South Luzon Coconut Farmers Consultative Meeting

Para po masimulan, mapa abante na tayo doon dito sa mga issue tungkol sa mga coconut farmers. Sa totoo itong inyong industriya, itong mga nag sasaka, lahat po kayo alam ko, ang hangarin ng aking ama noong binuo niya at dahan-dahang inilagay ang ang mga ibat-ibang aspeto sa coconut farmers para pagandahin nga at palaguin ang industriya ng niyog, at kagaya nga ng niyog lahat ng mga ibat-ibang bagay ng pangangailangan para pagandahin ang industriya ng niyog ay kanyang ginawa, haggang gumawa ng… gumawa ng levy fund, gumawa ng sa simula palang.

Ngunit hindi natapos ang kanyang gustong gawin, hindi natapos dahil noong nagbago ang pamahalaan noong 1986 ay hindi na itinuloy ang plano para sa mga coconut farmers, para sa coconut industry, at napabayaan nalang ang industriya, napabayaan nalang ang mga magsasaka na mag sarili, tamang tama para sa mga nagsasaka daw iyon, sariling sikap, sariling kayod, kahit hindi sinusuportahan ng pamahalaan.

Kaya’t ito’y aming panayam na ito’y magiging tuluyan nang magiging ganyan, ngunit muling nagsimula itong usapan namin, ako at inyong mga leader, dahil nga nag simula dahil mayroon tayong nakuha na pag husga ng Supreme Court na sinasabi na ang gobyerno na ang may ari ng coco levy fund, ngunit kagaya ng paliwanag kagaya ng paliwanag ni ka-charlie hindi pangkaraniwan na pang aangkin ng pag -ari ng gobyerno sa coco levy fund.

Ang kanilang salitang ginamit, it is just ownership. Ibig sabihin ang trust ownership hindi nasa gobyerno para gamitin para sa kahit anong bagay na nais nilang gamitin, kailangan maliwanag na maliwanag na sila lang ay custodian, sila lang ay nag sisigurado na hindi mawaldas ang fund at magsisiguro na iyang pera na iyan ay gagamitin para sa industriya, para sa mga nagsasaka ng niyog.

Ibig sabihin ang coco levy fund ay hindi pwedeng gamitin para mag lagay ng kalsada, hindi pwedeng gamitin para mag tayo ng building, para mag tayo ng power plant, hindi pwede iyon, dahil it is only held in trust. Dahil ang mga ani dito ay galing sa mga magsasaka at iyang fund na iyan ay kailangang gagamitin sa kapakanan ng mga mag sasaka.

Kaya nabigyan tayo ng lakas ng loob, kaya sinasabi natin, “baka simula na”, masisimulan na natin, maitutuloy na natin ang yung nasimulaan noon at itong pondo na ito ay magagamit na para pagandahin ang industriya.

Ngunit ito na ang nangyayari sa kasalukuyan ay ang ating mga economic… na ang laki kung ipag sasama-sama natin lahat ng mga account, lahat ng mga asset, lahat ng mga pumapasok. 200 billion, alam naman natin na pag may 200 billion na pondo na sadyang hindi ginagamit, hindi maunawaan kung saan gagamitin, syempre pag i-interisan na iyan ng kung sino-sino sa pamahalaan, ganyan na nga ang nangyari. Kaya ang gusto nilang gawin, ay ang pinansin lang nila doon sa Supreme Court decision ay yung judgement na “Yes, it is owned by the government.” Hindi na nila kionilala, hindi na nila pinansin yung definition of trust of ownership.

Kaya naman ang sabi, sabi ng Supreme Court sa gobyerno iyan, ilagay na natin sa treasury. Pero noong tinanong nang mga lider, saan ninyo gagamitin iyan? Ilalagay sa treasury, bibigyan nga kayo ng ka ng road map, yung road map ay para hindi gaanong iniisip ang industriya ng niyog, hindi gaanong iniisip ang nag sasaka ng niyog, kung hindi hinahanapan lang ng pondo para hindi gamitin sa ibat-ibang bagay.

Ganoon ang mga nangyayari at mabuti naman ay ipinag laban ng inyong mga leader, kaya’t kahit papaano kinikilala na natin na hindi lamang mga justice ng Supreme Court, hindi lamang matataas na leader sa pamahalaan, kung hindi pati an gating mga ibat-ibang kongresista at iba pang mga senador at kaya ipag papatuloy natin ang gagawin natin. Ano ang dapat nating gawin?

