Sen. Marcos: ‘Wag iboto ang mga kandidatong maghahati-hati sa Pilipino

Read the English version.

Nanawagan si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga botante na tablahin sa 2016 elections ang mga kandidato na hahatiin lamang ang mga tao imbes na pagkaisahin ang lahat.

Sinabi ni Marcos na bigo ang mga pagsisikap na isulong ang bansa dahil sa labis na pamumulitika ng mga may hawak ng kapangyarihan.

“Ask yourself if this or that candidate is for unity. If not, then don’t vote for him or her. We can’t have stability if the government is filled with politicians who divide the people for the sake of politics or their own personal agenda or gain,” pahayag nito.

Inihayag ni Marcos na ang mga Pilipino ay may kakayahan at talento na paunlarin ang sitwasyon ng Pilipinas subalit ito ay napipigil ng labis na pamumulitika ng mga opisyal para maisulong ang kanilang interes at interes ng kanilang kapartido, kaibigan, malalapit na kasamahan, at kamag-anak.

“The Filipino people are industrious, honest, and resilient that’s why our OFWs (Overseas Filipino Workers) are preferred by foreign employers over other nationalities. Magagaling tayong mga Pilipino pero bakit mahirap ang ating sitwasyon?” ayon dito.

Kumpiyansa si Marcos na mayroong mga solusyon sa mga problema ng bansa subalit hindi maipatupad ang mga ito dahil walang pagkakaisa ang mga opisyal ng gobyerno.

“The drug problem is alarming; corruption persists; prices are high; crime is rampant; unemployment rate is high; agriculture is neglected; the housing program is a failure; traffic in Metro Manila is a big mess; the educational system is not at par with our neighboring countries. We know the solutions to these but we can only solve them if we are united as Filipinos and the first and paramount job of the government is to unite us all,” anito.

Back to Blog