Speech at the 40th reunion of Kabataang Barangay – Manila Chapter

Pang apat na pung celebration ng anibersayo ng Kabataang Barangay. Maraming salamat at kagaya ng sabi ko, syempre nakakataba naman ng puso na makita kayo, nandiyan pa rin kayo. Actually ang katotohanan bago ako mapunta dito kaninang umaga, nakausap ko si Gov. Imee. Sabi ko sakanya, mayroon kaming kaunting pulong-pulong ng mga KB ng Manila at mga iba pang lugar. Kaya sabi ko, sana makapunta ka. Sabi, nandito ako sa Ilocos, marami kaming ginagawa, hindi ako makakarating. Magpapadala na lang daw siya ng mensahe galing sa kanya through me. At ang kanyang mensahe ng inyong boss Imee sa inyo, magmula ngayon, ang KB ang kahulugan ay “Katandaang Barangay” na. Sabi ko naman, pagbigyan mo naman kami. Namimilit pa rin kami maging youth. Sabi, kahit ano pang gawin ninyo, kahit na ano pang make-up ang isuot ninyo, kahit ano pang retoke pa ang gawin ninyo, halatado kayo na katandaang barangay na kayo. Alam niyo naman iyung kapatid kong iyun. Mas siga pa sa akin iyun. Ngayon it is official. KB stands for Katandaang Barangay. Mamaya magtatanong ako sa inyo. Sino iyung last batch? Sino iyung first batch? Walang aamin ng first batch. Lahat last batch. Sino ang first batch dito? This is where it all began. Second batch? Sinong nandito na second batch? Ayun! Mayroon pa sa likod. Last batch?

Hindi ko rin makalimutan. Talagang iba iyung pagsasama- iyung samahan noong Kabataang Barangay. Hindi lang iyung comradery at hindi lamang iyung pagkakaibigan, kung hindi iyung trabahong ginawa natin. Alam ninyo, recently kakapasa lang namin noong SK Reform Bill. Ang nangyari diyan, noong parating ang SK election, ang dami nagrereklamo. Lalo na iyung mga congressman. Sinasabi nila abolish na lang daw iyan dahil wala naman daw nagagawa ang SK at maraming problema, marami silang reklamo, marami silang pamimintas, marami silang sinisisi sa SK, etcetera. Sabi ko, kung mayroon mang problema, ayusin natin. Ayusin natin iyung SK para maging mas reactive, para mas may magawa naman ang ating mga youth movement.

Kaya noong sinasabi ko, noong sinisimulan ko isulat iyung reform bill ng SK, sabi ko, ano ba talaga ang gusto natin? Ano ba talagang dapat nating gayahin? Ano pa? Kung hindi ang KB. Bakit naman? Bakit natin sasabihin? Gagayahin natin just because iyan ang youth movement noong panahon ng father ko? Hindi dahil diyan. Syempre nakita natin, ang isang katangian na talagang over the years kitang-kita ko, lahat na dumaan na KB ay tuloy-tuloy pa rin na nasa serbisyong publiko, in some way or another. Either naging kandidato na, naging governor na, naging senador na, nasa gobyerno, sa department, nasa staff ng congressmen o naging mayor na. Lahat. I would say 80%. That is just an estimate sa mga nakakausap ko. Pero otchenta pursiyento siguro na nasa KB, in one way or another, masasabi ko nasa serbisyo publiko pa rin. Nakikita ko, kayo magkakasama pa rin, you’re still in touch with one another, nagkakausap pa kayo. Talagang may pinagsamahan. Kaya’t tinatanong ko sa mga trainor niyo, tinatanong ko pati na kay Gov. Imee, sinasabi ko, kaya napunta sa akin iyung pagsulat ng SK, syempre iyung pinakamagandang nakita kong youth movement, iyung KB. Tapos nanotice ko, gusto ko makuha iyung nangyari sa mga dumaan ng KB training na pagkalabas nila, talagang buong loob pumasok sa serbisyong publiko, tapos hindi na umalis. Not necessarily in government, but always in public service in one form or another.

