Speech at 23rd National Convention of Vice-Mayor’s League of the Philippines

VPBBM_MARRIOTT_1021215_-9

Maraming salamat at nais kong batiin ang inyong namumuno na inyong Pangulo ng Vice-Mayors League of the Philippines.

Ang ating kaibigan at matagal ng nagsisilbi sa pamahalaan hindi lamang bilang Vice-Mayor. Nagsimula sa barangay at naging ABC, tumagal ng ABC at isang matagal ng nagseserbisyo sa ating mga kababayan, your President, Vice-Mayor Isko Moreno.

Ang inyong National Secretary General, Vice-Mayor Willy Villegas.

Ang League NCR Sec. Gen., Vice-Mayor Jose Cadiz.

Ang League VP for Administration, Vice-Mayor Nicholas Yulo at ang mga iba’t-ibang opisyal ng Vice-Mayors League of the Philippine.

Syempre nandiyan din ang aking kasama na kapartido sa Nacionalista Party na pareho biglang naging independent. Dahil nagkataon, siguro unang beses palang nangyari ito na sa isang partido, tatlo ang naging kandidato para sa isang national position. Ang aking kasamahan sa Senado, Senator Allan Peter Cayetano.

Ang isang bisita niyo na nakapag salita na, na aking, siguro nakilala na, mukhang very familiar sa atin ito. Ito’y aking pinsang buo na galing sa Leyte, Congressman Martin Romualdez.

Ang miyembro ng National Executive Board.

Lahat ng ating mga butihing Bise-Mayor na nanggaling pa sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas. Magandang gabi sa inyong lahat.

Bago ang lahat ay nais kong pasalamatan ang inyong Pangulo dahil nga siya’y, ako’y kinumbida na makasama at makausap kayong lahat- mga Vice-Mayors League dito sa buong Pilipinas. Napaka laki nga ang naging ang pagdating, ang naging delegasyon yata ay labis pa sa apat na raan (400). Kaya’t makikita natin na talagang umuubong na ang pulitika dito sa Pilipinas. Alam naman nating lahat na sinasabi nila, maraming nagsasabi na ang paboritong sport, ang favourite sport daw ng Pilipino basketball. Ika ko sa kanila, hindi kayo nakakaunawa sa talagang Pilipino. Ang favourite sport ng Pilipino, pulitika. Kaya’t nakita naman ninyo ngayon pa lang ay gulo-gulo na. Ang dami-dami ng gumagalaw. Nakapag filing na tayong lahat, hindi pa tayo nakakatiyak kung sino tatakbo, kung saan. Hindi pa natin alam kung sino magsusubstitute. Hindi pa natin alam kung ano iyong mga mangyayari before December ten (10). Mayroon pa rin maaaring mangyari pagkatapos ng December ten (10). Kaya’t talaga naman dito sa Pilipinas maraming mga tiga labas na pumupunta rito, lalong-lalo na kapag eleksyon. Kapag kampanya at saka eleksyon dahil dito lang sa Pilipinas nila nakikita ang sistema natin ng halalan- ang sistema natin ng pagkampanya.

Kaya naman siguro ay hindi nakakapagtaka na lahat, lalong-lalo na sa mga government officials ay siguro maaari din nating pag-usapan kung ano ba talaga sa aking pananaw ang pangangailangan ng ating bansa at ng ating bayan. Para maging maganda ang ating maging kinabukasan. Ano ba ang dapat nating iniisip tungkol sa paghusga sa mga kandidatong humaharap sa inyo-nagpapatulong sa inyo sa inyong mga lugar?

