Senator Marcos: Ano ang nagde-delay sa foreign-assisted infrastructure projects?

Read the English version here.

Kinuwestiyon ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pagkaantala ng mga foreign-assisted projects tulad ng tulay, kalsada, irigasyon, flood risk management, at iba pang big ticket projects na dapat sana ay nakakatulong na sa paglago ng ekonomiya kung natapos sana ang mga ito sa takdang oras.

Ihinain noong Miyerkules ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Public Works, ang Senate Resolution No. 1627 para sa imbestigasyon hinggil sa status ng mga foreign-assisted infrastructure project.

“There are reports that a number of these foreign-assisted infrastructure projects have incurred delays in their completion and implementation due to technical and administrative problems,” ayon dito.

Ang mga dayuhang organisasyon na umaayuda sa Pilipinas para sa mga naturang proyekto ay ang World Bank-International Bank for Reconstruction and Development (WB-IBRD), Japan International Cooperation Agency (JICA), Korea Economic Development Cooperation Fund (EDCF), Asian Development Bank (ADB), at United States Agency for International Development (USAID); at mga bansang tulad ng Australia, Austria, France, Spain, China, Saudi Arabia.

Para sa 2015, naglaan ang Department of Public Works and Highways ng kabuuang P23 billion bilang counterpart capital outlays para sa foreign-assisted projects.

“It is crucial to scrutinize the cause of the setback in the execution of these foreign-assisted ventures and address the issue forthwith in order to foster transparency and accountability in these undertakings,” ani Marcos.

Back to Blog