Speech at LMP Visayas Island Cluster Conference

And has taken on a more vibrant role in governance, especially in the teaching and the learning, the training of best practices, the honourable Mayor Sandy Javier, LMP President. The Vice-President for Visayas, of the LMP, Mayor Aljun Diamante. The LMP President for Iloilo, our host for this conference, the honourable Mayor Niel “Bing” Tupas. I saw Congressman Jerry Trenas earlier, but I think maybe he may have already left the hall. Nakita ko rin ang former Congresswoman Rachel Arenas. Ating mga butihing mga Mayor sa buong Bisayas na nagtitipon-tipon dito, para sa ating LMP Visayas Conference, magandang gabi na, magandang gabi sa inyong lahat. Good evening to you all.

I was looking at your program, at nakikita ko ang inyong mga naging bisita, at noong nakikita ko ang inyong mga naging bisita, nakumbinse na nga ako na ito ay campaign period na. Ngunit, ako’y nakakaiba. I am here today I attend the LMP conferences and meetings not as a prospective national candidate, although I am that, but more in my role as the Committee Chairman of Local Governments in the Senate. I have been the Chairman of the local government in the Senate since I first became Senator. This is because hiningi ko talaga ang chairmanship ng local government, dahil sa aking pananaw, siyempre ang pinanggalingan ko, naging Governor ako ng nine years sa Ilocos Norte. Doon ko na-appreciate at nalaman at nakita kung gaano kahalaga, gaano ka-importante ang ating local government units. Hindi lamang kung gaano ka-importante ang role na ginagampanan ng ating mga local government executives, kung hindi, nakita ko rin, na malaki ang kakulangan ng suporta ng national government sa ating mga local government executives. Kaya naman ay sabi ko, noong naging Senador ako, ang sinasabi ko sa aking mga kapwa governor, ito na ang chance natin. Lahat ng nirereklamo natin na hindi ginagawa sa national government, na tayong mga governor, iyong mga kasamahan nating mayor, pati na yung mga barangay officials, marami tayong naririnig na reklamo, marami tayong naririnig na sinasabi. Sabi ko this is an opportunity for once that there will be a voice for local government in the national government. I am happy to be able to say, kahit papaano sa panahon noong ako’y naging Chairman ng Local Government Committee, ay marami naman tayong naipaliwanag, naipakita na pagbabago para nga sa pagpatulong sa ating mga local government units.

Siguro lamang, iyong tuloy-tuloy pa rin na hanggang ngayon, na ang ating hinihingi sa national government hanggang ngayon, ayaw pa rin ibigay sa atin. Ano iyong tinutukoy ko? Ito ang ating laging hinihingi, na pangkaragdagang IRA share. Lagi kong pinapaliwanag at sinasabi ko, alam ninyo, kapag kinalkula, paulit-ulit, paulit-ulit kong sinasabi, siguro iyong mga kapwa kong Senador nakukulitan na sa akin, pero lagi kong pinapaalala sa kanila, alam niyo ba na sa kinukuha na IRA share, ng ating mga local government units, mayroon silang PS version twenty percent, may economic refund, by the time na lahat ng mandatory appropriations na sinasabi natin sa kanila tapos idadagdag pa iyong kung ano-anong function dinadagdag. Sinasabi magkakaroon ng housing mort, magkakaroon ng bagong item dahil nga sa building, green building, kung ano-ano. Kako, ang problema kasi, lagi tayong nagbibigay sakanila ng panibagong function, wala naman silang binibigay na pondo, wala rin tayong binibigay na training para tulungan sila palakasin, patibayin iyong kanilang kakayahan. So, that is what I have always been crusading for, advocating for- is added support. Not only in terms of funding, but also in terms of technical training, in terms of technical assistance, monitoring, etcetera para matulungan ang ating mga local government executives.