Ang dapat nating gawin ay itong pondo na ito ay lagyan na natin ng isang organisasyon, ang pino-propose ng inyong mga leader ngayon, ay isang foundation ang mamamahala dito sa pondo ng coco levy fund, at siya ang magiging manager ng perang iyon at siya ang mag lalagay ng mga perang iyon sa mga ibat-ibang aspeto para magpatuloy ang industriya ng niyog. Kaya naman maliwanag na maliwanag ang pag sabi sa akin ni … kung ano sa palagay ninyo ang dapat gamitin ang pondo ng coco levy fund.

Nakakapag taka nga na yung road map na tinatawag ng ating pamahalaan para sa coco levy fund na kanilang ginawa nang hindi na kumunsulta sa inyo, hindi na kumunsulta sa industriya. Parang mas alam pa nila kumpara sa inyo kung ano ang gagawin sa pera ninyo, ay hindi naman tama iyon. Kaya ng noong nakita nila yung road map, nagulat sila, eh hindi namna ito tugon sa mga problema ng ating mga farmers, parang hindi naman ito… parang hindi sila nakinig kung ano ang mga pangangailangan, hindi nila iniisip kung ano ang kailangang gawin, kung ano ang kailangan pondohan para pagandahin, para palaguhin, para pasiglahin ang industriya ng niyog.

Kaya may ginawa si… ipinaliwanag sa atin kanina na tungkl nga sa mga lupa, at ano ang kanyang sinasabi? Tulungan natin ang mga farmers, taasan natin ang insurance nila, kayang-kaya naman sa pondo, bakit ang sinasabi ilalagay kung saan-saan, kinukuha nila yung control dito sa coconut farmers para sa sarili nila? Hindi, para tumulong sa mga magsasaka, para mag tayo ng isang research institute para sa inyo, dahil hindi naman natin pwedeng pabayaan iyan.

Alam naman natin na sa agrikultura yung research and development ay napaka importante. Hindi lamang para malaman kung ano ang mas maganda, mas bago, mas hybrid, na pwedeng dalhin sa Pilipinas, na bagay sa Pilipinas, kundi baguhin yung planting techniques pati yung process. Kailangan nating pag aralang mabuti iyan para yung valor ng niyog ay walang nasasayan, noon tayo ay ang iniisip lang natin pag sinasabing coconut industry, copra lang ang ating iniisip, ngayon nababalitaan na sa buong mundo ay nakikilala na ang coconut ay napaka raming gamit, at kung tutuusin ninyo yung produkto ng niyog ay walang kailangang itapon sa produkto ninyo dahil mayroon nang virgin coconut oil, coconut milk, mayroon pa yung pagka matanda na yung niyog, may coco lumber, marami talaga, wala kang itatapon na kahit ano sa pagsasaka ng niyog.

Kaya napaka gandang produkto. Ay tayo namang nasa Pilipinas ay sinuwerte tayo, napaka palad natin na halos perfect ang agricultural conditions para niyog. Paano natin masasabi iyon? Hindi naman natin inaalagaan, may tumutubo bang niyog ng mag isa? Dahil pati yung ating lupa, pati yung ating weather, pati yung panahon, ulan, yung araw ay tamang tama para sa niyog.

Kaya naman dapat nating kilalanin na iyan ay napunta sa Pilipinas ay para natin kilalanin at gawin ang lahat para ang ating magsasaka ay mag karoon ng pagkakataon naman at magkaroon ng hanap buhay, magkaroon ng magandang hanap buhay dahil sa industriyang ito. Kaya’t kailangan natin ng guarantee, kailangan natin ng guarantee para sin mag tayo doon sa coconut processing, para matuto kung ano yung pinaka maganda, yung tinatawag na value added bago natin ibenta sa palengke, bago natin e-export.

Pinaka mataas lahat ng value added, hindi na yung processing sa ibang bansa, pero yung processing ay dito sa Pilipinas kung ano ang value added na inilalagay natin sa produkto ay maiiwan dito sa Pilipinas, maiiwan dito sa magsasaka.

Kaya sa ngayon palagay ko ay isang agkakataon ito para sa Pilipinas, hindi lamang para sa coconut farmers, kung hindi para sa agrikultura ng Pilipinas. Dahil sa aming pag aaral yungkol sa agrikultura ng Pilipinas, masasabi natin ngayon ito’y naghihingalo, dahil wala tayong ginagawang investment sa ating mg farmers, wala tayong ibinalik sa ating mga magsasaka, hindi mag kukulang ang suporta ng gobyerno sa ating magsasaka.

