Speech at Barangay Health Workers Summit at La Union, San Fernando

…Nandoon sa Sangguniang Bayan at presiding officer na si Vice-Mayor Resurreccion. At pinagmamalaki nila na lahat sila ay unopposed. Kaya pala sabi ko kayo lang ang nakita kong kandidato na napaka-relax. Kami lahat ay stressed na kaming lahat. At iyong mga barangay officials…

Naimbag nga malem kadakayo amin!
(Good afternoon to all of you!)

Unang-una ay nagpapasalamat ako sa napaka-init ninyong salubong na ibinigay sa akin. Kasama na iyong kulay na napaka-init ang pagsalubong. Ako’y nagpapasalamat. Ako po ay nadaan kagaya nga ng sabi ng ating butihing Mayor, dadaan pa naman ang Undas, sabi ko huwag natin makakalimutan ang sakripisyo na ginawa, na ibinigay ng ating mga magigiting na SAF 44 para ipaglaban at ipagtanggol ang Republika ng Pilipinas. Sana naman ang katarungan na inaantay ng kanilang mga pamilya ay makamtan na nila dahil ibinibilang namin, nangyari ito January 25. Pebrero, Marso, April, May, June, July, August, September, October, mag Nonovember na. 9 months na ito. Wala pa tayong nakikita na galaw ng ating pamahalaan para naman makamit ang katarungan ang pamilya ng SAF.

Lagi ko pinapaalala sa ating mga kasamahan sa national government, noong sinalubong ko ang mga bangkay noong SAF 44, pagkatapos noong pagmassacre sakanila ng MILF, at ngiba’t-ibang grupo, lagi ko pinapaalala sa ating mga kasamahan sa serbisyo publiko, lalo na iyong mga matataas na opisyal ng administrasyon, lagi kong pinapaalala na noong kausap ko ang mga pamilya ng SAF 44, wala silang hinihinging benepisyo. Wala silang hinhinging scholarship. Wala silang hinihinging pabahay. Wala silang hinihinging pera. Ang hinihingi lang ng bawat isa na nakausap ko, “Huwag ninyo pong kakalimutan na mabigyan ng katarungan ang aking ama, ang aking anak, ang aking asawa”. Kaya’t hanggang ngayon, ito’y pinaglalaban natin at pinagtatanggol ang kanilang kadakilaan. Dahil nga hanggang ngayon hindi pa natin nakikita na iyong pinagmamalaki at sinasabi na noong unang dumating iyong imbestigasyon ng NBI ay kabilaan, ay nobenta ang magkakaroon ng kaso, murder lahat. Hanggang ngayon, wala pang nangyari. Tinatanong ko ng tinatanong hindi pa nila masagot kung bakit hindi nila tinutuloy ang kaso. Hanggang ngayon, noong nagtanong ako sakanila last week, noong isang buwan, sabi nila makakaroon na, we will file cases. Hanggang ngayon wala pa. Kaya’t dapat naman, huwag natin hangga’t makamtan ng pamilya ng SAF 44 ang katarungan na ating kailangan na dapat ibigay ng Republika ng Pilipinas dahil sakanilang kadakilaan at kanilang sakripisyo na ibinigay at ibinuwis ang kanilang buhay. Hindi lamang dugo, kung hindi buhay ang kanilang ibinigay para sa seguridad ng Pilipinas. Siguro wala ng kasing dalisay o dakila na pagmamahal kung hindi ang pagmamahal sa isang bansa at iyong SAF 44 ay ang pinakamagandang halimbawa na ating nakikita dito sa Pilipinas ngayon.

Ito ay isang bagay na hanggang ngayon ay pinag-uusapan. Ngunit, ako’y nagpapasasalamat sa inyong lahat. Alam ninyo kagaya ng nabanggit nga ng ating butihing Mayor, sinabi niya na ako’y kakandidato bilang bise-presidente sa darating na halalan. Alam niyo naman pag pamilyang Marcos ay tumakbo sa kahit na anong posisyon, kahit noong panahon pa ng lolo ko, panahon pa ng tatay ko, kami na na mga sumunod na lahat ng aming mga kandidatura, lahat ng aming kampanya, ay nagisismula dito sa Norte. Dahil nandito ako, upang magpaalam sa inyo. Upang humingi ng inyong suporta. Dahil ang inaasahan natin lahat ay mabuo ulit.

