Speech at the opening ceremonies of Ermita Cup in Balayan, Batangas

Maraming salamat Kagawad, ang dating Vice Mayor, ngayon Konsehal Meldos Castelo, na aking ka-debate kanina nung presscon, kagaya ng ibinabalita niya sa inyo at sa buong bansa. Nais kong batiin ang ating host, Congresswoman Eileen Ermita-Buhain. Nandito rin po ang aming kasamahan din sa Kongreso, Congressman Mark Llandro Mendoza, at syempre po ang kasama ko sa Senado at kasama ko din tapos sabay sabay kaming pumunta dito upang ipakita ang aming supporta sa Ermita Cup: Senator Cynthia Villar.

Babatiin ko din po ang ating mga municipal mayors na nandito upang suportahan ang kanilang mga champion na maglalaban dito sa palarong ito: Mayor Manny Fronda ng Balayan, nandito si Vice Mayor Rante Macalindog of Calaca, Mayor Cherry Alilio of Lemery, Dr. Isagani Bolompo of Lian, Vice Mayor Raul Landisona of Lian, Mayor Michael Montenegro ng Taal, and Mayor Jose Cerrado of Tuy.

At hindi po kumpleto ang ating pagbati kung di ko babatiin ang pinaka-kilala na taga-Balayan. Kanyang ikinukwento, ibinibida nya sa akin na dito daw siya lumaki. Nung siya ay isa pa lang bata, itong plaza na ito, ay dito siya naglalaro. Ang matagal nang nasa serbisyo military, naging Congressman din, naging Representante at naging Executive Secretary, si former Executive Secretary (Eduardo) Ermita.

Magandang hapon po sa inyong lahat mga kaibigan. Kami po ay nagagalak na nagkaroon ng pagkakataon na makasama kayo dito sa inyong palaro na Ermita Cup. Ang Ermita Cup po ay balitang-balita na at kilalang-kilala na, dahil ito ay nagkaroon na ng ilang producto na hindi lamang naging professional athlete kundi ay nagkaroon ng mga athletic scholarships sa iba’t-ibang mga eskuwelahan.

Kaya makikita po natin kung gaano kahalaga ang mga palaro at mga pagsali at paglahok sa mga sports events kagaya nito dahil po sa palakasan na atin pong sinusubukan at sinasabakan ay marami pong natututunan ang ating mga kabataan. Hindi lamang na sila ay nalalayo sa mga di kanais-nais na mga droga, o sa krimen kung hindi natutunan po ang disiplina, natututunan po ng teamwork, natututunan po kung paano ang magtiyaga at magsipag upang magkaroon ng tagumpay.

Kaya naman po ay mai-congratulate ko na ang ating mga athleta na nandito ngayong araw na ito na nakikilahok at maglalaro mamaya dito sa palarong Ermita Cup. Dahil kayo ay champion na doon sa inyong mga pinaggalingang bayan, sa pag punta niyo dito ay itinatayo at itinataas ang pangalan ng inyong mga bayan na nire-represent kaya’t napaka-importante na maging maganda ang inyong performance.

Ngunit sa paglahok ninyo sa pagsubok na ito, pagsabak niyo dito sa pagsubok na ito, makikita natin na ang napaka-importanteng matututunan sa sports ay nasa inyo na. At sana ang ating mga muntiin palaro sa darating na mga game ay magiging maganda, malinis at maging maipag mamalaki ng inyong mga inirerepresent na mga bayan .

So goodluck sa ating mga athlete! Congratulations sa lahat ng organizers, ang unang nagtayo ng Ermita Cup–si General ang tawag ko po sa kanya hanggang ngayon ay General Ermita, dahil ayon po ang pagkakilala ko sa kanya mula nung panahon pa nung siya ay nagseserbisyo sa militar sa panahon ng aking Father. Siya po ang nagtaguyod at nag simula ng Ermita Cup, so I congratulate him for his foresight in recognizing the importance of sport in the development of our young people in the development of our community–sana ay ipagpatuloy ninyo.

Nasa 13th Year na kayo, at sana ay ipagpatuloy ninyo para sa inyong susunod na kabataan ay maramdaman din ang mga advantage na makukuha nila sa ganitong klaseng pagsubok, sa ganitong klaseng palaro, sa ganitong klaseng palakasan.

Congratulations po sa inyong lahat, goodluck sa ating mga atleta at mabuhay ang Ermita Cup. Magandang Hapon po sa inyong lahat!

Back to Blog