Siguro ako naman, kagaya ng nasabi sa introduction, ako ay Chairman ng Committee on Local Government sa Senado. Bilang Chairman, kami ay lahat ng aming maaaring gawin upang pagtulungan ang ating mga local government officials ay aming ginagawa. May mga bill na para tulungan at bigyan ng benepisyo ang ating mga barangay officials. Mayroon tayong mga bill para dagdagan ng IRA ng mga local government units. Pinapalitan natin nula sa forty (40)-sixty (60), gusto natin gawing fifty (50)-fifty (50) ang sharing ng IRA sa national at saka sa lokal. Pati na iyong pagsama ng koleksyon ng customs ay sinasama natin sa kalkulasyon ngayon ng IRA para naman lumaki ang IRA ng ating mga LGU at alam namin natin, naranasan ko iyan. Ako’y Governor ng Ilocos Norte ng siyam (9) na taon. Alam na alam ko kung ano iyong sitwasyon sa local. Kaya naman, itong aming mga sinusubukang gawin bilang Chairman ng local government, ang aking mga sinusubukang gawin para makatulong sa local government, ay napupuna ko, ay dito sa nakaraang ilang taon, ay hindi nabibigyan talaga ng pansin paano makatulong sa mga local government. Ang katotohanan imbis na tumutulong at binibigyan ng pagkakataon ang ating mga local government officials na magsimula ng programa, maglagay ng mga programa, mga proyekto para doon sa kanilang mga lugar, ay parang mayroon ngayong trend na ang national government ay parang sinasabi sila ang gagawa ng lahat.

Halimbawa iyong mga pondo natin, ako kung minsan nakakalimutan ko din hindi na ako Governor kaya’t pag sinasabi ko “tayo” ay dahil may bahagi pa rin sa puso ko na tingin ko sa sarili ko ay local government official. Dahil talagang diyan ako lumaki at diyan ako natuto dito sa serbisyong publiko. Kaya’t halimbawa, tinitignan natin, paano nangyari dito sa budget, sa mga budget natin sa local government, alam naman natin na ang budget ng local government, ang appropriatable funds ay kakaunti lamang. Kayong mga namumuno sa mga sanggunian, alam ninyo iyan. Pagktapos ng PS, pagkatapos ng twenty (20) percent, pagkatapos ng calamity fund, kakaunti na lang ang natitira para doon sa inyo. Para iyong gagamitin ninyo.

Ngayon ang masakit sa nangyayari, naging development dito sa nakaraang ilang taon, ay pati ba naman iyon, na kakaunting mga savings, ang kakaunti na naiiwan sa local government, ay nahahanapan parin ng paraan ng national government na kunin sa local government at dalhin sa national government. Dahil siguro sa paniniwala ng ibang matataas na opisyal na hindi kaya ng mga local officials ang kanilang trabaho o mas magaling ang national government sa local government na tugunan ang problema na hinaharap sa iba’t-ibang mga lugar sa buong bansa.

Ako naman ay hindi ako sang-ayon sa ganoong klaseng pag-iisip. Dahil sa aking nakikita, sa aking nakikita at sa aking naranasan, maliwanag na maliwanag sa akin na ang mga local government officials ang siyang nakakaalam ng problema ng bawat lugar. At ang bawat lugar sa buong Pilipinas ay walang parehong LGU. Kahit magkatabi na LGU, hindi mo masasabi na pare-pareho ang kanilang problema. Hindi mo masasabing pare-pareho ang kanilang pangangailangan. Hindi mo masasabi pare-pareho. Sa kahit na anong paraan ay masasabi mo unique at nagkaka-isa ang bawat LGU.

Kaya’t kailangan na kailangan ng national government ay nakikinig sa local government, sa local government officials, dahil iyong mga LGU officials ang siyang nakakaaalam ng kondisyon doon sa kanilang lugar. Kadalasan kahit na sasabihin, problema lang naman ang dala, hindi rin totoo iyon. Dahil kadalasan pag mayroon ngang problema sa lugar ninyo, kayo rin ang nagsasabi kung ano ang maaaring maging solusyon. Dahil alam ninyo, nagpapatulong lang kayo sa national government. Kaya’t para sa akin, it is a weakness. This trend that I am talking about is a weakness that we have begun to see. The relationship between the national government and the local government.

Why do I call it a weakness? I call it a weakness because the stability, I believe, that the stability of any government, ang maayos na patakbo ng kahit na anong pamahalaan ay hindi galing sa taas pababa kung hindi baliktad. Kung hindi galing sa baba hanggang sa taas.

Nakakalungkot para sa akin na hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga local government officials dahil nga dito sa pag-iisip na ito. Kaya’t sa pag-iisip na nakikita natin, lahat ng punto napunta na sa national government. Kami ng bahala, kami ng gagawa lahat. Pero nakikita naman natin, alam naman natin kung ano iyong mga nangyayari. Kung minsan sa local, mayroong mga nangangailangan. Imbis na iyon ang aayusin, gagawa ng project na walang kinalaman sa problema ninyo at iyong talagang malaking problema ay hindi naman nasosolusyunan.

