Speech at Universidad de Manila

Thank you very much to the newly-minted University President of UDM. You know when we found out, bago kami pumunta dito, we found out that your president had been made now the president of the university, it actually came as no great surprise. Dahil talagang maliwanag na maliwanag that he has always been meant for great things. And his choice of being the academe is something that reflects all his commitment to the future and his commitment help to those most in need. And I think that that commitment has finally been recognized in his assumption as President of the university. Congratulations, Mr. President!

I would also like to speak about what he told me, what he was saying about the quality of the studentry of UDM and again what he’s saying is not a surprise to me, because as some of you may know, my wife, Lisa, taught at this university for a while. And my wife has taught in many universities. She started teaching in North Western College in Laoag, Ilocos Norte when I was governor. She taught here (UDM). She has taught in FEU. She has taught in Ateneo. She has taught in many, many places but only when she taught here, did she come back and say, “This is the best quality of students that I have ever had!” And I asked her why. Are they smarter than the other students? Do they have better background than the other students? And she says, “Quite the contrary, their backgrounds have been difficult, their backgrounds have not been easy, but they tried so hard, they take it so seriously, they will not allow themselves to fail.” And this is a quality that she says doon sa mga medyo sosyal, yung mga anak mayaman, hindi niya nakikita yang katangian na yan. And that is one thing that she saw here in the students of UDM. And I think that I have to agree with her because I can tell that you have come to realize the importance of the opportunity that has given to you and you have not wasted that opportunity. You have taken it into your hands and you have committed yourselves to make yourselves better people, better citizens, better students not only for yourselves, not only for your family, but for your communities, and for your country. And that is the noblest possible cause that we can impart from you.

I would like also to greet some of the leaders of the city. We have here with us Councilor Cassy Sison, hindi niyo na ho maitatanong, kababata ko ho si Councilor Sison. In fact nung pumasok siya sa law school, nagulat kaming lahat. Sabi ko, “Aba wala ka namang plano mag abogado, ba’t ka papasok sa law school?” But he proved us all wrong. He proved us all wrong with the same spirit that the the students of UDM have shown. Hindi siya nakikinig sa aming tukso, at ipinagpatuloy niya. Ngayon, councilor na siya. Also, accompanying him is Councilor Ernix Dionisio of District 1, at Councilor Joey Hizon of District 5, at ang ating butihing Reagent, Justice Manuel Pamaran. We were recounting some of our experiences together when we were travelling during a state visit together with my father. And of course, I would like to greet the students and all of you who have come here today. Beyond that, the administration of the university, its teaching and non-teaching staff. ang ating mga minamahal na mga mag-aaral at mga guro ng Unibersidad ng Maynila, to our other esteemed guest and friends, magandang umaga po sa inyong lahat!

Unang una, ako’y magpapasalamat sa napaka init na salubong. Matagal na akong umiikot at pumupunta punta sa ibat-ibang lugar. Ngayon lang sinalubong ng napaka gandang saya. And it’s the first time na may welcoming address, may welcoming song. Ngayon lang ako ng welcoming dance, and what a wonderful thing it was, too. Thank you very much.

That warm reception is something that I am very grateful for, your welcome that you gave me here today in the university. It’s a privilege as always and an honor to visit and address the students of UDM. Composed, I believe, of the young and exuberant residents, the future of the capital of our great nation- the City of Manila.

Nabanggit narin natin ang pagiging kabisera ng bansa, itinalaga ng aking ama noon pang 1976 ang Maynila bilang kabisera ng ating bansa. Ito ay dahil ang Maynila ang sentro ng lahat noon, at kinikilala rin ng buong mundo. Kapag pinaguusapan ang Pilipinas, kaagad ay binabanggit ang Maynila. Kahit na itinutukoy na yung iba’t-ibang lungsod na nakapaligid, ay Maynila parin ang tawag.

Alam ninyo ba na ito lang 2012, may panukala ang isang konsehal sa Quezon City na palitan na ang Maynila bilang kabisera ng Pilipinas, at gawin na raw Quezon City? Ito raw ay dahil Quezon City ang nagiging sentro ng Metro Manila, dahil sa lawak ng kanyang lupain at ang laki ng kanyang ekonomiya.

