Speech at Don Mariano Marcos Memorial State University

Thank you very much for your kind introduction. I would just like of course, to greet of all my friends here in San Fernando, La Union. With us this morning is the Congressman of the first district. My classmate in the thirteenth Congress when I was the Congressman from the second district of Ilocos Norte. Congressman Victor Ortega. Our good host who was the one who made all of the arrangements for us here today and obviously napakaganda ng kaniyang pagkakaorganize. Ang ating butihing Mayor, Mayor Pablo Ortega. Also, with us here is the former Mayor, the multi-awarded Mayor. Everytime nagkikita kami she is travelling abroad because she has to receive another award from some international body during the time that she was mayor. Our Mayor, Mary Jane Ortega. At ang aking isang matalik na kaibigan, siguro hindi alam ng ating mga kabataan dito, when we, the Marcos family was left in the United States- in Hawaii and in San Francisco, at hindi kami makauwi-uwi at lagi nalang naming iniisip kung papaano ang aming gagawin para makuwi sa Pilipinas ulit at yung mga Amerikano pinagbabawal kami. Ang aming kasamahan and one of our companions, always there, always planning, always finding a way, for us to return to the Philippines and always helping us and being a friend to us, our good friend Pepe Ortega. The former Vice Governor of the province who is also with us here. The former Vice Governor Aida Aspiras. Nagtatago siya doon, I do not know why she is hiding behind. She is also one of our distinguished guests here, Apuna Konsehal. Councillor Joseph De Guzman. Councillor Ramon Laudencia. The Chancellor of the Dimsu, Chancellor Pamito Nesteros. Thank you also for your kind words. And other officials, deans of the colleges, members of the teaching staff, the non-teaching staff and personnel of the university and of course to the students of the DMMMSU. From all the different campuses who are now undergoing their National Service Training Program but who never the less found time to attend this morning’s forum. Our other esteemed guests and friends…

Thank you for your warm reception and for your welcome to me here. Once again in this campus of DMMMSU. Masaya ako at nakabalik ako at nakatung-tong nanaman sa DIMSU na tunay na malapit sa aking puso at hindi lang sa literal na paraan, dahil sa aking pangalan. Nagkataon na mayroon akong lakad sa La Union kaya’t minabuti ko na makabisita sa mga lugar na pamilyar at malapit sa aking puso. Bilang inyong halal na lingkod bayan, at bilang kapwa Ilocano, malaking bagay sa akin na makapagbisita ulit dito sainyo at parang ako’y nagbabakasyon lamang at nakauwi ulit. Bilang inyong halal na lingkod bayan, ay napaka importante para sa amin na makapiling kayong lahat at na makausap ang ating mga mag-aaral ng kolehiyo at unibersidad upang makipagbalita tungkol sa ilang sa mahahalaga at napapanahong isyu sa ating bayan ngayon.

Alam ninyo, bukod sa pag gawa ng mga batas, bahagi rin ng aking tungkulin bilang Senador ang tulungan ang ating mga kababayan lalo na ang mga kabataan na mamulat ang inyong mga mata tungkol sa mga bagay na nakakaapekto sa kanilang buhay. Ngayon, sa gayon, sila, kayo ay agad na makakakilos ng tama upang maprotektahan ang inyong mga sarili. Wag kayong kabahan sa inyong pagdalo sa talakayang ito. Relax lang kayong lahat. Sinisiguro ko na walang anumang dagdag na pagsusulit or examin na kaakibat ng pagtalak ko rito at walang… sa talakayan na ito. Katatapos lamang ng inyong mid-term exam. Siguro pagod pa kayo sa pag iisip. Puro kalyo na ang inyong mga daliri sa kakasulat. Tapos parating pa ang finals sa susunod na buwan. Ayoko namang dagdagan pa yung inyong stress. Mga stress ng ating mga estudyante sa DMMMSU.

