Speech at Barangay Health Workers Congress, Pangasinan

unnamed-3

Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.  extolled barangay health workers of Pangasinan for their genuine service and tireless dedication in addressing the basic health concerns of the people in their own communities as volunteers.

“Without you, no matter how good the plan of local government’s to deliver basic health services, nothing much can be achieved because you are the ones in the frontline of its implementation,” Marcos noted.

Maraming Salamat sa inyong pagpapakilala. Babatiin ko lang ang aking kaibigan at tukayo na Vice, Ferdinand Vice, Governor na Ferdinand, Ferdinand Calimlim. Sabi ko, siguro magaling ito dahil mga Ferdinand na kilala ko magagaling lahat iyan.

Ang ating butihing Mayor, na nagmamalaki na sinasabi, dahil lahat natatakot lumaban sakanya kahit na sa unopposed, ang ating Mayor, Host Mayor of the City of Urdaneta, Mayor Bom Perez. Kasama niya ang bokales ng ating mga city councilor na pinangungunahan ng Vice-Mayor, Vice-Mayor Franco Del Prado. Ang mga opisyal ng BHW. BPHW National President, Zenaida Pulido. BPHW District President Miss Rhoda Desamito, who gave the introduction. Ang BHW Regional Coordinator, Lourdes Dungkusit …na Barangay Health Workers na volunteer na tumutulong sa ating gobyerno…

Bago ang lahat, ako’y magpapasalamat at napaka-init naman ng salubong na natanggap ko sa inyo. Alam ko na pagka ganyan, kaya’t mabuti nakabalik ako dito sa Urdaneta na nabalik ako dito sa Pangasinan at dito sa Region 1. Alam naman siguro ninyong nagsisimula ang aking kandidatura. Ako’y tumatakbo bilang Bise-Presidente ng Republika ng Pilipinas. Lahat ng pamilyang Marcos, kapag kami ay tatakbo bilang national candidate, ang lahat ng aming mga kandidatura, lahat ng aming kampanya ay nagsisimula dito sa Ilocandia, dito sa ating mga kasamahan, at dito magpapaalam at humihingi ng suporta sa ating mga kaibigan at kaalyado.

Ako’y pumunta rin dito sa Pangasinan dahil pupunta kami mamaya at titignan namin, pupuntahan namin ang mga iba’t-ibang lugar na tinamaan ng bagyo at nabaha. Mayroon pa rin tayong mga kababayan na nagkakaproblema. I’m sure na hindi ko kailangan ipaliwanag sa ating mga barangay health workers dahil kayo ang araw-araw na nakikita ang mga sitwasyon. Ngunit, noong sinabi sa akin na mayroon daw konperensiya ang ating mga barangay health workers, sabi ko kailangan kong makausap ang ating mga barangay health workers. Dahil masasabi ko noong ako ay naging Governor ng Ilocos Norte, ang lagi kong kinahahangaan ang mga barangay volunteer workers sa probinsya. Dahil kung hindi sainyo, kung hindi sa barangay health workers, kahit na ano ang magiging polisiya, kahit na ano ang magiging plano ng ating mga provincial governor, ng ating mga sanggunian, ay hindi ma-implementa kung hindi ng mga barangay health workers. Wala pang hinihingi na sahod- volunteer nga. Sabi ko, kaya’t kung minsan lagi kong pinapaalala, sa ating mga kababayan, sinasabi ko na kung gusto ninyong makakita ng tunay na public servant, ay puntahan ninyo ang mga barangay volunteer workers na araw-araw nagtitiyaga, umiikot, na walang hinihingi. Naaalala ko sa Ilocos Norte, ang hinihingi lang ng mga barangay health workers doon magkaroon lang ng payong. Magkaroon lang ng bag para paglalagyan ng gamit. Magkaroon lang ng kaunting scholarship, nakapagbigay kami. Kaya’t noong ako’y naging Senador ay sabi ko kailangan na nating kilalanin ang trabaho na ginagawa na hindi lamang ng mga Barangay Health Workers kung hindi lahat ng mga Barangay Health Workers. Sinabi ko kasi naman ang frontline ng gobyerno ay ang Barangay.