Pero hindi siguro magpapahuli ang Maynila pagdating sa naging papel nito sa buong kasaysayan at kultura ng ating bansa! At sadya rin namang mas sikat at mas matunog ang Maynila sa buong mundo! At hindi naman siguro sa pagmamayabang, kung sentro na lang ang pag-uusapan, nasaan ba ang Malacañang Palace? Diba, dito sa Maynila?

Pero Maynila man o Quezon City, alam nating may kapalit ng kasikatan at ang kaunlaran. Noong nakaraang may nagsalita rito sa inyong eskwelahan, ang ating napag usapan noon ay ang Bangsamoro Basic Law at maganda ang ating naging diskusyon. Kaya naman ako’y bumabalik at nag nanais mapag usapan ngayon kung ano yung mga hinaharap ng ating mga kababayan hindi lamang dito sa Metro Manila, kung di nararamdaman na rin sa buong bayan.

Pinakamatunog ngayon siguro – hindi ni siguro kailangan ipaliwag sa inoyng lahat dahil dumadaan ito araw araw – ang BUHOL-BUHOL NA TRAPIK na nagdudulot ng pagbara sa mga lansangan. Samahan pa natin ng matinding pagbaha na dulot ng pagbabara ng ating mga drainage dahil sa tuni-toneladang basura. Idagdag parin natin ang pagbabara ng mga trak sa Port of Manila o ang problema na tinatawag ng “port congestion”.

Meron pang isang klase ng pagbabara— at ito ‘yung PAGBABARA NG ATING MGA ILONG AT MGA BAGA ng mga taga-Maynila dahil sa matinding polusyon na dinudulot ng mahigit 2.5 milyon na mga sasakyan na nasa lansangan ng Metro Manila!

Lahat ito ay sinasabi pinanggagalingan na “urban congestion”, o ang paninikip na dulot ng malawakang urbanisasyon ng Maynila at ng buong Metro Manila.

This week, we mark the 6th anniversary of “Ondoy”. Kung maaalala ninyo, napakatindi ang naging karanasan natin dito sa Ondoy, na nagdulot ng trahedya dito sa Metro Manila. Kahit kabisera ng bansa, walang ligtas ang Maynila sa sakuna. Hindi ko malilimutan ang mga video at larawan noong nagbaha at nagkagulo-gulo na sa bandang Recto underpass na punung-puno dahil sa tubig! Nagmistulang public swimming pool ang mga ito. At sa lalim nito, puwedeng gamitin na Olympic-diving pool. Di ko alam nangyari dito, ganoon kalala ang pag baha.

Ngayon, itanong natin: Since 2009, six years after Ondoy, how much have our flood control and drainage systems and other related infrastructure improved? Based on what we have experienced in the past few weeks, it seems that Metro Manila still remains prone and predisposed to Ondoy-like occurrences. Parang walang pagbabago. Mga thunderstorms pa lamang, wala pang isang oras— hindi pa bagyo!— bumabaha na agad! At siyempre—kailangan pa bang i-memorize ‘yan?!—kasabay ng pagbaha, naririyan na naman ang problema ng TRAPIK!

Paikot-ikot at paulit-ulit. Sabi ng isang sikat na teleserye: “walang FOREVER.” Pero parang, ewan ko. So far, sa tingin ko, tama yun. Pero pag tinitignan ko ang sitwasyon dito parang mayroon atang forever.

Dahil Forever na may baha! Forever na may traffic! Baha pa more! Traffic pa more!

Sabi naman ng MMDA sa atin: “Kayo naman! Hindi naman siguro, hindi naman forever yan. Mga 15 years lang maayos na yan!”

Ilang araw, linggo o buwan man, o labinlimang taon man—ganun pa rin ang resulta! Katumbas pa rin nito ang habambuhay na paghihirap ng ating mga kababayan!