Alam ninyo, napaka rami ang ating mga problema ngayon na bumabagabag sa ating lahat ng nagpapabigat pang lalo sa buhay na sadya mahirap na talaga. Subukan nating tignan ang ibang mga problema at isyu na nararamdaman na hindi lamang sa Maynila, hindi lamang sa La Union, kung hindi sa buong Pilipinas. Ang isang malaking problema, na hindi gaanong napapagusapan pero nararamdaman na sa lahat ng mga malalaking siyudad ay tungkol sa tubig. Wala daw, sinasabi nila, wala daw forever. Ito’y totoo lalo na’t kung tubig ang ating pinaguusapan. Bilang isang mahalagang likas na yaman, dati pang munang pinapadaan sa isang masusi at kumplikadong proseso na paglilinis bago umabot sa ating mga gripo upang mainom at magamit sa ating mga buhay. Ito ay isang hangganan at meron ding limitasyon. Especially during this time of the precarious period of El Nino which is predicted and feared to be the strongest since the 1980’s is expected to cause a destructive effect and a dry spell in our country.

Totoo yan. Medyo mahirap maintindihan ang mga nagiging proseso ng climate change at maraming nagtataka kung papaano ang gagawin natin dahil napaka lawak ng climate change. At hindi naman siguro kaya ng Pilipinas lamang para maayos itong bagay na ito. But we have to do, is we have to continuously do all that we can, and continuously try to do everything that we can so that the rains like we are feeling right now are something that we can take advantage from- not suffer because the rains have done whatever the season is. Kapag tuluyan ng tumama ang El Nino, ngayong Oktubre, hanggang sa mga sausunod na buwan mararamdaman na natin ang epekto nito. In Metro Manila, we have already experienced water interruption. We have been warned of further interruptions in the future as part of austerity measures. Parang rinarasyon na ngayon ang tubig sa Maynila. Kapag nagkulang ang ulan, bababa ang lebel ng ating mga dam. Kung mababa ang tubig sa dam, magsisimula ang pagtitipid at magrarasyon ng tubig. Sa patakaran ng ating pamahalaan, pinaka mahalaga ang tubig para una sa personal na konsumo ng tao. Pangalawa, sa supply ng kuryente at ang pangatlo naman ang tubig para sa irigasyon. Kaya’t pagka bumaba sa critical level ang tubig ng dam, unang ititigil ang irigasyon ng mga magsasaka. Na makakaapekto agad sa ating agricultural sector. Kapag tuloy-tuloy pa ang pagbaba, supply ng kuryente naman ang maapektuhan. Kaya’t makikita natin ay malaking problema. Kaya’t nagtataka ang marami, bakit kung malakas ang ulan, bakit kung panay ang bagsak ng ulan, meron naman tayong brown out? Ay hindi natin malaman. Mahirap nga talagang maunawaan. But the problem is that we have not seen any infrastructure, walang development ng infrastraktura sa nakaraang ilang taon. Wala tayong nakikitang bagong itinayo na facilities, na kalsada, na tulay, na power generation, na mga dam. Yung mga nasisisra, kapag bumabaha, hindi na naayos. Kung kaya’t palala ng palala ang problema natin. Kaya’t kailngan natin ay, dito lalo na sa parating na ilang taon ay kailngan nating tiyakin na nabibigyan ng pansin ang mga problemang napapagusapan na iyan.

Tutal pag ulan na rin ang ating napag uusapan, isama na natin ang problemang matindi na pagbabaha. Kahit pa may banta na ng El Nino ngayong bahagi ng taon, hindi parin tayo nalubayan ng malalakas na buhos ng ulan. Ano ba talaga ang meron. At tuyo at pagbaha. Ayon sa PAGASA, ganito ang nangyari ngayon. Meron tayong drought. Meron tayong pag tuyo kasabay naman ang pagbaha. Kaya’t napakalaki ng problemang hinaharap natin. Kaya’t napakalaki ng trabaho na dapat gawin n gating pamahalaan para nga bigyan ng pansin at bigyan ng solusyon itong hinaharap ng ating kababayan. Kahit sila ay nakaupo sa Malacanang, siguro hindi nila nararamdaman ang problemang nararamdaman ng taong bayan. Pero siguro dapat ipaalala natin sakanila na sa panahong ito, kinakailangan ang pamahalaan ang namumuno, nauuna sa mga solusyon na hinaharap ng mga ating, di lamang magsasaka, kung hindi lahat ng mamamayang Pilipino.