Of course, at the forefront, sa ngayon iyong kauna-unahan sa lahat-lahat ng ating ginagawa, ay para padagdagin sana ang ating IRA. Ginagawa namin ito sa dalawang paraan. Dahil ang unang-unang nakita namin is that, noong panahon pa ito ni Secretary Jess Robredo, ay unang-una, kaming dalawa iyong gumawa ng unang plano, ay nakita namin at matagal na namin sinasabi, mali ang interpretasyon ng DBM doon sa local government code na sinasabi ay ang IRA share ay manggagaling sa national collection ng pamahalaan. Ang DBM na interpretation, sinasabi nila, ay ang ibig sabihin lamang nito ay iyong koleksyon ng BIR, ng Internal Revenue. Ngunit, kung titignan natin, ang definition ng BIR mismo, sa national collection kasama dito ang customs, kasama dito ang VAT, kasama dito lahat. Dahil kung tutuusin natin, ang customs is only a collecting agency ng BIR. They are deputized by the BIR to collect. Kaya’t ang koleksyon na kinukuha ng customs ay kasama iyan sa kinokolekta ng BIR. Kaya’t ang aming sinasabi, matagal na namin sinasabi, ay dapat baguhin natin ang interpretasyon dahil mali iyan. Kinakalkula namin kung mabago ang tinatawag na tax base na pinagkakakuhaan ng IRA share, na forty percent for the local governments, kung masama lahat ng koleksyon ng gobyerno, the calculation we made was three years ago, magkakaroon ng dagdag na ninety-two plus billion ang LGU share sa IRA. Sa ninety-two billion na iyon, ang aming pinaplano ay unang-una, kung magtayo ng pondo para doon sa tinatawag na normalization or adjustment fund.

Ano iyong adjustment fund na gagawin? Iyang pondo na iyan ay ibibigay sa parang tulong sa ating mga LGU’s para naman mabawi iyong biglang dinevolve na mga function, kagaya ng agri, lalong-lalo na sa health, na biglang mabigay iyong PS na nagyari doon sa pagdevolve. Dahil ang national, alam naman natin iyan, lahat ng mga mayor dito na may ospital sa kanilang mga bayan at pagka nasama ang mga hospital personnel sa local government ay mas mataas ang pay grade ng mga national kaya’t nabibigatan tayo lahat ng husto. Naaalala ko, kami sa Ilocos Norte, may Presidente dumaan sa amin, edi ang yabang namin dahil marami kaming ospital, noong dinevolve walang kasamang pondo. Ang bigat-bigat.

Kaya’t naiimagine ko lahat ng mga ibang probinsya, lungsod at saka bayan na may ospital o mayroong kahit anong facilities, nabibigitan. Kaya’t doon sana gagamitin ang pondong iyan. Iyang pondo na iyan isa pang gamit doon sa magiging additional collection, additional IRA share, ay gagamitin para tumulong sa mga sixth, fifth, fourth class municipalities. Dahil ang ating dapat alalahanin, kahit na gusto natin, ninanais natin talaga, na hind imaging dependent na ang ating mga bayan, ang ating mga LGU, sa IRA ay iyong mga iba halimabwa ay hindi makaahon. Kailangan talaga ng tulong. This is something that we have to look into. Sa ngayon ay matagal na nating hinihingi. Matagal ng hinihingi sa executive department ang pangkaragdagang IRA share. Ngunit sa ngayon, hanggang ngayon ay parang inuupuan lamang. Kaya’t ang nangyari, nagkaroon ng, may nagfile na dating Congressman, at dating Governor, ng kaso sa Supreme Court na baguhin, hindi lamang na baguhin iyong interpretation doon sa tax base, kung hindi, magbayad doon sa nakaraang ilang taon mula noong naging batas ang Local Government Code. Kulnag-kulang ito sa six hundred billion pinababayad nila. Pero paid naman over so many years. Sa ngayon, hanggang ngayon, inaantay pa lang natin ang desisyon. Pero sana, kami hanggang ngayon, may sinasabing, the hopes brings eternal. Hanggang ngayon, lagi ang sinasabi namin, ay baka naman makumbinse natin ang ating mga economic managers. Baka naman makita nila na talagang ang pangangailangan ng ating mga local government executives at baka naman kahit na hindi magkaroon ng desisyon pa ang kaso, ay ito na ay magkakaroon ng pagbabago ng polisiya.

Unfortunately, alam natin ang nangyari na mayroon tayong, hanggang ngayon ay inaantay parin. Parang sinabihan yata ang Supreme Court na huwag muna kasi kung magiging pabor sa LGU’s. But anyway, that is something that we still continue to advocate for. We still continue to talk about it. We still continue to try to convince members of the executives about it. And I hope that sometime soon, huwag sanang hindi na natin kailangan antayin iyong kaso sa Supreme Court.

Ang isa pang aming ginagawa para sa IRA ulit, marami tayong ginagawa, may nilalakad akong Barangay Benefits Bill para sa ating mga barangay officers, both elected and the volunteers. Marami tayong ginagawa para baguhin ang conversion ng municipalities sa city. Binabago namin dahil The Local Government Code, RA 7160 is already twenty-one years old. Sa ngayon, so iyong mga numero doon sa Local Government Code masyado ng mababa. So iyon pa ang ibang tinitignan namin. Ngunit siyempre, iyong pinaka-importante ito iyong sana makakuha tayo ng dagdag na pondo para sa ating mga local executives. Iyong isa pang ginagawa natin ay simpleng-simple lang. Baguhin ang Local Government Code at imbis na sixty-forty ang hatian, gawin na nating fifty-fifty.