Kaya’t itong klase ng problema na ito ay dapat natin pag-isipan at baguhin. Dahil dapat natin ipagpatuloy ang devolution. Dapat natin ipagpatuloy ang autonomiya ng LGU. Ito iyong trend na sinimulan twenty one (21) years ago noong naging batas ang Local Government Code.

Ano ngayon ang kinalaman nito sa darating na halalan? Ang kinalaman nito ay dahil sa aking pananaw, kung tayo nga ay nilalapitan ng kung sino-sinong kandidato at sinasabing nagpapatulong, nagpapaboto, nagpapa-organize, lahat iyan. Papaano natin pipillin? Karamihan diyan kaibigan natin. Karamihan diyan matagal na nating kakilala. Karamihan namn diyan ay suportado natin noong nakaraan. Paano ngayon natin pagpipilian?

Sa dami-dami ng kandidato, sa aking pananaw, ang isang gamay, a guide that we can always follow, especially as local government officials, is very simple. Tignan ninyo ang karanasan ng kandidatong iyon lalo na pag national. Tignan natin ang karanasan ng kanyang serbisyo publiko. Kung ito ba ay nakakaunawa sa local government issues. Kung ito ba ay supportive sa local government. Dahil kung hindi natin mailuluklok sa mga matataas na posisyon ang mga ganyang klaseng opisyal na may sympatiya sa mga local government officials, may pagmamahal sa local communities, ay walang mangyayari. Makikita lang natin ang national government, nagtatrabaho ang local government kung saan talaga nanggagaling ang tibay ng ating pamahalaan ay walang magawa dahil hindi nga nabibigyan ng pagkakataon.

That is something we need to change. And we have a chance in the next election to make that change. That change is to find who are the people that are running for national office, who are going to be influential, and important in the lives of our countrymen in the next few years. Sila ba ay tutulong sa local government? Because if they do not understand the importance of local government, if they do not understand the role of local government, then it’s not enough reason that they do not know the true workings of government, the true importance of local government, and the role that local government plays in the progress and development of our nation building of our beloved Philippines.

Iyan sa palagay ko ang dapat nating tignan. That is why ako naman pagka nasasabi ko syempre ako’y kandidato rin, masasabi ko naman sa buong karanasan ko ay nadaanan natin ang, bilang isang pulitiko bilang, bilang isang miyembro, isang public servant, ay palagay ko ay maipapakita ko naman that this understanding that I believe is necessary is something that I have attained having been already as I said in local government from the very start of my political career.

Kaya’t tinitignan natin. Kaya naman very supportive tayo dito sa inyong Pangulo na si Vice-Mayor Isko Moreno. Mayroon akong announcement, hindi pa niya nalalaman ito, dahil nga sa aking paniniwala na kailangan natin na mga national official, na nakakaunawa na may karanasan sa local government, ngayon ko palang sasabihin, ay iyong kandidatura ni Vice-Mayor Isko Moreno para sa Senado ay aming i-aadapsiya bilang isang Senador.

Dahil nga sa aming paniniwala na kailangan ng mas maraming tao sa national government na ang puso ay nasa local government parin. Maging representative, maging boses, at may paninidigan para tulungan ang national government. At ano pa sa aking palagay ang pangangailangan ng ating bansa na dapat nating isipin ng mabuti para sa darating ng halalan?
Ang isa pang nakikita nating pangyayari, ang nakikita nating development sa nakaraang ilang taon, ay ang paghahati-hati ng mga kapwa Pilipino alang-alang sa pulitika. Pinag aaway-away ang mga Pinoy. Pinag aaway-away ang mga Pilipino dahil sa kulay ng kanilang pulitika. Nakikita natin ay hindi maaaring magpatuloy iyang ganyang klaseng sistema. Ang ating bansa ay hindi ganoong kalaki, hindi ganoong kayaman. Kung ito’y naghihiwalay pa, at tayo-tayo ay nag aaway-away at hindi nagkakaisa para sa kapakanan ng ating mga mamamayan, ng ating mga constituents, ay walang mangyayari sa Pilipinas,

There is a very famous quote from Abraham Lincoln as the United States was approaching the civil war and he spoke. He said, “A house divided against itself, cannot stand.” And that is what is happening in the country today. Our house, is dividing against itself. Na ginagawa lahat nalang ng pati patakbo ng pamahalaan, ang ginagawa ay alang-alang lahat sa pulitika.