Kakatapos lang ng pinsala ng bagyong Egay, tapos ngayon may El nino pa. Pero ganun pa man, may ilang parin mga bagyo darating sa mga susunod na buwan ayon sa PAGASA. Kaya’t maghanda handa tayo. Eka nga ng kasabihan, “Galaw, galaw! Baka ma-stroke!” Alam naman po ninyo siguro mula sa mga napapanuod at naririnig ninyo sa balita. Kung anong katakot-takot na problema na kinakaharap ngayon ng mga taga Metro Manila. Pinaka matunog ngayon ay ang buhol-buhol na trapik. Sa nagdudulot ng pambabara sa ating lansangan. Samahan po natin ng matinding pagbabaha na dulot ng pagbabara ng mga drainage at estero dahil sa mga basura. Mayroon pang isang klase ng pagbabara, ito ngayon ay yung pagbabara ng ating mga ilong , mga baga ng mga taga maynila dahil sa matinding polusyon na dulot ng mahigit ng dalawa’t kalahating milyon na mga sasakyan na nasa lansangan ng Metro Manila. Lahat ng ito’y ay epekto ng tinatawag na urban congestion. Talagang nagkakabuhol-buhol na. Siguro ay napaka swerte niyo rito sa San Fernando, napaka suwerte niyo dito sa La union, napaka swerte natin na nasa labas ng Maynila. Kung maramdaman ninyo ay yung isang araw na naranasan ko ang pagpunta mula sa Quezon city hanggang sa senado, inabot ako ng apat at kalahating oras para pumunta. Wala sigurong ten kilometers yun pero ganun kahaba. Ganun katagal. At pagka nangyayari ang ganun, nauubos ang araw namin. Wala kaming nagagawang trabaho kaya’t makikita napakalaki ang nagiging kawalan sa ating ekonomiya dahil sa problemang ito. Hindi ko alam kung, palagay ko’y hindi nararanasan ito sa lalawigan ng La Union. Tingin ko naman maswerte parin ang La Union na hindi masakip at matrapik pa rito. Dahil ang inyong mga congressman, ang inyong mga chief executive dito ay tinututukan ang problema. Hindi pinababayaan maging problema bago pa pinaplano ng many years ahead ay para silang pagka dumami na ang sasakyan, pagka bumigat na ang trapik, kailngan maglagay tayo ng bagong kalsada. Kailngan ayusin natin ang takbo ng trapik. ito ay hindi nagawa sa Metro Manila. Ito ay hindi nagawa sa ibang mga malalaking siyudad sa buong pilipinas. Matindi rin ang baha sa Maynila na tinaguriang sentro at kabisera ng ating bansa, mga thunderstorms pa nga, kaunting ulan , yung mga ganitong klaseng ulan, tulad ng nararamdaman natin ngayon, hindi pa bagyo pero bumabaha agad yung at siyempre kailngan pa bang imemorize yun, kasabay ng pagbaha nariyan na naman ang problema ng trapik. paikot ikot at paulit ulit na. Sabi nga ng isang sikat na teleserye na pinapanood ninyong lahat, “walang forever “. Pero parang hindi yata totoo ang linyang iyon, dahil parang may forever, forever na may baha, forever may traffic, baha pa more, traffic pa more. Sagot ng MMDA, sobra na . Sobra naman sabi ng MMDA sobra naman ang reklamo ninyo, hindi naman forever. Mga 15 years lamang bago maayos ang problemang yan. Ilang araw, linggo o buwan labing limang taon man, ganun pa rin ang resulta. Katumbas pa rin ito ang habang buhay na paghihirap ng taumbayan. Walang sinasanto ang baha at trapik sa metro manila. Mahirap o mayaman, estudyante o empleyado, businessman, pulitiko, walang ligtas. Nakatira ka sa mataas na gusali o condo, pero ano ang problema? Paano ka pupunta roon. Hindi ka naman pwede lumipad at ayaw mo rin naman lumangoy. Ang iba nga ngayon gumagamit ng helicopter para makaiwas sa mga problema na iyon. Eh, ilan naman ang Pilipinong may helicopter, Araw araw na ang dinaranas at binubuno ng residente ng metro manila. Sa sobrang tindi ng ganitong trapik dito sa Metro Manila, nabinyagan na ito at nabigyan na ng sariling pangalan ng ating social media, Kayo, mga netizens at ang tawag ngayon sa sitwasyon sa maynila ay Carmageddon. Oh, diba ang galling! Kumpara sa end of the world. Katapusan ng mundo grabe. Rock and roll to the world, end of the world na tayo ngayon. Ang isa pang nakakatawa rito, katunog