Senador Marcos sa young ‘Tsinoy’ Businessmen: Magtulungan tayong paunlarin ang bansa

Read the English version here.

Hinikayat ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang mga batang Filipino-Chinese businessman na tumulong sa nation-building sa pamamagitan ng pagbibigay pa ng trabaho sa mas marami at pagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Ginawa ni Marcos ang panawagan sa kanyang pagsasalita sa pagpupulong ng Anvil Young Business Club, Incorporated-Association of Young Filipino-Chinese Entrepreneurs, na pinamumunuan ni Reginald T. Yu bilang Presidente, noong Martes ng gabi kung saan kinilala niya ang mga ito bilang “new breed of Filipino entrepreneurs” na punung-puno ng pag-asa.

Sinabi ni Marcos na ang sektor ng negosyo ay nagsusulong sa nation-building sa pamamagitan ng mga mekanismo na nagpapagulong sa ekonomiya tulad ng pagbabayad ng buwis, pagbibigay ng batayang serbisyo sa tao, jobs creation, at iba pa.

“So if the young Filipino-Chinese business people want to ask how they can be of better service to our task of nation-building, contribute your fair and accurate share in the revenue collection efforts of the government,” ayon kay Marcos.

“Hence I would like to urge you to continue generating local employment opportunities. May you always see the wisdom and the need for committing human capital in all of your business endeavors, more so in the face of the threat of computerization, automation, and machines that the digital information has brought,” anito.

Hinimok din ni Marcos ang mga batang negosyanteng Tsinoy na ipagpatuloy ang pagbibigay ng ligtas, mataas na kalidad at abot-kayang serbisyo publiko na magpapa-unlad sa buhay ng mamamayan.

“Through my leadership and public service for the country, you will always be assured of my constant promotion and advocacy of business-friendly policies and a healthy investment climate in the country with specific emphases on a stable and conducive peace and order situation, strong public infrastructure network, a just, equitable and sensible taxation system, and a government that is free from red tape and unnecessary bureaucratic layers,” sabi ni Marcos.

Back to Blog