Walang sinasanto ang baha at trapik sa Metro Manila. Mahirap namamamayan, mayayaman; estudyante, empleyado, businessman o politiko: kahit sino, walang ligtas! Nakatira ka nga sa mataas na gusali o condo, pero ang problema, paano ka pupunta doon? Hindi ka naman puwedeng lumipad! At ayaw mo rin namang lumangoy! Ang iba nga ngayon, yung mga mayayaman gumagamit na ng private helicopter. Well, that’s fine for them. Ilan ba sa inyo ang may private helicopter? Kaya’t walang silbi para sa atin ang solusyon na iyon.

Sa sobrang tindi ng ganitong klaseng trapik, ang ating mga netizen, kayong laging nasa Internet, lagging nasa social media, ay nabinyagan na ng panibagong pangalan itong trapik: Ang tawag dito hindi na “trapik,” ang tawag dito is “CAR-MAGGEDON”. O, ‘di ba, ang galing!

Katapusan ng mundo! Grabe! Rock and roll to the world!

Pero siyempre, tayo rin—ang buong bayan—ang kawawa. Ayon sa mga pag-aaral tungkol dito sa mga bagay na ito, mahigit sa dalawang bilyong piso (P2 billion) ang nawawala sa ating ekonomiya, dahil sa nasasayang na oras, dahil sa productivity na nawawala, dahil sa trabahong hindi nagagawa dahil tayo’y nakaupo sa ating mga sasakyan, tayo’y nakaupo sa mga tren, at lahat naiinip sa traffic.

At ano ang dahilan ng lahat ng ito? Kumbaga sa ulam, napakaraming mga rekado: mahigit 20 milyong katao; 2.5 milyon ang sasakyan; kulang, makikitid at sira-sirang mga daan; at siyempre yung “climate change”. Ngunit, huwag nating kalimutan na mayroon rin tayong pananagutan dito. At kung minsan sa pag-gamit sa ang ating mga kalsada, makikita natin ang ating mga driver ay walang sinasanto rin at mahina ang disiplina.

At hindi lamang ‘yan! Meron pang isang tila may “forever”… FOREVER ang pila sa MRT!

Isa sa mga sinasabing sagot sa malalang trapik ng Kamaynilaan ang pagpa-ganda sa kanilang tinatawag na Mass Transit System.

Meron tayong MRT at LRT. Tatlo ang (3) linya. Pero kung ito man ay sapat, maayos at mapagkakatiwalaan ay ibang usapan na.

Tulad na lamang ng MRT ng kahabaan ng EDSA. Naku po, puro problema! Kung hindi madalas na nasisiraan, ay nadidiskaril at nahuhulog sa daan. Kung hindi sira ang aircon, sira ang riles. Kulang ang mga tren, at matagal ang agwat sa pagdating ng mga tren. Tapos, pag nandiyan na ang tren, pinipilit na pinupuno nang sobra, hanggang sa hindi na magkasya at makasakay ang mga pasahero na nagaantay.

Kapag “rush hour” sa MRT North Edsa, ano ang naka-abang sa’yo: isang halimaw na pila na dalawang-dipa ang lapad, at hanggang sa daan ang haba! Pati sa LRT, na mas maganda ang patakbo, pero matindi pa rin pag nandiyan na ang tinatawag na “rush hour”. Punong-puno na pagdating sa mga gitnang istasyon, ng Central Terminal Station at sa Doroteo Jose, dahil sa dagsa ng tao galing sa Gil Puyat at Monumento!

So ano ang nararanasan natin sa ating MRT? Tulakan pa-MORE! Balyahan pa-MORE! Kawawa ang mga bata, mga buntis, ang may mga kapansanan, mga senior citizens. Gusto mo ngang umiwas sa trapik sa daan, pero trapik din ang inabot sa huli.

Ngunit kapag ako’y may mga kaibigan gumagawi sa ibang bansa ay sinasabi nga nila, paano nangyari ito? Dahil kung maaalala nila, dito sa Pilipinas, noong tayo’y nagsimula pa magkaroon ng LRT, tayo ang unang bansa sa ASEAN na nagkaroon ng LRT- sa buong ASEAN! Hangnang-hanga sa atin ng ating mga kapit-bahay. At sinabi nga ngayon, kayo na nga ang nauna, anong nangyari? Bakit nagkaganyan ang inyong tren? Bakit hindi maganda ang pagtakbo. Siyempre sabi ko, “Hindi niyo naiintindihan. Yung mga tren naming mas maganda kesa sa mga tren ninyo. Dahil yung mga tren ninyo, sige umiikot sa riles. Yung amin lumilipad! Lumilipad sa istasyon, lumalanding dun sa EDSA! Tren niyo di kayang gawin yan!” Wala na. Ano pang isasagot ko? Dahil alam naman talaga nila kung ano ang sitwasyon.