It is a perfectly reasonable number, fifty-fifty. Why do I say that? It is a perfectly reasonable number because kung pag-aaralan natin ang mga iba’t-ibang bansa na nauna dito sa Asya, karamihan sa kanila ang hatian sa local government, at saka sa national government, baliktad, sixty-forty. Ang China is sixty-forty. Ang Thailand mas mataas pa. Ang Korea mas lalong mas mataas. Ang Malaysia, dahil federated, they are a federated country, ay talagang napaka mas marami talagang napupunta sa local government. Sa palagay ko naman, I do not see anything wrong with that. Dahil sa aking palagay, kahit na ano ang gawin ng ating national government, kahit na pinaka magandang policy, kahit iyong pinaka magandang programa ang kanilang ilatag para sa ating mga kababayan, kung hindi gawin ng local governments, kung hindi ituloy at i-implementa ng ating local government officials, wala rin mangyayari. Alam naman natin, lalong-lalo na kayong lahat, sa inyong mga lugar, alam ninyo lahat ng nangyayari sa inyong mga bayan. Alam ninyo lahat ang mga nagiging project, ang mga nagiging negosyo kung papasok, all of that and so you are well aware of the different problems and all of the needs of your own municipalities. That is the most important aspect of this na kailangan pinupuntahan ang ating mga mayor. Kailangan pinupuntahan ang ating mga local government officials para malaman ng national government kung ano ba talaga ang sitwasyon sa inyong lugar. Kulang tayo sa ganoon. That kind of need, needs to be, not only by increasing funding, increasing IRA, but also with closer, and closer coordination between national government and local government when it comes to policy.

It is very, very important that the national government, kaya’t kung minsan, mayroong mga reklamo ang ating mga local executives, that bigla nalang may papasok na project, wala namang sinasabi sa mga local officials, papasok daw iyan, gagawa ng projects, kung minsan mali-mali pa. Nilalagay iyong paglalagay ng tulay sa maling lugar, palalakahin iyong kalsada na wala namang trapik. At the same time, whereas doon sa kabila, kailangan na kailangan. Basta’t hindi nagkaka-coordinate sa national government sa mga local government. This I think is a big failure. Ang problema pa rin sa administrayong ito, mayroon tayong nakitang tendency, ang tendency nito, kapag maaaring gawin, pagka may pondo, at pagpipilian kung itong pondo ba ay pupunta sa national o pupunta sa local. Lalong pumupunta sa national. Bukod pa doon, iyong pondo ng local, kung maaari, kukunin kaagad iyong national. Anong unang naging directive nila? Iyong calamity fund, na ating ginagamit na savings, pag hindi nagamit, kukunin ng national government. Ngayon lang yata tayo nakarinig, pagka may project, Pebrero, Marso, puwede na magdeklara ng savings, kukunin ng national government. Kaya’t nakakapagtaka kung paano ito naging polisiya dahil sa aking pananaw, in my view this is a disdain. Because we must recognize that at the end of the day, that the economy grows from the bottom up. The economy does not grow from the bottom down.

Kung yumaman ng yumaman si Henry Sy, kung yumaman ng yumaman iyong San Miguel, ano ang mararamdaman ng taong bayan diyan? Mayroon lang iyong mga stockholders, siguro mas marami silang pera sa kanilang bulsa, pero iyong pang karaniwan na tao, hindi nararamdaman iyan. Kaya’t the progress and the betterment of our economy does not come from the top. It comes from the bottom. Because kung gumanda ang sitwasyon sa isang bayan, sabihin na sa isang barangay, iyan talaga ramdam na ramdam ng tao iyan and so if we are going to really direct our efforts, and focus our efforts to making the lives of our people better, we have go to the grassroots level. That is, in my view, it is important. You do not feel, iyong mga naririnig natin, sinasabing trickle down. Hindi totoo iyan. Ang Trickle-Down Theory does not work. Kung titignan natin ang kasaysayan ng lahat ng mga iba’t-ibang ekonomiya na sinasabi basta’t hagisan niyo ng maraming kwarta iyong ekonomiya, mararamdaman, kahit papaano bababa iyan sa taong bayan. Hindi totoo iyan. Kailangan gawan natin ng paraan. We have to make a mechanism to make sure that the wealth that is being produced by large companies, by very wealthy individuals, are somehow, there has to be a mechanism na dadalhin sa baba para maramdaman ng taong bayan.

