Sen. Trillanes, sinalubong ni Sen. Bongbong Marcos sa kanyang unang pagdinig sa loob ng Senado

pagsalubong-kay-sen.-trillanesMasayang tinanggap ni Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., kasama si Sen. Pia Cayetano, ang kasamahang si Sen. Antonio Trillanes IV sa kauna-unahang pagdalo nito sa isang pagdinig sa Senado noong Martes, ika-11 ng Enero 2011. Nakalaya na ang nabilanggong Senador Trillanes, matapos ang kanyang matagumpay na pagkakakuha ng amnestiya na ipinagkaloob ng Pangulong Noynoy Aquino nitong nakalipas na taon.

“Hindi na tayo maghi-hearing ngayon sa loob ng detention cell,” pabirong wika ni Sen. Bongbong Marcos kay Sen. Trillanes nang ito ay biglang pumasok sa silid, sa harap ng mga natuwa, nagulat at namanghang mga kinatawan ng media at mga panauhin sa kauna-unahang pagdinig sa Senado ngayong 2011.

Back to Blog