Siguro nga kung may “car-maggedon”, dapat may ma-imbento na rin ang mga netizens na pangalan para sa katakut-takot na pila sa MRT!

Ano ang nangyari dito? Noon 1999 binuksan ito; 16 years old pa lang— Yung LRT naman 1984. 31 years old na. Bakit yung mas luma ay maganda ang patakbo, yung mas bago ay mas nagkakaaberya?

Sana ay ayusin na natin itong sistemang ito para naman ang kabuhayan at ang hanapbuhay ng ating mga mamamayan ay maging mas maganda ang takbo. Mas maging maginhawa naman ang buhay ng ating mga mamamayan. Kaya naman yun ang hinihingi sa amin, na sa gobyerno, ang mga opisyal na na nagsasabing sila ang leader ng ating bansa. Buti naman siguro ay pagisipan nating ng mabuti ito at ayusin na natin ito.

Ito pang isang problema. Kahit walang trapik, kahit mabilis ang takbo ng biyahe, kung ikaw naman ay ma-ho-holdap sa daan o sa jeep o sa bus, o kaya ang kotse mo ay maka-carnap, hindi din magandang pangyayari yun! Pati ang cellphone mo, tablet o computer na pinaghirapan mo o ng magulang nyo na bilhin, pati ang pinaghirapang ninyong allowance na binigay sainyo ng mga magulang ninyo, o ang suweldo na minsan natatangay ganun-ganun na lang makukuha ng mga masasamang-loob!

Problema pa rin! Nakakatakot isipin. Ayon sa ulat ng ating msimong kapulisan, umaakyat ang bilang ng krimen sa bansa nang 46 percent nitong taong 2015. 46 percent! Halos kalahati ng itinaas ng mga bilang ng krimen!

Ano daw ang solusyon dito sa mga nangyayari sa Kamaynilaan? At bakit bilang isang senador ng republika, di naman ako senador ng Metro Manila, senador ako ng buong republika, bakit ba natin pinaguusapan ang mga problema sa Metro Manila? Dahil nga, ito ang sentro ng ating ekonomiya. Ito ang sentro ng ating pamahalaan. Kapag nagkakaproblema, kapag hindi nagagawa ng ating pamahalaan ng mga miyembro, ng mga opisyal sa ating pamahalaan ang kanilang trabaho dahil sa trapik, dahil sa MRT, dahil sa krimen, ay nararamdaman ito sa buong Pilipinas. Kapag ang ekonomiya natin ay hindi natin kayang palaguhin, palawakin at pagandahin, ay mararamdaman ninyo sa buong Pilipinas. Kaya naman maliwanag na ang issue dito sa Metro Manila ay hindi issue sa Metro Manila lamang. Kung hindi, kailngan nating makita na ito’y nakakaapekto sa lahat ng kabuhayan ng ating mga mamamayan. At ang sinasabing, ano ang kailngang gawin?

Ang kailngang gawin ay dapat yung tinatawag na de-congestion. Dahil lahat ng tao pumupunta sa Maynila naghahanap ng trabaho. Lahat ng tao pumupunta sa Maynila para mag negosyo. Lahat ng tao ay pumupunta sa Maynila dahil sa kanilang pinanggalingan ay walang mahanap na trabaho at sa kanilang pinanggalingan ay walang mga facilities para makapag-develop dun sa kanilang lugar, lalo na sa mga probinsya. Kaya’t siguro kailngan na– napag iwan-iwanan na tayo dun sa sa progreso– at kailngan na. Kaya isipin natin papaano natin pagagandahin ang mga nakapaligid sa Metro Manila. At hindi lamang yun. Dahil itong mga malalayo na lugar, paano natin pagagandahin? Ng sa ganon, hindi napipilitan ang lahat ng Pilipino na iniisip na pumupunta sa malalaking lungsod kagaya ng Metro Manila, pumupunta sa Cebu, pumupunta sa Davao. At kaya naman sabay-sabay ang mga problemang yan, nararamdaman sa malalaking lungsod.