Kapag tinatanong sa akin, kung ano sa palagay ko ang pinaka mahalaga, the most important legacy, that my father, President Ferdinand Marcos left to the country, what is his most important legacy? One of his most important legacies is the Barangay. At ang ating mga barangay workers ang nagbibigay buhay sa barangay natin. Ito ang pinakamaliit na political unit of the country. Dito nararamdaman ng ating mga kababayan, dito nararamdaman ng mga mamamayang Pilipino ang gobyerno nilang tumutlong at nagdadala ng serbisyo. To an ordinary citizen, the barangay workers are the face of the government. As far as they are concerned, the barangay workers are the people who bring services of the government to ordinary citizens. Iyan po ang ginagampanan ninyo na napaka-importante.

Kaya naman ako ay sinabi ko nga, ay kailangan na natin kilalanin ang mga matiyatiyaga at masisipag at mga laging nagsasakripisyo na ating mga barangay workers. Kaya po, hindi niyo na maitatanong, nakapagfile na ako ng bill na magbibigay ng retirement benefits sa lahat ng mga barangay official. Dahil tinatanong ko, papaano ang ating mga barangay workers? Pati barangay captain, pati mga tanod, pati sa lungkod, pati sa daycare, pati sa barangay health workers, ilahat natin,kung mayroon tayong kailangan gawin, kayo ang lagi namin nilalapitan.

unnamed-2

Kaya’t ang aming tinignan ay papaano naman natin bibigyan ng benefits ang ating mga barangay workers? Kaya’t ang ginawa namin, ako ay nagfile ng bill para makapagbigay ng retirement benefits sa barangay mula sa barangay captain hanggang sa barangay volunteer workers.

Ang scheme na aming ginawa ay kumuha kami, alam naman ninyo ang sharing ng ating IRA ay karamihan pumupunta sa national government. Iyong iba pumupunta sa local government. Ang ginawa ko sa bill ay nilagay namin one percent (1%) ng national share ay gagawing pang retirement benefit at ang gagawin natin ay magkakaroon ng retirement benefit, mahigit kumulang, para sa mga barangay elected officials, more or less mga isang daan libo (P100,000) hanggang sa mga barangay volunteers mga fifty thousand (P50,000) retirement benefits.

Ito ngayon ay nasa Senado at mayroong accompanying bill ito sa Kongreso, sa House of Representatives. Kaya’t kailangan na kailangan na maipasa na ito para sabihin naman natin at kilalanin naman natin kung gaano kaimportante ang trabahong ginagampanan ng ating barangay.

Alam niyo po, gaya ng sabi ko ipinagmamalaki ng pamilyang Marcos na sa ilalim ng aking ama nagsimula ang pag-organisa ng ating mga barangay. Bakit importante iyan? Importante iyan dahil makikita natin na pagka may organization na nasa grassroots, ay maliwanag na maliwanag ay mararamdaman ng taong bayan kung ano ba ang itinutulak na serbisyo ng pamahalaan.

Kaya’t lagi kong sinasabi kung tayo man na mga national na officers, ay mayroon tayong mga magagandang plano, mayroon tayong mga magagandang programa na pinaplano para sa taong bayan, kung wala ang barangay, kung wala ang mga nagtiyatiyaga at nagsasakripisyo na barangay workers, ay hindi mararamdaman ng tao iyan. Kaya’t kung wala ang barangay halos masasabi natin hindi na naramdaman ang ating gobyerno. Hindi na nararamdaman, hindi na natataggap ang mga benepisyo na binibigay ng ating gobyerno para sa ating mga kababayan. Kaya’t ganoon kaimportante iyan. Ang lagi kong sinasabi, ang barangay workers ay ang frontliners sa gobyerno.