Dahil kung titignan ninyo ang nakaraang ilang taon, mula noong 1986 hindi na natin masyadong naririnig ang Solid North. Hindi na natin naririnig na ang mga Ilocano ay kung bumoto ay talagang sabay-sabay at tumutulong at sumusuporta sa mga kandidato na atin din. Dahil medyo pagkatapos noong 1986, tayong mga tiga Norte, inaapi tayo. Kinakalaban nila, parang pinaparusahan ang mga Ilocano dahil dito galing ang aking ama na kanilang kinalaban. Kaya naman ay sabi namin, dapat siguro ay dahan-dahan buohin natin ulit. Para marinig naman ang mga Ilocano sa national government.

Kaya naman noong 2010 ay masasabi ko, naramdaman nanaman natin ang Solid North noong ako’y tumakbo bilang Senador. Mayroon nga akong magandang kwento. Nagpustahan pa ang inyong Governor, si Gov. Manoling at saka ang Governor namin sa Ilocos Norte na si Gov. Imee, na kapatid ko. Saan daw mas maraming makukuhang boto si Bongbong Marcos sa 2010 senatorial elections. Hanggang ngayon, nagtatalo pa sila dahil sinasabi ng Governor niyo mas malaki ang nakuhang kong boto dito sa La Union. Ang sabi naman ni Gov. Imee, mas malaki ang pursyento doon sa Ilocos Norte. Kaya’t hanggang ngayon, hindi pa nakapagdecide. Kaya naman dahil nga sa pagkakilala niyan sa suporta na binigay ninyo sa akin, ang una kong release ng aking, PDAF pa noon, ang una kong release sa aking PDAF ay ten million pesos para sa La Union, sa probinsya ng La Union dahil naman maliwanag na maliwanag na lumabas ang Solid North. Ngayon, ako po ay nagsisimula muli ng isa pang kampanya at itong national elite, ay isa pang national campaign. Ang isang national campaign ay hindi magiging matagumpay kung hindi ka magpakita, hindi mo malaman, lalo na sa isang Marcos, hindi magiging matagumpay kung hindi natin masasabi na solid nanaman ang norte. Na solid nanaman ang suporta ng mga Ilocano sa ating mga kandidato na tiga-atin, na tiga-dito at nakikita natin ay nasasabi ko kaya naman sabi ko, simulan natin ang kampanya dito sa Norte. Puntahan natin ang ating mga kamag-anak, ang ating mga kaibigan, at humingi sakanila ng kanilang tulong at kanilang suporta. Para naman ay masasabi natin na mababalik sa hindi lamang sa national government, kung hindi sa nasyonal na diskusyon ang boses ng Ilocano na matagal na tayo, mga tatlumpung taon na, hindi na natin masyadong naririnig at hindi na masyadong pinapakinggan. Kailangan ibalik natin iyan.

Ako naman sa pagpunta ko sa mga kagaya nitong mga meeting na kagaya nito at nakikita ko kayo at nararamdaman ko iyong init ng inyong salubong ay masasabi ko mukhang matibay nanaman. Mukhang malakas nanaman. Mukhang buo nanaman ang Solid North. Kaya’t iyan ang ating tibay. That is our strength. Our strength is our unity. Ang ating kinakampanya pagka-umiikot ako sa ibang lugar, sinasabi ko, dapat magkaisa muli ang Pilipino. Dahil ang nangyayari ngayon, pinagaaway-away tayo alang-alang sa politiko. At pinaglalaba-laban tayo. Kaya sinasabi ko, pagka ang mga Pilipino ay hindi nagkakaisa, wala talagang mangyayari sa atin. Kaya kailangan magkaisa uli tayo kahit Ilocano tayo, kahit Tagalog, Bisaya, o Bikolano o tiga saan man ay tama iyon, hindi natin mawawala iyon. Pero aalahanin natin lagi, ang nagmamahal sa Pilipino, Pilipino rin. Ang tutulong sa Pilipino ay Pilipino rin. So, iyong message na iyan, iyang pagkakaisa, Subukan natin dito. Bigyan natin ng halimbawa ang buong Pilipinas na pwede magkaisa at pagka nagkaisa, maganda ang magiging kinabukasan. Kaya’t ipakita natin sakanila na maaaring magawa dahil mayroong Solid North na nagkaisa na dahil sa pagkakaisa ay magiging maganda at matagumpay at maganda ang kinabukasan ng hindi lamang ng mga Ilocano, kung hindi ang buong Pilipinas.

Sa sa tulong ninyo at suporta ninyo, tayo ay magpaparinig uli ng boses ng Ilocano sa buong Pilipinas at sa pamamagitan ng Solid North sa pamamagitan ng tulong ninyo.

Muli, maraming maraming salamat sa inyong napakainit na salubong. Thank you very much. Kagaya ng sabi ninyo…

Back to Blog