For example, kailngan natin i-develop ang Cavite, Batangas, sa South; Bulacan, Pampanga, Olongapo, Tarlac to the North; Rizal to the East. Well I further propose that not only do we develop what is around Metro Manila, we should develop the countryside. And that is what I feel will be finally the answer.

Major infrastructural developments must be laid down in order to pave the way for the development of the so-called “Greater Capital Region”, consistent in this “Dream Plan”. Pero tulad ng sikat na awitin, “Pangarap ka na lang ba? O magiging katotohanan pa!” Sana naman sa lalong madaling panahon, ay makikita na natin ang pagbabago .

Dumako naman tayo sa medyo “high-tech” na usapan. According to a study, Filipinos love social media. Right? Lalo na ang mga kabataan. 44 percent of Filipinos are active on Facebook. Kung sasabihin natin na ang population natin ay 100 million, 44 milyon sa ating mga mamamayan, sa ating mga kasamahan ay nasa Facebook bawat araw. That’s 44 million Filipinos all the time. At 44 percent rin ang gumagamit ng Internet. At sobrang babad nito, kung gumagamit hindi basta 5 minutes lang tinitignan yung email, tapos na. Dito sa Pilipinas, bawat araw, tatlo hanggang anim na oras na nakaharap ang ating mga netizens sa kanilang Facebook, sa kanilang social media, sa kanilang Internet. Halimbawa, noong last Saturday, my isang programa. Alam niyo siguro kung ano yun. 26 million ang bilang ng mga tweets. Kung gagawing boto yon, tapos na ang eleksyon. Kung bumoto lahat ng nag tweet sa isang tao, wala na tayong pag uusapan sa 2016 election. Natapos na. Ganon karami ang na-involve. Ganito lamang sa YayaDub pa lang ‘yan ah! Hindi pa yung mga tweet sa ibang bagay, sa isang programa lamang. Kaya’t makikita niyo, talagang aktibong aktibo ang ating mga mamamayan sa social media.

And this fondness for the Internet that the Filipinos have found has its recognized practical benefits. Maganda naman daw ang dulot nito. Sabi ng lahat, hindi lang naman pakikipag-sosyalan at aliw ang silbi ng Internet sa Pilipino. Alam na natin ang Pilipino na puwedeng gamitin ang Internet para sila ay lalong matuto at gumaling sa buhay, at higit sa lahat, para maghanap-buhay. Hindi lang “tsismis” at mga kalokohan ang kumakalat dito, kundi mga mahahalagang balita at impormasyon, pati na rin mga patok na mga business ideas and employment opportunities!

Ito ang katotohanan ngayon. Wala sigurong kokontra mula sa inyo. Ngayon, malawakang ginagamit ang “Jobstreet” at “JobsDB” sa paghahanap ng trabaho. Even YouTube has become a source, a site which we use to find jobs, to find further information, and kahit na parang instruction sa inyong mga hanap buhay. It contains thousands of educational, self-help and training videos, as well as practical and technical lessons and demonstrations. For example, mapapanood mo sa YouTube kung paano magkumpuni ng latest na cellphones at tsaka mga device.

Ibig sabihin, hindi lang laruan ang Internet natin, kung hindi ito ay mahalaga na sa buhay ng bawat Pilipino. Sa katunayan, isa na itong pangangailangan. It is not a luxury. It not an entertainment. It is not a toy. It has now become a necessity. Siguro sa katunayan, kung titignan natin ang paglawak ng Internet, mga five years ago, yung sinasabing volume of business that was conducted and perfected in the Internet surpassed the level of business that was done face to face in the traditional way. In other words, mas importante na sa hanap buhay ang Internet kesa sa yung magtatayo ka ng kailngan at magbebenta ka ng iyong mga gamit sa opisina at pakikipag meeting para guamwa ng mga negosyo, ay ngayon, lahat na, karamihan nito ay ginagawa sa Internet. Ganon na kaimportante ang Internet para sa atin. Kaya’t makikita natin. Walang lumilipas na isang araw sa inyong buhay na hindi ginagamit ang Internet. Magpopost sa FB, o kung minsan nila-live stream lang yung Yaya Dub.