May isang programa na nakita natin iyong tinatawag na iyong pantawid, for peace, for CCT. Sabi, maganda ito kasi maraming nangangailangan. Ngunit ang kanilang pag-implementa doon sa 4Ps, doon sa CCT, hindi ininvolve ang mga local government. At kaya naman ang nangyari, sabi ko, iyong nagdedebate kami sa Senado, noong unang pinopropose iyong pag-akyat ng budget, bakit dito sa plano niyo, hindi niyo kausap ang local government? Dahil paano ninyo malalaman kung sino sa bawat bayan At kung sino sa bawat LGU, ang mga mahihirap at nangangailangan ng tulong. Ang LGU executive, ang mayor, ang governor, ang barangay captain, walang ginawa kung hindi ilista lahat iyan. Mayroon tayong lahat, I’m sure all of you, sa opisina ninyo, pag sinabi niyo, lowest six percent, mayroon na kayong file. Hihilahin lang ninyo. Ngunit, hindi ginamit ang local government. Kaya’t parang hindi nagkocoordinate, parang walang koneksyon. Iyong national government gumagawa ng sarili, hindi nagkocoordinate, hindi sinasama ang mga local government, hindi nakikipag-ugnay sa ating mga local leaders. Kaya naman nakikita natin hindi nararamdaman ang madalas nating marinig na kayamanan na pumapasok na nagpapalaki ng ating ekonomiya. Kaya naman hindi nararamdaman ng ating mga kababayan dahil hindi isinasama ang ating mga local government executives.
That I think is a fundamental weakness that we have seen in the past few years. That is something that we have been trying to correct. So, to go back to the IRA share, ay sinasabi nga natin, gawin na nating fifty-fifty. Gawin natin, kumuha na tayo. Ito, kung iyong Bangsamoro limang probinsya, kukuha sila at mabibigay nila ng four percent ng buong national wealth, ang katumbas ay mga thirty-five, thirty-six billion kada taon, kung kaya nila ibigay doon, bakit hindi sila kagad magbigay ng ten percent para sa lahat ng ating mga LGU’s?

Hindi mo naman masasabi na mas nangangailangan ang kahit na ano doon, lahat naman naghihirap, lahat naman kumakayod. Siguro lamang iyong mga iba, iyong mga sa Maynila, sa Metro Manila, iyong mga nakapaligid, ang bilis ng kanilang progreso. But for the rest of the country, it is still a struggle. It is still an uphill climb. I have continuously brought up the idea that we should have a better understanding of how local government works. We have to have a better understanding of what local government. How the role that local government plays. We have to make it known to our economic managers that without the local government, without the improvement in the economy at the grassroots level, then all of the services, all of the programs, all of the projects that they implement, will not be felt by ordinary Filipinos and that is the whole point.

Ang dapat talaga nating gawin ay paabutin sa pangkaraniwan na mamamayan lahat ng kayamanan na pumapasok sa Pilipinas. Kung mayroon man tayong nakikitang malaki, anong sabi seven percent growth,six and a half percent growth, mataas iyon, mabilis iyon. Ngunit, iyon ang mali sa trabaho. Kulang pa rin sa ospital, kulang pa rin sa eskwela, kulang pa rin sa mga basic, iyong mga kalsada, sa infrastraktura. I also happen to be, in this Congress, ay nilagay din ako bilang Chairman ng public works and infrastructure. Kaya’t nakikita ko, ipinipilit ko, sinasabi ko, kahit na iyong maliliit lamang na project, ay malaking bagay iyan pagka sa maliliit na bayan. Kahit na maliliit lamang na infrastructure projects ay kailangan nating gawin at kailangan nating isa-isahin. Dahil hindi maaaring basta’t gumawa ka na malaking kalawak-lawak na project ay iilan lang ang gagamit noon.

So, again what we have been trying to do essentially, is to bring government back down to the people. So that ang serbisyo na idinudulot ng ating mga agency, ng ating mga department ay mapunta lahat sa local governments. Mapunta lahat sa local communities. This is something that we have to continue to campaign for. This is something that we have to continue to fight for. Not only because, para mas malaking pondo ang napupunta sa mga mayor, hindi lang dahil doon, siyempre gusto nating lahat iyon, but that’s not the only reason. It is because it’s of my firm belief that without development at the countryside, without development at the grassroots level, there will be no true and honest development in the services that government provide our people. They will not be felt by ordinary Filipinos whatever improvements that are in the Philippines.