din nito ang salitang karma, para bagang ito ay bunga ng lahat ng ating pagkukulang, pagkakamali, at kapabayaan sa ating lipunan. Ngunit tayo rin at ang buong bayan ang kawawa. There is an estimate that there is a study that was made, I think it was the World Bank Ang kanilang estimate ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas hindi lang ang Maynila, ang nawawala sa ekonomiya ng buong Pilipinas. Dahil sa trapik sa maynila bawat araw is two point four billion pesos at ito ay dadagdag pa hanggat hindi maayos ang problema ng trapik. Ano ang dahilan ng lahat ng ito, kumbaga sa ulam napakaraming rekado. Mahigit dalawampung milyon tao. Two and a half milyon na sasakyan kulang at makikitid, sira sira na mga daan. Napagusapan natin ang climate change mas malakas na buhos na ulan, hindi magandang drainage tone toneladang basura at higit sa lahat ang malaking kakulangan sa ating lipunan ngayon kakulangan ng dispiplina. Tulad na lamang doon sa maynila. Yung MRT. Sa kahabaan ng edsa naku po wlang problema wala akong mapupuntahan wala kang madadaanan, walang ibang problema kundi madalas masiraan. Nadidiskaril at nahuhulog sa daan, Ang biru nga sa mga pinagmamalaki natin, tayo ang may pinakamagandang rail transport system sa buong mundo. Sabi nila paano nman naging pinakamaganda yon dahil laging nasisira e sabi namin doon sa ibang bansa wala kang nakikita na ganun na kagaya doon sa maynila. Sa Maynila iyong tren natin lumilipad, lumilipad doon sa istasyon, naglalanding doon sa edsa kahit luma iyog ibang mga yan nagpapasikat na MRT sa atin. Kung hindi sira ang aircon, sira ang riles. Kulang ang tren. Matagalang pag aagwat sa pagdating ng mga tren. Pilit na pinupuno ng sobra sobra hanggang sa hindi na magkasya at makasakay ang mga na pasahero na nag aantay sa susunod na istasyon. Tulakan pa more, balyahan pa more, kawawa ang mga bata, mga buntis, mga may kapansanan mga senior citizen. Gusto mo ng umiwas sa trapik sa daan pero trapik naman sa tren ng kapalit. Bakit ko naman nandito tayo sa La unión, bakit ko pinaguusapan ang mga problema sa Metro Manila? Dahil ang mga problema sa Metro Manila ay nakakaapekto dahil ito ang centro ng ating ekonomiya. Dahil ito ang centro ng pamahalaan. The center of government. The center of our financial community is in Metro Manila. And when these problems hit Metro Manila, these problems affect the entire economy. These problems affect the entire government bureaucracy. And because of that it affects every citizen of the Republic of the Philippines. Ang malaking katanungan, bakit nga naman nagsisiksikan sa Maynila? Ito ngang naging problema, anong puede nating gawing solusyon? Ito nga ang kabisera ng bansa at sentro ng ekonomiya. Natural na ito’y puputuhan ng mga tao. Pero kung ganitong nagsisiksikan at halos malapit ng magkagulo-gulo kailngan ng mag-isip ng ibang magandang solusyon. Kung titignan niñyo ang mapa ng Pilipinas, na tila parang imahe ng isang nakaupong aso, ang Metro Manila ay nasa bandang lalamunan ng imaheng ito. Bakit nagsisiksikan ang mga tao sa may lalagukan or adam’s Apple? Samantalang, napakarami ng mga lugar sa Pilipinas na puwedeng pagandahin at paunlarin. Tulad ng Northern Philippines. Tulad ng lalawigan ng La Unión. Tulad ng mga lungsod sa iba pang mga lalawigan dito sa Hilagang Luzon. Kaya naman ay ipinipilit namin ang mga plano ay papuntahin niyo na ngang pa-norte. Dahil kami nandun kami maayos ang patakbo ng aming mga local communities. Maayos ang patakbo at may disiplina ang mga tao doon. Hindi natin mararamdaman ang mga nangyayari sa Metro Manila. Mabibigyan ng solusyon ang problema sa Metro Manila. Kaya’t sa ngayon ay lagi naming pinapagusapan, kung maaalala ninyo yung nabitin nuon na north rail. North train. Naglalagay ng tren mula sa Fernando aabot ng San Fernando. Pinaaabot nga namin hanggang sa Batak. Pero sa ngayon, ipinipilit