Dahil sa kahalagahan ng Internet sa buhay ng Pilipino, dahil sa mahahalagang silbi nito, may panukala sa Senado na magbigay ng libreng Wi-Fi signal sa mga pampublikong lugar sa buong Pilipinas. Tatlong bilyong piso (P3 billion) ang naiilalang pondo para sa proyektong ito. Makikita sa palakpakan ninyo na talagang importante ito at maganda sana. Ginagawa na rin ito sa ibang bansa.

Pero ang akin lang, parang may kulang. Tama, kailangan natin ng free Wi-Fi signal. Pero ano ang kagandahan ng libreng Wi-Fi kung sobrang bagal naman nito? Pagdating sa Internet connection, tayo sa internet connection ay number 2 ang Pilipinas pero di number 2 sa bilis, number 2 sa kabagalan. At nakakahiya, alam niyo kung sinong number 1 na bansa sa pinaka mabagal na internet sa buong mundo? Yung kaisa-isang bansa na mas mabagal ang internet kesa sa Pilipinas: Afghanistan! May gera dun! Kaya’t di talaga sila makapagpalagay ng fiber optic, kaya naman sila’y di makapag-download ng mga torrent. May gera dun! Ngunit tayo, wala naman gera dito, bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon? We are, in Asia the slowest internet and bukod pa ron, the most expensive internet. At the average internet speed in the Philippines is about 3.6, 4 mbp. You know what the internet speed is in South Korea? 7GB! Wala ng mga megabyte. Gigabyte na ang pinag uusapan nila. Kaya tayo naman, kailngan na natin mag-habol.

Pati ba naman sa internet, may trapik pa rin?!

Kung gusto nating palakasin ang ekonomiya ng bansa at mga bayan ng Maynila, kailangan maganda at mabilis ang ating Internet connection. Government should find a way to fix this.

Kanina nabinanggit ko na mahalaga ang DISIPLINA sa ating lipunan. Kaya pag may libre at malakas na internet connection, dapat natin itong gamitin sa tamang paraan, at hindi naman siguro tama sa palagay ko na 24/7 nagka-Clash of Clans lang. Wala naman kayong natututunan na kahit na ano.

Why have I come here and talked to you about all these problems that we feel here in Metro Manila? That I say are a part of the problems that our felt all around the country? How did we come to this? Paano nangyari ito? Bakit tayo umabot sa ganitong sitwasyon? Sa aking pananaw dahil kahit papano ay kailngan natin tumingin sa ating political leadership. All the past few years, the past governments have found, have included in government policy, not the unification of our country, but the the polarization of our country. This kind of confrontational governance or because it is no longer politics. Tapos na ang pulitika. Tapos na ang eleksyon. Lahat programa na. Lahat n gating mga opisyal. Ngunit patuloy parin ang pag-aapi sa mga kalabang pulitiko. Tuloy parin ang paghuhusga sa mga projects at mga programa, hindi dahil sila’y maganda o sila’y makakatulong sa tao, kung hindi, makakatulong sa kapartido niya. Ang ganitong klaseng pinag sasabong-sabong ang mga Pilipino. Idinadamay ang mga Pilipino imbis na nagkakaisa at ipinagsasama-sama. Upang ang balik sa atin, an gating pagkakakilala na tayo ay Pilipino at ang tutulong lamang sa Pilipino, kapwa Pilipino rin. Ngunit hindi yan ang pag-iisip ng ating mga… Ang napapag isip natin is divide and conquer. That is a complete mistake. That has led us to this situation because we’re a fractured society. Because we’re recognized only according to political color. Ang nangyayari dito, imbis na pinaguusapan ang kapakanan ng taong bayan, ang pinag uusapan lamang ay papaano maiiwan sa mga pusisyon ang matataas ang mga nakaupo at papaano labanan ang mga kalaban sa pulitika at papaano matutulungan ang kanilang kapwa. This is the tragedy that we have paced in the past few years. But now we have been through this so many years. Nakita naman natin ang naging resulta ng ganitog klaseng pag-iisip. At kailngan na nating palitan yan. We have to return to the idea that we may be Ilocanos, we may be Tagalogs, we may be Bicolanos, bisayas, we may come from different parts of the country, but we are Filipinos. And we must recognize that we have no enemies in the Philippines. I have no enemy that is a Filipino. Every Filipino is your countrymen. Every Filipino is someone who you must help, who you must assist who you must find a way for them to live a better life. That is the way, that is what government should be. That is what public service means. Dati na natin naririnig sa ating mga lider noon nakaraang, matagal na, di pa siguro kayo napapanganak, ngunit nung panahon noong aking ama, ay dami kong naririnig we are in the business of nation building. We are here to make a better life for our people. We are putting together the different kind of elements that we have to put together to have a strong, a vibrant, an interactive society. That will have a singular purpose to make a better country. To make a better life for our people. We are building a nation.