So tinanong ko lahat ng mga nagtrain sa inyo, lahat noong mga namumuno ng KB, at isa ang sagot sa akin. Iyung mga SK ngayon, iyung mga kabataan diyan, para malaman ninyo kung ano iyung kinaibahan, sinasabi ko, bakit ang KB kahit papaano nasa serbisyo publiko pa rin? Bakit ang KB kahit papaano parang buo pa rin? Isa lang ang sagot noong lahat, kasi iyung training namin may ideology. Mayroon kaming isang panindigan, isang paniniwala. Kaya sa lahat ng aming ginagawa, sa lahat ng serbisyong ibinibigay namin, itong paniniwala, itong pagmamahal sa kanilang bayan ay ito ang nagiging motivation namin. Kaya ipinapagpatuloy namin.

Ito ang nakikita natin sa KB. So kahit kwarenta anyos na. 40 years is not a short time. Syempre lahat tayo, kinakamot pa natin ang ulo, where did the time go? 40 years on we are still working for the same theme. We are still working for the betterment of the country. We are still working for the ideology that we believe is best, that will help our country the most, that will help our people at the most.

That is what parang nawala sa atin ngayon. Parang nawala sa atin ngayon dahil unang-una, iyung SK- not to downgrade you efforts, pero hindi seryoso ang gobyerno na talagang pagtibayin iyung youth movement- iyung para palakasin, para marinig ng lahat ang boses ng kabataan. Hindi kinikilala ang halaga ng boses at ng galaw at tiyaga at sakripisyo na nanggagaling sa kabataan. That’s why although the SK was formed, it was formed I believe only in response to the requirement that we have a strong youth movement. Parang hanggang ngayon, siguro iyung mga KB, iyung mga KB Chairman, siguro pag kinuwento ninyo kung ano iyung mga trabaho ninyo noon bilang KB, under the Office of the President. Hindi nila makapaniwala na ibibigay iyung ganyang kapangyarihan sa mga kabataan. That was because my father clearly recognized the importance of the youth movement because he recognized the energy, the ideas, the commitment, the passion, that sometimes kaming mga nakakatanda na, syempre lumalaho din iyan, iyung sa kabataan talagang ramdam na ramdam mo. It was his idea that we should harness that energy. We should harness that talent. We should harness that interest. We should harness that commitment and that passion. That’s why KB was formed.

He was right. Para rin makikita natin after 40 years, the organization remained strong. Most importantly, the organization remains true to its original intent. That is to give voice to young people in the interest of public service and of nation building. Ilang beses niya inulit iyun. The interest in a public interest and of nation-building.

Hindi na natin naririnig iyun ngayon. Kaya itong kampanya ko bilang bise-presidente, tinatanong sa akin, ano ang plataporma mo para sa gobyerno? Sabi ko, kung gusto niyo pag-usapan kung ano dapat gawin sa presyo, kung anong gagawin sa illegal na droga, kung ano iyung gagawin natin sa agrikultura, puede natin pag-usapan. Ngunit sa palagay ko, ang puno’t-dulo nito ay ang pagkakaisa. Nangyari sa atin dito sa Pilipinas, binaliktad ang gawain ng pamahalaan. Whereas noon, pinagsasama-sama. Ipinagbubuo lahat ng Pilipino. Napunta tayo sa isang lugar na sinasabi, kahit na tayo ay Ilocano, kahit na tayo’y Tagalog, Bicolano, kahit saan man tayo nanggaling, ay lahat tayo sa puso natin, tayo ay Pilipino. Kaya’t kailangan natin tulungan ang Pilipinas. Kailangan natin gawin ang lahat para sa kapayapaan ng ating kapwa Pilipino. Iyun ang dapat. Paano natin gagawin iyun? Pagsunod sa ideolohiya, the Philippine ideology which is something that we still are fighting for- the Philippine ideology that is appropriate for the Philippines; that is responsive to the needs of Filipinos and of the Philippines.

Nakakaunawa kayo ng kasaysayan ng ating bansa, nakakaunawa kayo ng political theory dito sa ating bansa, nakita ninyo the evolution of politics. Lahat iyan pinag-aaralan ninyo with a commitment not to one person, not to one government or to one party. Ang commitment ninyo ay sa Pilipinas. That is something we have to return to. Kaya’t lagi ko tinitignan. Lagi ko pinagmamasdan, lagi ko pinag-aaralan, paano nagawa iyan sa KB?