na namin matuloy ang train linkage between Metro Manila hanggang sa San Fernando sana mas humaba pa. Umabot pa dun sa amin sa Ilocos Norte. This kind of forward thinking, the kind of thinking that says we need to plan not for what is happening now. We need to plan for what will happen in five years. What will happen in ten years. What will happen in fifteen, twenty years. This is what we have to plan for now. This is the process that we call, Nation building. Noong ako’y bata, at sinasamahan ko ang aking ama, pagka siya’y nagsasalita. Napaka dalas Kong marinig ang salita “We are doing these things to build a country. We are doing these things to put the elements of a strong and healthy society together. We are doing all of these things to bring a better nation to our countrymen. We are in the process of natíon building. Alam ninyo, sa nakaraang ilang taon hindi ko na naririnig na pinaguusapan ang salitang “Nation building”. Nakikita nalang natin ay imbis na iniisip kung ano ang kailngan gawin para pagandahin ang ating bansa, para pagandahin ang Pilipinas, para pagandahin at gawin mas maginhawa ang buhay ng ating mga mamayanan ay ang nakikita lang natin ngayon ay puro pamumulitika. Hindi na iniisip ang kapakanan ng mamamayang Pilipino. Hindi na iniisip kung ano ang gagawin pa natin sa susunod pang taon. Ay pakiramdam nga namin mga iba, ay sabi nila, parang natulog ata yung gobyerno ng ilang taon. Well panahon nanaman. Darating nanaman ang halalan. Dapat kayong lahat ay makibahagi na gisingin natin ulit ang gobyerno. Paalala natin sa pamahalaan kung ano ang kanilang mga responsibilidad. Kung ano ang inyong pangangailangan. Kung ano ang kanilang dapat gawin. Dapat siguro ang ipinipilit at itinutulak natin itong pag iisip na dalhin sa norte ang development. Dahil napakalaki na potensyal dito sa norte. Very peaceful dito atn kilalang-kilala ang Ilokano na very masipag. Na kilalang-kilala na tayo ay maayos na magpatakbo. Kaya dapat siguro solid north tayo para magbunga at maging katotohanan na itong ating pinapangarap.

Gawin namin natin itong maunawaan niñyo ito. Gawin naman natin high-tech ang usapan. Sabi sa isang study ang mga Pilipino raw lalo na kayong mga kabataan. Napakahilig gumamit ng internet at social media. Social media capital of the world ang Pilipinas. Fourty two percent ng pinoy ang aktibong gumagamit ng FB-ng Facebook. More than fourty two million Filipinos active on Facebook. Fourty four percent naman or fourty four million ang gumagamit ng internet. At sobrang babad din ng pag gamit nitong mga social media na ito. Dahil tatlo hanggang anim na oras. Three to six hours ang binibigyan ang ginagamit bawat araw para sa internet at para sa social media bawat araw. Sabi ng study, hindi lamang nakikipag sosyalan at aliw ang silbi naman ng internet sa Pilipinas. Alam narin ng Pinoy na puwedeng gamitin ang internet para lalong matuto at gumaling sa buhay at higit para mag hanap buhay. Marami tayong mga naririnig ngayon na success stories na mga work from home, online businesses, mga buy and sell websites na tulad ng OLX.ph, ikaw na, mismong Facebook at iba pa na mga site. Pati buong industriya na call center at business processing outsourcing ay umaasa rin sa malakas na internet connection, ito ang katotohanan ngayon. Wala siguro kokontra mula sainyo. Ngayon malawakang ginagamit ang jobstreet, ang Jobs DV sa paghahanap ng trabaho. Even youtube has become an unlikely but essential virtual assistant and consultant in one own’s livelihood. It contains thousands of educational self-help and training videos as well as practical and training lessons and demonstration. Halimbawa, papanuorin sa youtube kung paano mag kumpuni ng latest na cellphone o gadget. Ibig sabihin mahalaga sa buhay ng Pilipino ang internet. Sa katunayan, isa na itong pangangailangan. Dati, ang tingin natin sa internet parang