Kaya naman sa dami ng mga statement na ating naririnig na tayo ay magiging self-suffeicient sa bigas, ay anong balita nag makukuha natin? Bawat panahon ay padagdag ng padagdag ang importation natin sa pIlipinas ng Bigas. Kahiya-hiya kung iisipin natin natayong dating rice exporter, tayo ngayon ang pinaka malaking rice importer sa buong mundo, papaano ngayon nangyari iyan?

Nangyari iyon dahil sa kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa ating magsasaka, kasam narin diyan kayong nagsasaka ng niyog. Kaya naman ito ay aming pinag lalaban ngayon, hindi lamang dahil kaibigan ko ang inyong ga leader, nakipag usap tayo at nakipag konsultasyon tayo dahil ito ay napaka laking pag asa para sa ating bansa kung mapa ganda natin ang industriya ng niyog, coconut industry, kung ating matulungan at masuportahang maigi sa pamamagitan ng mga research development, sa pamamagitan ng credit, sa pamamagitan ng suporta ng gobyerno… sa pag export, sa pag patayo ng mga processing center kung kaya nating gawin ay makikita nating tayo ay world leader dito sa pag export ng mga produkto ng niyog.

Iyan ang ibinigay na pagkakataon sa atin, at iyan ang dapat nating tignanag mabuti, pag aralang mabuti at andito naman lahat ng aspetong kailangan natin para gawing ganoong ka importante, ganoon ka laki, ganoon ka sigla ang industriya. Kagaya nito ni ka-charlie sa kanyang paliwanag na kahit sinabi nan g Supreme Court na hindi pwede ang gagawin ninyo ay pinapalitan nila yung sistema at sinusubukan nnila na idaan sa pagsulat ng isang batas.

Kaya naman ang sabi ko sa kanila madali naman sigurong maka usap natin ang ibat-iba natig legislator, maipaliwanag lang nating mabuti kung ano ang magiging epekto nitong mga sinusubukan at pinag iinterisan ang coco levy fund ay gagawin ilalagay sa treasury. Yung treasury kumbaga iyan ang savings account ng gobyerno, ngayon pag may savings accpunt ka kahit anong gusto mong gawin doon sa savings account na iyon ay maaari mong gawin.

Ang problema hindi necessarily, hindi mo nga maitiyak na puputa sa industriya, hindi mo matitiyak na mapupunta sa mga magsasaka, kaya kailangan natin pilitin at idiin na trust ownership, dahil ang sinabi ay, “ako ay ang may may-ari ng isang savings account na entrust for”, ibig sabihin hindi mo pwedeng kunin yung pera, ibigsabihin kailangan kong gamitin yung perang iyan para lang tulungan kung sino man an gang trustee, kayo ang trustee ng coco levy fund.

Kayo ang dapat na nag sasabi kung saan dapat gamitin iyan, kung kayo ay may pangangailangan, ito’y sa inyo, para sa inyo ito. ganoon dapat. Kaya sa pamamagitan lang ng pag sulat ng bagong batas ay sinusubukan nilang mapaligiran ang Supreme Court, sabi kahit ganoon ang judgement ng supreme Court, may batas naman.

Kaya’t dinadaan ngayon at minamadali sa House of Representatives at sa Senado. Kaya naman sinabi ko sa ating mga kaibigan ay tayo namna ay susubok na gumawa ng paraan na makipag usap sa ating mga kaibigan, sa bawat kamara, sa House of Representative at Senado para naman malaman nila kung anong mga pagkakataon, anong dapat gawin, anong nangyayari, anong dapat subukang gawin n gating pamahalaan. Kaya naman andito ngayon si Congressman Lagdameyo dahil nagkataon lang, nag dinner kami last week ay napag usapan namin ito.

Sabi ko may lumapit sa aking grupo nag papatulong dahil nga ganito ang nangyayari, may decision ang Supreme Court na trust… ganito, ang ginagawa ng gobyerno basta sabi ownership amin, kukunin namin ang pera at gagamitin namin kung saan-saan.

Alam ninyo sa kanila, si Congressman Lagdameyo ay in positive, masasabi nating nasa industrial farmer siya, dahil ang kaniyang pamilya ay alam na ninyo, silang nanggaling sa Davao, sila ‘yon, kaya interisadong interisado siya sa mga issue ng agrikultura, lalo na industrial agriculture. Dati sinasabi natin na hiwalay ang industriya at agrikultura, ngayon hindni na, dahlia ng mga produkto na agrikultura ay ginagamit narin sa industriya.