Unang-una, malakas ang suporta ng Office of the President. Ramdam na ramdam niyo rito na talagang nasa likod ninyo ang opisina ng pangulo. Syempre nagrereport kayo kay Imee. Diretso naman siya magreport sa Pangulo. Kaya’t nakita naman ninyo na talagang very responsive ang inyong naging organisasyon. So lagi ko pinag-aaralan paano ba natin gagawin iyun. Siguro panahon na na maibalik sa ating mga lider, na mabalik sa kanilang pag-iisip na iyung kanilang ginagawa na pinaghahati-hati, pinagaaway-away ang mga Pilipino para sa pulitika. Kahit na masakripisyo ang Pilipinas, kahit hind maging maganda ang performance para sa mga Pilipino, basta’t para sa partido , basta’t para sa sariling kandidatura, kahit ano ang gagawin. Pinagaaway-away nila tayo. Imbis na ipinagbubuklod-buklod, pinagsasama-sama ay ito ay ipinag-aaway. Kaya’t kailangan na natin palitan iyan.

Alam na natin this has been happening. Mga ilang administrasyon na iyan. Si President Erap ang titignan natin, talagang nagkaisa ang ating bansa. Iyung mga ibang naging administrasyon, kitang-kita mo. Imbis na intindihin ang kapakanan ng ating kababayan. Ang iniintindi lang ay pulitika. Iyun ay kaya’t napaka-importante. Ito ang analysis ko, napaka-importante iyung youth movement ng KB. Hindi tinutro sainyo ang KBL. Ang tinuturo sa inyo ay ideolohiya. Kung paano magserbisyo sa bansa. Ito ay parang nawala na. Hindi lamang sa taong bayan, kung hindi sa ating mga lider.

Kaya kailangan natin ibalik muli. Kailangan ninyo ibahagi ulit sa ating mga kabataan. Hindi lamang sa kabataan, kung hindi sa lahat ng ating mga kababayan at lalong-lalo na sa ating mga lider na hindi magiging mas maganda ang Pilipinas, hindi natin mahaharap at maaayos ang problemang hinaharap ng bawat mamamayang Pilipino kung hindi tayo magkaisa. Dapat ang pulitika ay mayroon na. Ngunit dapat pagkatapos ng halalan, isang tabi muna natin ang ating pamumulitika. Isang tabi muna natin ang ating partido. Isang tabi natin ang ating sarili. Ituon natin sa pag-iisip kung papaano pagandahin ang Pilipinas.

Ito ang inaantay ng ating mga kababayan. Ito ang hamon sa atin siguro dtio sa darating na halalan. Kaya’t siguro dapat natin turuan ang ating mga kasamahan, ang ating mga kakilala, ang ating mga kamag-anak, na kailangan natin maghanap ng mga kandidato na sa darating na halalan na masuportahan para naman itong mga kandidato ay magtatrabaho para pag-isahin muli ang ating bansa. Para maalala ulit na tayong Pilipino lamang ang magmamahal sa kapwa Pilipino. Ang mga Pilipino lamang ang tutulong sa Pilipino. Kung hindi tayo ang gagawa, walang gagawa sa atin na pagandahin ang Pilipinas. Walang gagawa para sa atin na magbibigay ng ginhawa. Kahit na kaunti lamang sa ating mga kababayan.

So it is up to us. That is the challenge that we face. That is the challenge we have always faced from the very beginning of this movement. That is the challenge and it seems that those challenges, although we have met them and we have faced them and in some case we have succeeded in the face of those challenges; those challenges have remained unanswered today and in the past years. It is time for us to once again remind ourselves that ideology- what we held central to all our principles; that ideology that everything should fall by the way side in the effort of nation-building and in the effort of helping our country. Ito ang hamon sa atin ng ating mga kababayan. Ito ang inaasahan at pinapangarap ng ating mga kababayan. Panahon na siguro na ibalik natin ang pagkakaisa ng ating minamahal na Pilipinas.

Let the unity; let the healing begin here.

Maraming salamat. Magandang hapon sa inyong lahat.

Back to Blog