sinasabi, iyong reklamo ng ating nasa negotiating panel, iyong sharing of powers, halos pantay na. Biruin ninyo mayroon doon sa Regional Basic Law nakalagay, kapag hindi nag-aagree ang local government, ang regional government, at saka ang national government, pag-uusapan muna. Mag ne-negotiate. Ika ko sa aking mga akasama sa local government, kailan nangyari na isang probinsya na hindi gusto ang ginagawa ng national government, may negotiation? Wala namang ganoon. Ang local governments sumusunod sa polisiya ng national government-sumusunod sa batas ng Republika ng Pilipinas. Hindi pinag-uusapan iyan. Walang negotiation. Walang pakiusap. Walang ganito, walang ganyan, wala. That is not something negotiable. Although that was the original proposal in the Bangsamoro Basic Law, then I am afraid we have to remove it. Marami pang ibang probisyon. May probisyon na tinatawag na… na sinasabing dahil nabuo na ang Bangsamoro Autonomous Region, iyong ibang probinsya ay puwede pang sumama pagkatapos ng unang halalan. Paano naman iyan? Papaano gagawin? Saan ka naman nakakita ng local government unit na bawat taon, bawat tatlong taon, nagbabago ang boundary. Hindi ba? Ang tanong namin mayroon pang problema doon sa contiguity dahil sinasabi kahit hindi nakadikit, puwedeng sumama. Paano gagawin? Sino iyong pulis nila? Sinong hospital nila? Saan sila kukuha ng IRA? Sinong gobyerno nila? Saang probinsya sila? All of these problems that were put up, we have to go through them, and try to find solutions. And I think, that we have found a very good solution, and that we have made a remedy, I would say the majority, at least the most contentious issue, the other minor contentious issues will be dealt with when we come to the floor.

That is why I am able to portray, and this is the first time we’re doing a public, ladies and gentlemen, the BBL is dead. It is no longer going to be the Bangsamoro Basic Law. What we have, what I filed a substitute bill, we now call, The Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region. It is a constitutional law. It is a law that is fair and does not only take into account the concerns and the challenges presented by the MILF but it is inclusive, it includes all the major stakeholders in Mindanao and in the entire Philippines. It includes the concerns of women, it includes the concerns of the different tribes, of the Sultanates, of the local governments, it includes the concerns of the young people, the IP’s or the indigenous people, lahat ito’y pinagsamsama namin dahil sa aming paniwala, hindi magiging matagumpay ang proseso ng kapayapaan kung ang mga malalaking stakeholder ay hindi na konsulta at hindi sila nakakaunawa doon sa aming ginagawa at sila’y hindi sumusuporta. Kaya’t pag halimbawa iyong Sultanate of Sulu, hindi man kinausap ng ating pamahalaan ang Sultanate of Sulu, ay may Sultanate of Sulu bago pa magkaroon ng Pilipinas. Nandiyan na iyan and that additional structure of arbitration of fixing issues and problems between different personalities, malaki pa rin ang role ng mga sultan. Malaki pa rin ang role ng mga sultanates. Mga traditional na lider ng ating mga kapatid na Muslim. Tapos kailangan din nating isipin ang isa pang malaking kakulangan doon sa binigay sa ating bill, ay parang ang pagkakilala, ang akala nila sa lahat ng Muslim pare-pareho. Hindi lahat ng Muslim pare-pareho. Lahat iyan nanggagaling sa iba’t-ibang tribo. At mula pa noong unang panahon, iyang tribo na iyan ay kung minsa’y magkasama, kung minsa’y naglalaban, nagkakaiba, nagkakasundo, and there has never been a single political entity that has the authority over all the Muslim communities in the south. This is the first time that we are doing it. But I feel that now na na-konsulta na natin lahat ng iba’t-ibang grupo, lahat ng mga stakeholders kung tawagin natin, ay masasabi natin na palagay ko, maganda na at magiging maganda ang pagasa at magiging matagumpay ang ating bagong batas at magiging matagumpay ang proseso ng kapayapaan. And so as I said, I declare that the BBL, The Bangsamor Basic Law, is dead. What lives is the Basic Law, The Bangsamoro Autonomous Region Law. A law that is inclusive. A law that is legal. It is constitutional. And a law that I truly believe will be an important first step to peace in Muslim Mindanao. It is not the only step. We have much more to do after this. It is not the only step. We must bring development to Muslim Mindanao. We must show our Muslim brothers and sisters that we and the rest of the country recognize the differences in culture, the differences in history, the differences in law, the differences in religion, and we respect those differences. We recognize that those differences do not make us weak. Those differences make us strong and it is that strength in that diversity that we are counting on. That is something that we have tried to build upon and we are going to say now that that process has begun and though there is much more to do, I am very, very confident that this first step, is a good first step, and it will be a step to peace. A peace that we have worked for. A peace that we have fought for. A peace that thousands, tens of thousands of Filipinos, both Muslim, Christian, Lumad, IP, kahit na lahat ng klaseng Pilipino ay nag buwis ng kanilang buhay. Kaya’t mabuti ng masimulan ang proseso ng pag itigil na, itigil na ang gera at tayo na ngayon ay pag isipan natin ang pagpaganda, pagpalago, pagpasigla ng prosesong pulitika sa Muslim Mindanao. That is why it is important not only to those who come from Mindanao, that is why it is in fact important to all us Filipinos. And that is why I feel it is important that you, especially a young people to fill in your role of the future of the Philippines. Must understand and must know at least what is happening, what your leaders are trying to do, what the history what has brought us to this position, and now what we feel we have succeeded in doing. Hopefully this talk that I gave you today sana itong sandal lamang ay, hindi naman, marami pang ibang isyu, medyo kumplikado, pero sana ito’y maging simula, sa inyong pagdidiskusyon, sa inyong paguusap, sa inyong paguunawa, dito sa napaka importanteng isyu na ito. At sana’y ito magbibigay ng liwanag sainyo kung paano ba makihalo, makialam, maging involved, sa mga isyu, lalo na ang pulitika at sa ating ekonomiya. And with that, I would like to thank you for your attention and your patience. Maraming, maraming salamat.

Back to Blog