Kaya’t kung sa bagay nabanggit na rin natin iyong eleksyon, nabanggit na rin natin ang mga campaign period, ganito na lamang ang maipapayo ko sa inyo. Simple lang. sa palagay ko, I do not think anyone disagrees with me in what I am saying dahil pare-pareho iyan. Pare-pareho ang naging karanasan natin. Ako bilang Gobernador, kayo bilang Mayor. Alam ninyo totoo ito. Kaya’t naman, papasok ngayon tayo, election period. Magkakampanya lahat ang mga kandidato sa inyo. Tignan ninyo kung sino ang mga supporter ng local government. Tignan ninyo kung sino ang ipinaglalaban. Ang kapakanan ng ating mga local government- ng ating local communities, ang ating mga countryside development. Iyan ang mga kandidato na dapat nating tulungan. Kapag ako ay pinupuntahan at sinasabi, tulungan ninyo ako dito sa Ilocos, ang lagi kong tinitignan, ano ang record mo na tumulong sa pangkaraniwan na Pilipino? Ang record mo ba ay tatapat sa isang Mayor ng isang maliit na municipality o lahat ng ginagawa ninyo ay para lang sa Maynila?

You know, sa national budget, ang mga programa na pumapasok sa Metro Manila, ay mahigit kumulang, thirty plus percent sa NCR. Hindi naman thirty percent ang tao sa Pilipinas nasa NCR. Hindi naman thirty percent na mga ginagawa ay nanggagaling sa NCR. Bakit ganoon? Bakit masyadong NCR lamang ang tinitignan? At iyong mga iba’t-ibang malalayo, hindi natutuunan. Kaya’t ito siguro ang maipapayo ko sainyo. Hindi lamang, this is not self-interest. It may be said, you are only supporting those who are helpful to local governments because you want to help yourself. Well, maybe that’s a little bit true, but that is not the only reason. The other reason is that, we believe that without development in the countryside, without a development in the grassroots level, then government is inutil. We need to be do a better job. We cannot allow this na sinasabi basta’t pag pinagsama-sama, maganda ang takbo. Hindi. Kailangan, isa-isahin. Kailangan detalyado ang analysis sa bawat bayan, sa bawat barangay, para makita natin kung ano ba talaga ang pangangailangan. Tapos kasunod doon, kailangan kausapin ng national government ang ating mga leader sa local at itanong sa kanila, ano ang kailangan ninyo? Kadalasan ng mga local government hindi lang naman nagrereklamo, nagsasabi, kasi kulang iyong ganito,iyong irrigation namin, iyong kalsada, iyong eskwelahan, etcetera. Mayroon ding solusyon. Kadalasan, the local government official will also give you the possible solutions. The best solutions to the problems that they are facing.

So, again, to go back to the peace of advice that I am giving you. It’s very simple. Try to know the records of the candidates that are asking for your support. Kayo naman ang mga leaders doon sa lugar ninyo, kaya niyo ng ipangako iyong mga botong hinahanap nila. tignan niniyo kung ano kanilang naging record. Tignan ninyo kung sino ang talagang nagbibigay ng importansya, sa ating mga local government executives, sa ating mga local government units at sino ang nakikinig sa ating mga local government units. Hindi lang nag-uutos na pupuntahan ang isang lugar, gawin mo ito, gawin mo iyan, gawin iyan. iyong nagtatanong- ano sa palagay ninyo ang pinakamalaking niyong probnlema? Ano sa palagay ninyo ang maaaring maging solusyon? Ano ang kailangan ninyo sa amin? Kung mayroon kayong mahanap na kandidatong ganoon, ay dapat ninyong suportahan iyan because it is very important that we return to the thinking of national government- the importance of local government. Ito ay paninindigan ko. Hindi lamang na ako’y naging Chairman ng local government, mula pa ito, ito’y naging bunga ng aking karanasan bilang isang local Executive. At ito ay naging tapat na ating paniniwala na dapat ibalik natin sa pag-iisip ng buong bansa, hindi lamang ng liderato, pero lahat ng mga opsiyal sa buong bansa na dapat unahin ang local government bago pa iyong mga nasa taas dahil ang local government ang mas nangangailangan at ang local government ang mas nakakaalam sa mga magiging solusyon.

This is my advice to you. Ibalik natin ito. Mabuhay kayong lahat mga Alkalde. Mabuhay ang local government.

Back to Blog