Kaya’t dahil ito’y nanggaling sa aking karanasan noong ako nga ay naging Governor ng Ilocos Norte ng siyam (9) na taon, nine (9) years, three (3) terms. Binuo ko iyong aking termino bilang Vice-Governor ng Ilocos Norte. Kaya naman noong ako’y naging Senador, naging Congressman tapos naging Senador, lagi kong pinapaalala sa ating mga national officials na dapat suportahan ng labis ng ating gobyerno ang local government.

Tapat ang aking paniniwala na ang tunay na development para sa ating bansa ay hindi manggagaling dahil inutos ng national government, ito’y mangyaayri dahil ito ay nanggaling sa barangay, nanggaling sa bayan, nanggaling sa lungsod, nanggaling sa probinsya. It is the local government that will be the foundation of any progress of our economy. Kasama kayo doon at kayo ay napakalaking bahagi ng ating ipinapangarap na progreso para sa ating bansa.

Alam naman natin parating na ang halalan. Marami ng nagkakampanya. Marami na siguro ang napupunta dito sa inyo. Siguro naman, well maaari nating sabihin na kapag mamimili na kayo, iyong barangay health workers ang pinakamagaling na campaign. Nag-uusap nga kami ni Vice-Gov, ika ko, wala na kasing galing iyong mga barangay health workers, ang sisipag ng mga iyan. Bukod pa roon, nandoon talaga kayo araw-araw kayong umiikot, araw-araw ninyong kausap ang tao. Kaya’t kayo ang nakakaalam at kayo ang pinapakinngan ng ating mga kababayan. Kaya naman ay sinasabi ko, dapat naman, kung mayroon man kayo na hindi nakakatiyak kung saan pupunta ang suporta ninyo, alalahanin lang ninyo, kayo ay bahagi ng local government ng Pilipinas. Maghanap po tayo ng kandidato na nakakaunawa sa local government. Maghanap po tayo ng kandidato na ipinaglalaban at pinaninindigan ang local government hindi lamang sa government na lokal, kung hindi ipinaglalaban sa national government. Iyan po ang aking naging trabaho sa nakaraang limang (5) taon.

Ako po noong naging Senador, hiniling kaagad na ako ang ilagay sa Committee on Local Government dahil sa pananaw ko kulang ang boses ng local government sa ating national government. Kung minsan, kailangan kong mapaliwanag sa ating mga matataas na opisyal kung papaano ang patakbo sa lokal. Dahil mayroon silang mga magagandang plano. Kung babasahin mo ay napakaganda. Alam nila ng mabuti. Kung minsan ay kailangan kong ipaliwanag sa aking mga kapwa Senador, sinasabi ko, maganda na ang timpla nito. Pero pagka sinubukan nating iimplimenta iyan, hindi natin mabubuo iyan dahil ganito ang mangyayari. Ito ang magiging problema at may kakulangan, kaya’t lagi kong ipinagmamalaki na ako, hanggang ngayon, ang pakiramdam ko, ay local government official parin dahil ang puso ko ay nasa local government.

Kaya naman tayo ay hindi nahihiyang lumapit at lumapit sa inyo, hindi lamang dito sa Ilocandia, kung hindi sa buong bansa. Maaaring sabihin na kayo man ay naghahanap ng isang magiging champion ng local government, ako po ay kung mamarapatin ninyo, ako po ay humaharap sa inyo at sinasabi asahan po ninyo na ang iyong abang lingkod, kapag maluklok sa pwesto, kung ano man ang aking ginagawa, kung ano man ang aking posisyon, kung ano man ang aking mga responsibilidad, hindi lumalayo ang aking pag-iisip. Hindi nalalayo ang aking puso sa ating mga local government officials. Hinding hindi makakalimutan ang ating mga volunteer workers- na siyang bumubuhay ng gobyerno para sa ating mga kababayan.

Kaya madali sigurong maalala, iyong nakita ko, may gumawa nagpa print out ng munting papel… Marcos pa rin.

Dios ti agngina kadakayo amin!

Back to Blog