Special Court para sa Maguindanao Massacre napapanahon ayon Kay Sen. Marcos

Read the English version here.

Panahon na para magkaroon ng isang Special Court na “eksklusibong” didinig sa kaso ng Maguindanao masaker, ayon kay Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Inihayag ni Marcos ang mungkahi kasabay ng paggunita noong Lunes sa ika-anim na anibersaryo ng November 23, 2009 masaker kung saan 58 katao ang walang awa at brutal na pinagpapatay.

“Kailangan na ng isang Special Court para mapabilis ang pagdinig sa kaso kasi anim na taon na at talagang mabagal ang usad ng kaso. Sa palagay ko ang isang Special Court na walang ibang hahawakan ay magpapabilis sa usad ng Magundanao massacre case,” sabi ni Marcos.

Ang Maguindanao massacre kung saan 32 sa mga biktima ay mamamahayag ay tinaguriang “deadliest single attack on media in the world”. Kasalukuyang nakabimbin ang kaso sa Quezon City Regional Trial Court at ang umano’y mastermind na si Andal Ampatuan Sr. ay namatay na dahil sa sakit.

Umaabot sa 197 ang akusado subalit anim na taon makalipas ang masaker ay wala kahit isa sa kanila ang nasentensiyahan. Tuloy, pinapanawan na ng pag-asa ang mga kaanak ng mga namatay na makakamtan pa nila ang katarungan.

“Yung Special Court na sinasabi ko na bubuuin ay walang ibang gagawin kundi ang resolbahin ang kaso ng Maguindanao massacre. Kapag natapos na yung kaso, bubuwagin na agad ‘yung Special Court,” ani Marcos.

Back to Blog