Kapag pinalaki natin ang isang sector ng agrikultura ay ini-indurialize, ibig sabihin mine-mechanize, may high processing na, may… ay parang industriya narin, ayun lamang ang produkto ay agricultural products. Kaya ang sinasabi ko ay, tulungan mo ako sa Kongreso, kausapin mo ang ating mga kaibigan diyan at ipaliwanag natin, kaya’t dahan-dahan gumagawa tayo ng consensus sa buong Houses of Congress, sa House of Representatives at Senado, dahan dahan nating pag iisahin iyan ay siguro pag dumatin ang panahon kailangan ay imbetahin natin sila at kayo ang magpaliwanag kung ano ang inyong mga dinadaing, kung ano man ang inyong pangangailangan, kung ano ang sa tingin ninyog dapat gawin sa ating kinabukasan, para sa kinabukasan n gating industriya, para sa kinabukasan ng ating mga magsasaka.

Kaya alam niyo po para sa akin, ang aking pag iisip ay hindi lamang para sa industriya, hindi lamang para tulngan an gating mga magsasaka, bagamat iyon lamang ang pinaka importante na dapat nating e-prioritize, ngunit hindi laman iyon dahil ito sa palagay ko ay maaaring magiging pag asa ng agrikultura ng Pilipinas, ito ay dapat nating kilalanin na biyaya, biyaya ng Diyos na ibinigay sa Pilipinas at dapat naman tayo bilang nagmamahal, bilang nagmamahal sa husay, dahat nating kilalanin ang ibinibigay sa atin para kahit kalian man ay hindi natin sasayangin ang ibinibigay sa atin, iwinawaldas ang mg apagkakataon na ito, kaya namna po kaya namin napag uusapan ito ng inyong mga leader, sila ka-charlie, sila ka-pepe at nag uusap sila na ibinigay nila sa akin ang issue na ito ay sabi ko, kakausapin ko ang inyong mga miyembro para naman mapag usapan ang dapat gawin at kailangan gawin kaya ngayon siguro ang aking sadya dito kaya’t ako’y nag punta at nag konsulta sa inyong lahat ay para din ma prisenta sa inyo na kung inyong mamarapatin ay ako ang mag sasalita pra sa inyo, ako ang mag ri-represinta sa inyo, kung kailangan man ako ang lalaban para sa inyo. Para tiyakin anang inyong karapatan ay hindi nasasagasaan at ang ikabubuti ng industriya ay magiging priority sa ating pamahalaan. Kaya magadang pagkakataon ito, at sinasabi ng ating mga kaibigan, sinasabi nila danger is the same as the opportunity.

So mayroon tayong nakikitang… dahil nga kinukuha sa inyo ang coco levy fund, ngunit diyan sa piligrong iyan mayroon tayong dapat hanapin na pagkakataon, pagkakataon ito ulit na ipakilala at ipaalam sa buong bansa na mayroon industriya sa Pilipinas na onti lang ang kinakailangan, konti nalang ang gagawin ay ito ay magiging industry leader hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Kaya’t itong pagkakataon na ito an gating laging dapat isipin, dapat lagi nating aralin, lagi nating gawan ng paraan kung papaano natin maabot yung ating pangarap na iyan. Kaya ito po ang simula sa ating pagsasama, ipaglalaban natin na sa industriya, sa mga magsasaka.

Kami po ay nandito para tulungan kayo, kami po ay nandito, kami po ay nandito para mag serbisyo sa inyo sa mga usapang pamahalaan, kaya hinihingi ko sa inyo ang panahon na maibigay ninyo sa akin para makapag usap tayo, makapag ugnay tayo, malaman ko at maging maliwanag na ang industriya ng niyog ay hindi lamang sa tagalog, hindi lamang sa Luzon, kung hindi naka kalat sa buong Pilipinas. Kung makikita ninyo, kung kayo ay nasa eroplano, sa taas ng PIlipinas, wala kang makikitang ibang bagay, wal kang makikitang tao, wala kang makikitang ibang halaman, ang makikita ninyo ay niyog, dahil nga ito’y ibinigay sa atin, hindi natin dapat sayangin. Kaya sa tulong ninyo,s asuporta po ninyo, asahan po ninyo na ako po ay tagapag salita ninyo upang ipaglaban ang inyong karapatan, upang tulungan ang inyong industriya. Kung sa ganoon masasabi natin nayung dapat nating gawin bilang mga magsasaka ng niyog na mapa ahunin ang agrikultura ng Pilipinas ay atin nang makamit. Sana, sa tulong ninyo mangyari na ito sa lalong madaling panahon. Maraming maraming salamat po, at magandang tanghali sa inyong lahat.

Back to Blog