Sen. Marcos: Walang problema kung sino man maging presidente

Makakasiguro ang susunod ng pangulo ng bansa ng suporta ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., at sinabi nyang walang magiging problema kung sino man ang manalo sa mga kandidato sa pagkapangulo.

“If I get elected, I can work with any of the presidential candidates. Secretary Mar Roxas is the cousin of my wife. Vice President Jejomar Binay and I are from the north. Mayor Rodrigo Duterte and I are good friends and Senator Grace Poe is my sister in government. We are also good friends,” Marcos said.

Ngunit diniin ni Marcos na hindi siya magiging apologist o cheerleader ng magiging Presidente kung siya ay mahalal na Bise Presidente.

“I won’t just be the President’s ‘cheerleader’ or apologist, nor will I be his or her rubberstamp ngunit ako’y makikipagtulungan sa kanya sa mga programa na makakatulong sa ating kababayan dahil ang pagkakaisa ang kailangan natin para sa isang progresibong bukas,” aniya.

Sinabi din nito na hindi siya mangingiming ihayag ang kanyang sentimiyento o negatibong komentokung nakakakita o nakakaramdam siya ng mga kamalian sa pamahalaan.

“I will also act as a fiscalizer and will freely yet tactfully and diplomatically speak my mind about important public issues, as well as about the shortcomings and weak points of the government,” ayon kay Marcos.

Aniya, it ay kanyang gagawin hindi upang bumatikos o manisi lamang kundi upang mahikayat ang gobyerno na ituwid ang mga kamalian at mas pagandahin ang serbisyo sa ngalan ng pampublikong kagalingan.

Sinabi niya na bilang Bise Presidente, tutulong siya upang pagkaisahin ang buong bansa para sa Presidente dahil naniniwala siya na sa pagkakaisa lamang magtatagumpay ang pamahalaan na mapaunlad ang buhay ng mga Pilipino.

“If and when I become Vice-President, my platform of public service will be defined not by a ‘hopeful patience’ or ‘wishful thinking,’ but rather, of unity, trust, and co-operation. I will be a trustworthy team player and a competent role player,” aniya.

Back to Blog