Hindi ko na naririnig ang salitang “nation building” ngayon. Ang naririnig nnalang natin ay, lalo na pagka hati-hati, pag-aaway away ng mga Pilipino. Well most of you I’m sure know that, I’m sure you have heard the very famous quotation of Abraham Lincoln when said “A house divided against itself cannot stand”. That is where we are now.

Our leader have decided to divide our house against itself. Our leaders have decided that we will take sides against each other. Papaano mo naman kakampihan… How is that possible? And if you do that, we have seen the results.

So that is why it is very important many of you will be voting in 2016. Many of you will be voting perhaps for the first time. And I encourage all of you to register. I encourage all of you to vote. Because in the one single power that you as an individual, you as an ordinary citizen of the county, has a voice to decide the future of the country. To decide which leaders you would like to vote into high office to lead this country. To provide freedom for this country. So when the time comes for you to vote, let us remember the affects of this divisive policy. The result of which, an incomplete type of progress and instability within our own society. The closest by which we are set against one another. How can that be a good thing? So when the time comes for you to vote, pag aralan ninyong mabuti kung sino ang mga humihingi ng inyong mga boto. Alalahanin ninyong mabuti kung ano ang naging record nila. Sila ba ay hinahati ang Pilipinas o sila ba ay pinagkakaisa ang Pilipinas? Ang ating kailngan dito sa darating na halalan. Ang ating kailngan na lider sa darating na ilang taon. Para naman tayo’y makahabol. Para’y maramdaman natin ang galling, ang sipag, ang tiyaga, ang bait, ang husay, ng mga Pilipino. Hindi lamang bilang OFW. Kung hindi bilang isang empleyado, bilang isang estudyante, bilang isang naiwan dito sa Pilipinas na nag hahanap buhay.

It is time for us to take those qualities that make Filipinos remind you the best people of the world. I have been to many places and after all these years I have come to the conclusion the best people in the world, are still Filipinos. There’s nobody that works as hard as Filipinos. Hindi ba ang biro sa OFW ang tawag sa mga nurse mga overtime queen. Kasi kapag may overtime yung mga puti ayaw na. sila sige sige mag oovertime kami masisipag masyado.

Lahat, kapag nakikitang OFW, pagpipilian ng mga empleyado kung maraming iba’t-ibang nationality, pag nakitang Pilipino they prefer the Filipinos. And that is because not only do we work hard, not only our we resourceful, not only are we well trained, very intelligent, very kind. We all do this with graciousness. Lagi tayong naka ngiti. Lagi tayong tumatawa. Where do you find that? What other nationality will you find that kind of faith where we are in the most difficult of times. And it is time that we recognize that. And it is time that we look back at those qualities to work in all directions. To follow one plan. To follow an idea and that idea will be thew betterment of the country. The betterment of the life of our people, not the betterment of an individual. Not the maintenance in power of anybody. But the betterment of the Filipino. That is the dream. That is what our country is looking from us today. This is your chance. To make that choice to make that dream a reality. The country looks to us in governance for that. Together we can achieve this. Thank you everybody.

Back to Blog