Smuggled Vegetables to Flood Local Market Anew

Urges gov’t to sell seized illegally imported crops at dirt cheap prices

The skyrocketing prices and shortage in the supply of vegetables as brought about by two powerful typhoons that hit the country of late would cause the local market to be flooded with smuggled vegetable products from abroad.

Ilocos Norte Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. revealed this as he called on Commissioner Napoleon Morales of the Bureau of Customs and Chairman Antonio Villar Jr. of the Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) to keep a watchful eye over all ports in the country to prevent the entry of smuggled vegetables.

Marcos said vegetable smuggling is rampant in the country. He said most, if not all, of smuggled vegetables like potato, tomato, carrots, cabbage, garlic, onion, ginger, cauliflower, broccoli, spinach and celery come from China.

“It’s not only the vegetable farmers in Northern Luzon who fall victim to typhoon ‘Pepeng,’ but also the consumers. The prices of vegetables are now very high and smugglers will surely take advantage of this,” Marcos cautioned.

Marcos said the Bureau of Customs and PAGC should confiscate the smuggled vegetables and run after the smugglers.

He suggested that the confiscated products be sold at very low prices in the markets of Metro Manila and use the proceeds to help the typhoon victims, especially the affected vegetable farmers in Northern and Central Luzon.

Marcos called on Morales and Villar to curb the activities of vegetable smugglers at the nation’s entry points particularly in Cagayan de Oro City, General Santos City, Palawan, Mindoro provinces, Iloilo, Cebu and Boracay.

Marcos revealed that smuggled vegetables are being sneaked in the country through these ports and the products are later transported to Metro Manila in container vans whose contents are misdeclared.

Local farmers and traders have been complaining about the unabated entry of smuggled vegetables from China, saying it brings havoc to the local vegetable industry and renders the country’s vegetable growers incapacitated.

Gulay kumpiskahin at ipagbili ng mura

SMUGGLED VEGETABLES

DADAMI SA MERKADO – BONGBONG

Ang napakataas na presyo ng gulay at kakaunting suplay nito sa merkado dulot ng bagyong ‘Ondoy’ at ‘Pepeng’ ang magiging daan para lalung dumagsa ang mga smuggled vegetables sa mga palengke at groceries sa Kamaynilaan.

Ito ang ibinunyag ngayon ni Rep. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng Ilocos Norte matapos na hamunin sina Customs Commissioner Napoleon Morales at Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) chair Antonio Villar Jr. na bantayan ang lahat ng daungan sa Pilipinas at kaagad na kumpiskahin ang mga puslit na gulay at hulihin ang mga smugglers nito.

Ayon kay Marcos, talamak ang smuggling ng gulay sa bansa tulad ng patatas, kamatis, carrots, repolyo, bawang, sibuyas, luya, cauliflower, broccoli, spinach, celery at iba pang gulay na pawang nanggagaling sa bansang China.

“Hindi lang mga vegetable farmers sa Northern at Central Luzon na tinamaan ni Pepeng,   kundi ang lahat ng consumers ng gulay.  Napakamahal ngayon ng gulay at tiyak na sasamantalahin ito ng mga smuggler,” pahayag ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na makabubuting ipagbili ng mura ang makukumpiskang gulay sa Metro Manila at ang mapagbibilhan nito ay ibigay sa biktima ng bagyong Pepeng lalu na sa mga apektadong nagtatanim ng gulay sa Northern at Central Luzon.

Sinabi pa ni Marcos na makabubuting bantayan nina Morales at Villar ang umano’y mga entry points ng mga smugglers ng gulay particular na sa Cagayan de Oro City, Gen. Santos, Palawan, Mindoro, Iloilo, Boracay at iba pang daungan sa Pilipinas.

“Misdeclaration ang ginagawa ng mga smuggler ng gulay.  Kunwari prutas o ibang produkto, pero gulay pala na galing ng China ang ipapasok nila,” pagbubunyag ni Marcos.

Matatandaang unang inireklamo ng grupo ng mga nagtatanim ng gulay sa Northern at Central Luzon ang pagdagsa ng mga smuggled vegetables mula sa China sa Metro Manila dahil sa ito ang pumapatay ng kanilang negosyo o ikinabubuhay.

Back to Blog