laruan lamang. Ang tingin natin sa internet para lang pampapatawa, pag tsismis, paghanap ng ating mga kaibigan. Pag gawa ng mga plano. Pero ngayon, kilalalang-kilala na ang internet ay napaka importante hindi lamang sa ating personal na buhay kung hindi pati sa trabaho at sa pag gagawa ng negosyo ay kailngan na kailngan ng internet. Yung nakaraan i think it was five years ago, when it was determined that the volume of economic activity that was conducted on the internet, lumagpas na sa economic activity sa mga tindahan sa Facebook page. In other words, more commerce, more economic activity is conducted on the internet then it is than Facebook page. Kayat makikita na natin hindi na ito luxury. Hindi na ito laruan. Ito ay isang pangangailangan natin. Siguro kayong lahat dito masasabi niño na hindi lumilipas ang isang araw ng inyong buhay na hindi kayo gumagamit ng internet. Mag popost sa FB o nanunuod, nag la-livestream ng latest episode ng yaya dub. Dahil sa halaga ng internet sa buhay ng pinoy, dala ng mga mahahalagang silbi nito. May panukala sa senado na magbibigay ng libreng wifi signal sa pampublikong lugar sa buong Pilipinas. Tatlong bilyong piso ang nais na, ang pondo sa proyektong ito. Malaki ang magiging tulong nito sa mga mag aaral pati sa mga taong gustong pumasok sa mga tinatawag na online business. Siyempre, maganda itong free wifi service. Ang akin lang, parang may kulang. Papaano naman, kahit naman may free wifi service, kung napaka bagal ng inyong internet. Alam niyo ba na ang Pilipinas ay number two sa internet speed sa buong mundo. Hindi number two sa pinaka mabilis, pero number two sa pinaka mabagal sa buong mundo. Alam niyo ba kung sino ang number one na pinaka mabagal na internet sa buong mundo kung anong bansa yun? Ang number one slowest internet sa buong mundo ay Afghanistan. May gera doon. Kaya naman mabagal ang internet. Ano ang sumusunod sa Afghanistan? Philippinbes. Kahiya hiya naman. Papaano naman tayo lalago. Papaano natin magagamit ng mabuti ang internet kung napaka bagal ng ating internet at napak mahal. We have the most expensive internet rates in Asia. We have the slowest internet rate. We have the second slowest internet speed of the world. At, tama naman na maganda yung plano na dapat pabilisin ang ating internet. Maganda rin yung plano na magbigay tayo ng free wifi sa lahat ng public áreas. Pero aanhin mo naman ang wifi signal kung wala kang Tablet or Smartphone na makakasagap ng libreng internet na ito. Nakakatiyak ako na marami paring sa ating mga kababayan, lalo na mga estudyante na walang pambili ng Tablet o computer or Smartphone para makagamit ng free internet na ibibigay ng gobyerno. Kaya ang aking mungkahi dito ay dapat maglaan din ng pera ang pamahalaan para sa ating mga pampublikong kolehiyo, kagaya ng DIMSU para makabili ng Tablet, computer na gagamitin ng estudiante para sa kanilang pag aaral. Programa para sa mga libreng educational Tablet or free educ-tablet para sa mga estudiante para sa pampunlikong kolehiyo. Papaano tayo, kasalukuyang pinag aaralan ang bilang ng public colleges at dami ng estudiante rito. At ang Budget na kinakailngan idagdag para sa mga anual Budget ng Pilipinas na para isama sa Budget ng state and local universities and colleges. Para maisakatuparan ang programang ito ay tayo ngayon lalo na marami tayong pinapadalang mga nagtatrabaho sa ibang bansa at kung sila’y pumupunta ruon. Kailngan nila makipag kumpetensya, kailngang kaya nila makipagsabayan sa lahat ng mga ibang mga nagtatrabaho na nang gagaling sa kung saan-saan sa buong mundo, paano natin magagawa yun kung hindi natin binibigyan ng pagkakataon ang ating mga kabataan na gawin ang lahat para maramdaman nila na sila rin ay tinutulungan ng pamahalaan. Sila rin ay nagiging pantay at kung hindi ay lalagpas pa sa kagalingan ng mga magiging empleyado pag sila ay naging OFW.

