Senador Bongbong Marcos nakipagpulong kay ex-Senador Aquilino Pimentel, Jr. hinggil sa amyenda sa Local Government Code

Bagamat hindi pa bumabalik sa sesyon ang Senado patuloy ang pagtatrabaho ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., chairman ng Senate Committee on Local Government, at nakipagpulong pa ito kay dating Senador Aquilino Pimentel, Jr. ngayong araw(Jan. 14, 2012) sa tanggapan ng huli sa University of Makati.

Tinalakay ni Marcos kay Pimentel ang kanyang balak na amendments sa Local Government Code of 1991, kabilang ang mga requirement sa conversion into city ng isang municipality.

Nagpahayag naman ng suporta si Pimentel sa layunin ni Marcos na gawing pangunahin ang locally generated income sa mga requirement para sa nasabing conversion.

Sinabi ni Pimentel na nasa tamang direksyon si Marcos dahil may mga probisyon umano sa 22-taong code na nangangailangan na ng pagbabago upang maging angkop ang mga ito sa kasalukuyan at maging daan para mas mapabilis ang pag-unlad ng local governments.

Kasalukyan nang kinakalap ni Marcos ang mga kaukulang impormasyon hinggil sa kasalukyang taunang kita ng mga syudad na maaaring gawing kongkretong basehan sa iniisip nitong mga amendment sa Local Govdrnment Code.

Inanyayahan din ni Marcos si Pimentel, kilala bilang “Father of Local Government Code,” na magbigay ng kanyang mga pananaw sa sandaling magsagawa na ng public hearing ang Senate Local Government Committee.

Back to Blog