Ang pulitika, ang eleksyon, ang kampanya, may lugar iyan. Ngunit, dapat siguro pagka natapos na, na proklama na ang mga opisyal, natapos na ang mga protesta, itabi na muna natin ang kulay ng pulitika at isipin nalang natin ang serbisyo sa bansa. Iyan ang pangangailangan natin. Iyan ang hinihintay ng ating mga kababayan sa atin na tayong nakaupo sa mga matataas na elected position. Sila’y nag-aantay sa atin at umaasa sa atin na tayo ay makahanap ng paraan na ipagkaisang muli ang Pilipino.

Ilocano pa rin tayo, Tagalog pa rin, Bikolano, Waray-Waray, Bisaya, lahat pareho pa rin. Pero sa puno’t-dulo nitong lahat, dapat huwag natin makakalimutan na tayo ay Pilipino. Walang magmamahal sa Pilipino kung hindi Pilipino rin. Walang tutulong sa Pilipino, kung hindi Pilipino rin. Dapat ibalik natin sa pag-iisip ng ating bansa, ng ating mga mamamayan na dapat tayong mga Pilipino, imbis na tayo mismo nagaaway-away at pinagaaway-away tayo ng kung sino man, kung minsan tiga labas, kung minsan tiga atin, pero kung sino man sila, huwag tayong papayag na ipagpatuloy ang ganyang klaseng sistema. Dahil nakikita naman natin kung saan napunta ang Pilipinas sa ganyang klaseng sistema.

Hindi nagbabago ang mahirap. Ganoon pa rin ang bilang ng mahihirap. Hindi nadadagdagan ang trabaho. Hindi gumaganda ang mga sektor natin ng agrikultura. Wala tayong nakikitang infrastructure. Wala tayong nakikitang improvement sa ating educational system. Wala tayong nakikita sa maraming pagkukulang nga ng pamahalaan. Bakit? Dahi hindi magkaisa, kahit sa loob ng pamahalaan ay hindi magkaisa. Kaya’t sa darating na halalan mayroon tayong pagkakataon at itong pagkakataon na ito ay sisisihin tayo ng taong bayan pagka hindi tayo nakinabang ng pagkakataon na ito na maghanap ng mga lider sa darating na halalan na imbis na ipaghihiwalay ang kapwa Pilipino, imbis na pinag aaway-away, at pinag wawatak-watak ang lipunan, ang mga liderato na pinagkakaisa ang Pilipino para masabi ulit natin, “Tayo ay Pilipino. Tayo ay magmamalaki na tayo ay Pilipino. Tayo ay naglalakad sa buong mundo. Nakataas ang ating noo dahil tayo ay Pilipino.”

Iyan ang mga lider na hinahanap ng Pilipinas ngayon. Iyan ang pagkakataon na hinaharap natin. Sana huwag natin palampasin ang pagkakataon na iyan. Dapat naman pagkarating ng Martes, pagkatapos ng halalan sana naman masasabi natin, nagawa natin ang ating responsibilidad sa taong bayan. Nagawa natin ang pangangailangan. Tinugunan natin ang pangangailangan ng pagkakaisa sa buong bansa. Iyan sa palagay ko ang pinaka impotante na dapat nating isipin para malaman natin kung ano man ang ating gagawin dito sa darating halalan. Sino ang inyong susuportahan? Saan kayo pupunta? Ano iyong magiging gabay ninyo? Paano niyo sasabihin na ito’y mas magaling dito?

We have to always remember that without unity, we have no strength. It is only in unity that we find strength and we have seen the effects of a fractionalized nation. We have seen the effects and they are not good effects. They have not brought our country to a better place. They have not brought our people to a better place. The time has come for us to change that. We have an opportunity before us. Let us grab that opportunity. We will hold hands and let us do our duty to our country. That is what the country waits for. That is what the country prays for. It is up to us to provide that leadership to bring that unity and that sense of nationhood back to our country. Maraming salamat at magandang gabi sa inyong lahat.

Back to Blog