Naniniwala ako na itong mahalagang katambal na programa na free internet service ay makakasiguro ng tagumpay ang pag angat ng ating sektor ng edukasyon. Pero malinaw, malinaw na sinabi pon a ang free tablets ay para sa pag aaral at edukasyon. Hindi para sa ibang bagay. Hindi naman tama na ito’y naman gagamitin lang sa clash of clans buong araw, buong gabi. E mahirap naman e kailngan ding gamitin, kung bakit yan ay nilagay kasama ng inyong mga libro. Para naman sa mga ating mga guro kasi dati-rati kapag napapagusapan ang pagtulong sa educational center sa Pilipinas para sa atin ang una na dapat bigyan ng pansin ay ang suporta natin sa ating mga guro At mga empleyado para rin sa mga mag aaral na magiging future members of the Filipino world course. Mahalaga na usapin ang pagbababa ng ating mga income tax rates. masyado talaga mataas ang income tax natin dito sa Pilipinas. Mas mataas pa tayo sa ating mga bansa sa ASEAN. Mataas ang income tax rate natin, mas mataas kesa sa Malaysia, kesa sa Singapore, kesa sa Thailand, sa Vietnam. Ang problema hindi naman natin masasabi makakaangat tayo sa Singapore o mas maganda ang serbisyo na nilalalaan ng pamahalaan ng Pilipinas sa ating mga mamamayan. Kaya gusto natin sa senado na mapag usapan kung papaano ba gawin ang pagbaba ng income tax rate dahil sa aking pananaw, mas alam ng tao kung saan gamitin ang pera nila kesa sa gobyerno. I-pabayaan na natin ibigay, at pabayaan na natin magdesisyon kung saan gagamitin ang pera ng isang tao at pabayaan natin sa kung sino man may ari ng pera iyon at huwag natin sasabiin na ang gobyerno lamang ang nakakaalam kung saan ang tama. Kaya sinusubukan namin ipasya at para sa ating mga empleyado para sa ating mga guro pati narin sa lahat ng mga nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Ang ating middle class na para naman matulungan at hindi maging ganoong kabigat ang pagsisingil ng buwis sa kanila. Magandang mensahe ito sa ating mga mamamayan na bugbog sarado na tayong lahat sa mga problema at sa mga kulang at hindi magandang serbisyo ng pamahalaan. Na nauubos ang sweldo sa laki ng kaltas sa buwis. Hindi naman puede puro tax pa more. Ang mas mahala na public service ay iyan ang ating ipa-more. Na damang dama ng taong bayan. Suportado ito ng lahat ng taong bayan. Sana naman suportahin din ng Malacanang. Dalangin ko na ito ay magbubunga at maisasabatas. Tamang-tama para mapakinabangan ninyong lahat dito na mga estudiyante ng DMMMSU kapag kayo ay nagtapos na sa inyong pag aaral. Makaka-asa kayo ng ang inyong lingkod ay nananatili na inyong kinatawan at boses sa senado at sa kongreso upang hanapan at bigyang lunas ang problema ng pagsubok nararamdamang nating lahat. Ika nga ng sikat na sikat na palagay ko alam niyo na kung saan galing ito. Lahat ng bagay pinaghihirapan. Lahat ng bagay pinagsusumikapan. At lahat ng bagay ay nasa tamang panahon. Kailangan talaga nating pakinggan yan at kahit na ito ay teleserye lamang, ay makikita naman natin may sinabi namang tama para sa ating mga buhay. Kung kailan ang tamang panahon na iyon, malalaman natin. Abangan ang susunod na kabanata. Basta ang gawin natin, ipagpatuloy natin ang ating dating ginagawa. Let us maintain what we have worked for, for many many years and all your leaders here in La Union. All the Ilocano leaders in the North, and not only in the North but all the Ilocanos around the country. Ipagpatuloy natin, let us continue to maintain what we have come to call the “Solid North!” at beyond Don Mariano Marcos Memorial State University, and beyond The San Fernando and beyond the lalawigan ng La Union, and beyond…

Back to Blog